Eric Quizon remembers dad Dolphy's huling habilin: "Ayoko ng away-away."

by Melba R. Llanera
Jan 14, 2022
Eric Quizon, Vandolph, Epy Quizon
Eric Quizon remembers legacy of the late King of Comedy Dolphy (right), reuniting with his brothers on the small screens via the Net25 gag show Quizon City, and update on Dolphy Ville in Calatagan, Batangas. Seen in the left photo are the Quizon brothers Epy, Eric, and Vandolph.

Ayon kay Eric Quizon, ang magmahalan silang magkakapatid ang huling habilin sa kanila ng namayapang ama, ang King of Comedy na si Dolphy.

Ito raw ang dahilan kung bakit ang Quizon siblings ay hindi nabalitang nagkaroon ng samaan ng loob at di pagkakaunawaan kahit nasa iisa silang industriya.

Si Eric ay anak ni Dolphy sa dating aktres na si Pamela Ponti. Buong kapatid niya si Epy Quizon.

Si Vandolph, o Van kung tawagin ni Eric, ay anak ni Dolphy sa aktres na si Alma Moreno.

"Una sa lahat, I think ang common denominator namin is our dad," saad ni Eric.

“Kumbaga, kaya siguro kami ganito kahit iba-iba ang mga nanay namin at nagkakaroon kami ng harmonious relationship is parating nasa isip namin ay ang daddy.

“Before he died, ang sinabi niya sa amin, ‘Ayoko ng away-away. Gusto ko magmahalan kayo.’

"Yun ang kabilin-bilinan niya sa aming lahat and somehow yun ang nanatili sa amin. Those were his last pabilin sa aming magkakapatid.”

Continue reading below ↓

Tulad ng ibang pamilya, normal sa kanilang magkakapatid ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Pero hindi raw nila hinahayaang magtagal ito.

Saad ni Eric, “Of course, lahat naman nagkakaroon ng alitan, ng pag-aaway, kaso I think ang maganda lang sa amin pag nag-aaway kami, hindi kami yung tipo na nagtatanim.

“Yung daddy ko kasi, ganun din. Pag nagagalit ang daddy ko, papagalitan kami niyan. Pero after ng sermon, ‘O, ano ang kailangan mo?’

“Ang daddy kasi namin ay ganun. Pagagalitan kami niyan, pero after a while, natatapos din siya. Somehow, sa aming magkakapatid, ganun din.”

Mas nangingibabaw pa raw sa kanila ang kagustuhang mag-bonding lalo na’t hindi naman sila madalas magkasama-sama.

“Siyempre, may kani-kanya kaming mga buhay. Pag nagkikita kami, yung longing for each other's company na magkakasama kami and hinahanap namin yung bonding naming magkakapatid.

“Ngayon siguro, pag magkakasama kami sa bahay, baka magkakaaway na kami. Joke lang, but I think iyon yun, e, we long for each other's company."

Continue reading below ↓

Nakapanayaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Eric sa mediacon ng Quizon CT, noong January 11, 2022.

ERIC CO-DIRECTS gag show WITH EPY

Mapapanood muli ang magkakapatid na Quizon na binubuo nina Eric, Epy, at Vandolph sa Sunday gag show na Quizon CT. Kasama rin sa cast ang asawa ni Vandolph na si Jenny.

Nagsimula itong umere noong Linggo, January 9, 2022, 8 p.m, sa Net25 .

Taong 2012 nang huling mapanood si Dolphy kasama ang mga anak sa TV5 sitcom na Mang Pidol.

Bakit natagalan bago muli silang napanood na magkakapatid sa telebisyon?

Sagot ni Eric, "Well, nung last time na nagsama-sama kami was my dad was still alive, kaya siguro nagkaroon kami ng kani-kaniyang career kaya somehow nagkahiwa-hiwalay kami.

“Although, when we are talking about it, napag-usapan namin iyan ni Epy, ‘Bakit di tayo gumawa ng sarili nating show?’

“For a time, we are cooking something for two to three years, pero this opportunity came and NET 25 asked us to pitch. Nag-pitch kami at nagpapasalamat kami at napili nga yung show namin na Quizon CT."

Continue reading below ↓

Kasama ni Eric si Epy sa pagdidirek ng kanilang gag show, at ito ang kauna-unahang directorial job ni Epy.

Naniniwala si Eric na forte talaga ng Epy ang komedya at panahon na para subukan nito ang pagdidirek.

Paliwanag ni Eric, "I'm co-directing it with Epy. Sabi ko, ‘It's time na magdirek ka na rin.’ And I think comedy is really his forte. Sabi ko, ‘Tayong dalawa ang magdirek para di na rin ako mahirapan.’

“Una, siyempre masarap idirek ang mga kapatid ko. Kumbaga, nagkakaintindihan na kami, alam na namin ang quirks at kung saan magiging mas effective ang bawat isa.

“Like si Epy at si Van, may kani-kaniyang forte. Mas madaling idirek ang mga kapatid ko kasi alam ko, naiintindihan nila ako. Kapag sinabi ko na, ‘Hindi, mali,’ sumusunod sila."

Gamay na ng Quizon siblings ang sitcom, pero gag show ang pagsasamahan nila ngayon sa Net25.

"We actually pitched a sitcom, kumbaga, we pitched several shows. Mayroon kasi kaming show before ni Epy called Road Trip, we travel and go to different places.

Continue reading below ↓

“Yun yung mga show na pinitch namin kasi dinamihan namin para mas sigurado na mas malaki ang chances namin. Nagustuhan naman nila lahat, pero ang pinaka nagustuhan nila yung gag show, yung Quizon CT.

“I think it's more of the brand because siyempre, yung Quizon, maaalala ng mga tao ang daddy ko. So, I think probably mas naging interesting sa kanila.

“Ang nangyari nga, in-incorporate na namin yung travel sa show namin tapos lalo nilang nagustuhan.

"We also like to incorporate it there kasi ang daddy ko, mahilig din sa visual na walang masyadong salita. We are trying to imitate that.

“But visually, ang gusto lang talaga namin after nine years, we want to continue his legacy."

Quizon CT

Continue reading below ↓

HOT STORIES

LEGACY FROM DOLPHY'S BRAND OF COMEDY

Bilang Hari ng Komedya si Dolphy, may namana ang mga anak sa kanyang brand of comedy.

Sang-ayon si Eric na si Epy ang nakakuha ng facial expressions ng ama, habang ang kapatid nilang si Vandolph ay natural ang pagiging komedyante.

“Actually, tama yung sinabi ni Epy, parang nakuha ni Epy yung bukas ng mukha ng daddy ko. Yung mga reaksiyon na ganun.

“Like I've said, my dad is very visual. Ang paboritong comedian ng daddy ko is Charlie Chaplin. Remember, Charlie Chaplin is one guy who is so funny without saying anything.

"So, my dad’s comedy, may ganun. I think kuha ni Epy yun.

“Of course, tama rin si Epy kay Vandolph, the styling, yung punch, yung tamang bitaw ng punch, tamang bato, tamang receive. Mayroon siyang ganun pati facial expressions."

Patuloy pa ni Eric: “Mahirap kasi yun, it's an acquired talent kumbaga. You were not born naman to be a comedian, all of us.

Continue reading below ↓

“But with Vandolph kasi, I think he was born to be an actor, na-acquire niya yung mga dapat makuha ng isang comedian.

“When it comes to comedy kasi, you have to know your audience, you have to know kung ano ang gagawin mo.

“Ako kasi, pag di magwo-work ang joke, ibibigay ko sa iba. Alam ko ang limitasyon, alam ko ang magwo-work sa akin. Tama yung sinabi ni Epy."

Quizon CT

Continue reading below ↓

ON SOLD-OUT LOTS AT DOLPHY VILLE

Bukod sa ongoing gag show na Quizon CT, isa pa sa proyekto ng Quizon siblings ay ang pag-aari nilang subdivision sa Calatagan, Batangas, ang Dolphy Ville.

Nabili na raw ang lahat ng lote sa 14-hectare subdivision nitong pandemya.

Ayon kay Eric, "We have this property in Calatagan and dinevelop na nga namin ito. We called it Dolphy Ville, it's a joint venture project with Exceed Realty and Development.

"Dito sa site na ito, it's a fourteen-hectare subdivision na natutuwa kami talaga kung kailan nag-pandemic, saka siya na-sold out.

"Siguro, I think people are looking for places na pagka may nangyaring sitwasyon na ganito, mayroon silang mapupuntahan."

Balak din nilang magtayo roon ng Dolphy Museum para patuloy na maalaala ang galing at talento ng pumanaw na ama.

"In the same breath, we are now in the works, pinag-uusapan na namin yung itatayong museum/hotel/event's place.

"Dun namin ilalagay ang museum ng daddy ko. Basically, ang concept niya is para siyang mayroong bed and breakfast, yung mga kuwarto nakapangalan sa mga anak.

Continue reading below ↓

"At the same time, events place din siya. Dun din namin iha-house yung museum ni daddy. That's all in the works."

Naantala lang daw ang pagpapatayo ng Dolphy Museum dahil sa pandemya.

Lahad ni Eric, "Alam ninyo, dapat nag-umpisa na ito about two years ago, nagka-pandemic, naging sobrang delay lang talaga.

"Naplano na rin dapat March 2021, nag-lockdown uli. Nagplano uli kami ng August nag-lockdown. Sabi namin noon, 'Palagpasin na itong taon na ito.'

"Definitely this year 2022 namin siya gagawin. Mag-uumpisa na siya.

"Sinasabi ko na 2 in Chinese is easy, the number 2 is easy. May tatlong 2 yun so easy, easy, easy."

Dolphy Ville in Calatagan, Batangas

Continue reading below ↓

ON PHILIPPINE CINEMA AMID PANDEMIC

Sa kabilang banda, umaasa si Eric Quizon na muling sisigla ang Philippine Cinema sa oras na matapos ang COVID-19 pandemic.

Halos lahat kasi ng producers ng mga pelikulang lumahok sa katatapos na 2021 Metro Manila Film Festival (MMFF) ay ikinalungkot ang mahinang box-office returns ng walong entries.

"I'd like to think it's only temporary," pakli niya.

"The reason being matamlay ang pagtanggap ng Filipino audience natin sa mga pelikula, people are still sacred, takot pa rin sa pandemya, takot pa rin ang mga tao.

"Marami pa ring walang trabaho, ilalagay na lang nila ang pera nila sa ihahain nila sa kanilang mga hapag-kainan.

"I think nandun pa rin tayo sa stage na there's so much uncertainties going on. Sana ganun lang nga, ganun lang din ang tingin ng mga tao sa nangyayari sa atin.

"It's a sad reality lalo na sa mga nabubuhay sa industriyang ito. Siyempre gusto nating mamayagpag at maging mas maganda ang pagtangkilik ng mga tao sa ating pelikulang Pilipino o sa ating mga content na ginagawa.

Continue reading below ↓

"It just so happened in the last two years, parang nasanay ang mga taong manood sa kanilang mga tahanan sa telebisyon.

"So, I guess, nandun pa rin tayo sa stage na yun, na natatakot pa rin.

"Somehow, I hope that this is just a phase in our lives. Sana matapos na itong pandemya na ito at sana mag-move on na tayong lahat."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eric Quizon remembers legacy of the late King of Comedy Dolphy (right), reuniting with his brothers on the small screens via the Net25 gag show Quizon City, and update on Dolphy Ville in Calatagan, Batangas. Seen in the left photo are the Quizon brothers Epy, Eric, and Vandolph.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results