Jason Abalos as two-timing Victor in Two Wives angers netizens

Jason Abalos considers his role in Two Wives as his biggest break: "Sampung taon na ako sa showbiz, pero ito lang ang tumatak na role ko. Yun pala, hindi lang pala kailangang hero ang role mo. Mas maa-appreciate ng tao kung ano ang puwede mong gawin.”


Bilang si Victor sa primetime series ng ABS-CBN na Two Wives, kay Jason Abalos umikot ang pag-ibig ng dalawang bidang babae na sina Kaye Abad at Erich Gonzales.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jason kung ano ang nabago sa buhay niya simula nang gawin niya ang Two Wives.

Natatawang sabi niya, “October siya nagsimula, e. Ganun pa rin naman!

“Bihira akong lumabas ng bahay kaya hindi ko pa alam ang epekto sa akin.

"Pero noong nagsimula siyang mangaliwa... ‘Di ba, tayong mga Pinoy, ideal na gusto, buo ang pamilya?

"Ayaw na nangangaliwa ang asawa.

“Noong magsimula akong mapunta kay Janine [Erich], yung mga tao nagagalit.

"Pero sobrang ganda kasi ng pagkakasulat ng script.

"Ipinakita rito kung ano ang nararamdaman ng kabit at yung asawa.

"So, parang ako, yung conflict, sa akin, okey lang.

"Basta makita ng mga Pinoy kung ano ang mangyayari sa ‘yo kung sakaling mangyari ‘to.”


NOT JUSTIFIED. Kung siya raw ang masusunod, ayaw ni Jason na may makatuluyan ang karakter niya.

Katuwiran niya, “Para magdusa si Victor.

"Para makita ng mga tao na mali, pagdusahan niya. Kasi, mali naman talaga.

“Sa tingin ko, kaya ito ipinapakita para makita rin ng mga tao.

"Hindi naman pupuwedeng ikuwento lang na ganito lang ang mangyayari diyan.

"Ipinakita lang talaga ng Two Wives at aminin natin, sa Pilipinas, totoo naman na nangyayari na ‘to, e.

"Magmula pa sa mahirap na tao hanggang sa mayayaman, totoong nangyayari na siya."

Sa social media, marami ang galit sa kanya. Ano ang reaksiyon niya?

Sagot ni Jason, “Sabi ko, nakaka-relate sila.

"Hindi naman kami yun. Hindi naman ako si Victor sa totoong buhay.

"Ibig kong sabihin, yung nangyayari sa Two Wives, posible, ‘di ba?”

REMINDER. Dahil sa pagkakaganap niya sa papel na Victor, para raw napaalalahanan si Jason na kapag may asawa na ang isang lalaki ay hindi na ito dapat mangaliwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In a way, parang ipinakita sa akin na ‘eto ang puwedeng mangyari sa ‘yo.

"Kahit ako, sabi ko nga, ang sama naman ni Victor para iwan ang pamilya.

"Kumbaga, nagsumpaan kayo sa harap ng Diyos, 'tapos iiwanan mo ang pamilya mo nang ganun-ganun lang.

"Kumbaga, yung kanya, ego lang at saka pride.

"Porke ba maganda ang pakiramdam mo kay Janine, iiwanan mo na ang pamilya mo?

"Porke ba nabuo ang pagkatao mo kay Janine, iiwanan mo na ang pamilya mo?

“Kaya nga ang mga tao galit na galit kay Victor kasi, nakita nila ang struggle ng pamilya niya.”

Kung sakali at mag-aasawa na pala siya at pakakasalan na niya ang girlfriend ngayon, ang dating PBB All-In housemate na si Vickie Rushton, nakasisigurado itong hindi niya iiwan?

“Oo naman, oo naman,” mabilis niyang sagot.

“Kahit sino naman na makatuluyan ko. Ako rin naman kasi, takot akong magpakasal na hindi ako sigurado.

"Ayoko na mauwi sa wala yung pamilya ko, ayokong magkahiwalay.

“Feeling ko, yun ang pinaka-masakit na mangyayari sa buhay ko.

"Na kapag nag-asawa ka at maghihiwalay kayo. Hindi lang sa akin kung hindi sa pamilya ko.”


BIGGEST ROLE. Masaya raw si Jason dahil “surprise” daw talaga sa kanya ang nangyari sa Two Wives, na biglang ginawang primetime at tinangkilik ng tao.

Kinu-konsider nga ito ni Jason na biggest show niya.

“May mga nagawa na rin ako na sobrang mabait ang character. Pero dito, mas nakilala ako bilang Victor.

"Kumbaga, sampung taon na ako sa showbiz, pero ito lang ang tumatak na role ko.

“Yun pala, hindi lang pala kailangang hero ang role mo.

"Mas maa-appreciate ng tao kung ano ang puwede mong gawin.”

Kumustang katrabaho ang dalawang leading ladies niyang sina Kaye at Erich?

“Sobrang grateful ako, sobrang thankful ko sa kasama kong dalawang babae, sobrang gagaling.

"Minsan kapag pinapanood ko sila, hindi mo na iniisip na umaarte lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang galing nila, lalo na si Kaye, sobra!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN