Gina Alajar remembers confronting a director: "You did this to me when I was young."

by Rachelle Siazon
Jan 15, 2022
Gina Alajar
Prima Donnas actress-director Gina Alajar tells PEP.ph about her unforgettable encounters with an unreasonable director and pasaway co-stars during her teenage years in showbiz.
PHOTO/S: @ginaalajar Instagram

Inamin ng actress-director na si Gina Alajar, 62, na mayroon siyang hindi magandang karanasan sa mga nakatrabaho niya sa pelikula noong kabataan niya.

Isa na rito ang direktor na nagalit sa kanya kahit wala siyang ginawang pagkakamali sa set.

Base ito sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Prima Donnas Book 2 noong Lunes, January 10, 2022.

"Hindi naman napagalitan ng director. Pero meron isang director...

"May schedule ako ng umaga hanggang naghapon na, gumabi na, nagmadaling-araw na, di pa rin ako nakukunan ng eksena.

"Hanggang between madaling-araw na yun, nilagnat na ako," balik-tanaw ni Gina na direktor ng Prima Donnas Book 2.

Sa halip na intindihin ang kondisyon ni Gina, nagalit pa raw ang direktor nang magpasya ang ama ni Gina na iuwi na siya nang di nakukunan ang eksena.

Patuloy niya, "Bata pa ako nito, mga 10 or 11 years old.

"Ang sabi ng tatay ko, kung puwedeng iuwi na ako kasi nilalagnat na ako.

Continue reading below ↓

"Nagalit yung director, 'Sige! Iuwi mo na!' Basta nagalit siya dahil nilagnat ako."

Nang magkaedad na si Gina ay muli niyang nakatrabaho ang direktor na iyon.

Kuwento niya sa PEP.ph, hindi niya pinalampas ang pagkakataong kumprontahin ang direktor na nagalit sa kanya noong bata pa siya.

"Nakatrabaho ko siya nitong medyo may edad na ako.

"Talagang I had the guts to tell him, 'You know, you did this to me when I was young.'

"He said sorry naman," napapangiting alaala ni Gina.

Hindi na pinangalanan ni Gina kung sino ang direktor na iyon, lalo pa't pumanaw na raw ito.

HOT STORIES

POPULAR ACTRESS WHO CAME IN LATE

Tandang-tanda rin ni Gina ang aktres na bukod sa cause of delay ay naging dahilan din ng pag-pack up ng show na kinabibilangan niya.

"As I was growing up, meron akong na-experience na mga ganyan.

"Uso naman iyan noon, e. Pag sikat na sikat ka na artista.

Continue reading below ↓

"Di pa uso television nun, ano iyan mostly, pelikula. I'm talking about yung mga teenage years ko," saad ni Gina hinggil sa mga nakasalamuha niyang pasaway na artista.

"Naka-schedule ako nung umaga, tapos hanggang hapon na, gumabi na, gabi dumating yung artista.

"Tapos pagdating niya, may problema pa sa set—lovers' quarrel.

"Ang ending, parang 10, 11 ng gabi pack-up na kasi ayaw na mag-shoot."

Paano niya iyon hinarap?

"Bata pa ako nun, e. I think I was only 11 or 12, so wala akong kamuwang-muwang. Wala naman akong laban.

"When you are that young during those times at kahit naman ngayon, wala ka naman puwede sabihin, lalo na pag malaking artista yung gumagawa nun.

"All you need to do is keep quiet and say, 'Thank you. Meron akong ibang sched.' Ni hindi ka puwede magalit."

FAILED AN EXAM BECAUSE OF A CO-STAR

Naalala rin ni Gina na naranasan niyang bumagsak sa isang exam dahil sa kanyang co-star na hindi mapakiusapan.

Continue reading below ↓

"Meron isang artista na, eto naman teenager na ako, 13 or 14 years old—magga-graduate ako ng high school.

"Nagpapaalam ako sa shooting kung puwede kumuha ako ng exam kasi ibabagsak na ako sa eskuwela.

"So, nagpapaalam ako kung puwedeng dumating ng late, mag-late call ako sa set.

"Ayaw pumayag ng artista kasi daw importanteng eksena raw yung kukunan in the morning. Mamili raw ako kung yung pag-aaral ko or dumating ako sa set ng umaga."

Wala raw nagawa si Gina kundi umapir sa trabaho.

"Siyempre, wala naman ako magagawa nun. Dumating na lang ako sa set.

"Kung ibagsak ako, ibabagsak na lang ako. And I failed kasi di ko nakuha yung exam," balik-tanaw ni Gina.

Pero siniguro ni Gina na hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa co-star niyang iyon.

"Wala naman ako ill feelings sa kanya. In fact, the artista na di ako pinayagan pumasok sa eskuwela, she became a good friend.

Continue reading below ↓

"Of course, mas senior siya sa akin. But she has my respect."

Pumanaw na rin daw ang artistang iyon.

GINA CONSIDERS HERSELF A PATIENT DIRECTOR

Ngayonng siya ay direktor na bukod sa pagiging artista, masasabi raw ni Gina na reasonable siya pagdating sa kanyang mga artista.

"With regards dun sa pasensiya ako, I think I am very pasensiyosa, pero may limitations.

"If I feel na minsan nababastos na ako, or nagiging masyado nang kampante...

"Iba-iba kasi ang artista, e. May mga entitlement din sila.

"So, pag nararamdaman ko na parang nagiging arogante na siya, di ko naman siya ihe-head on, pero lalayo lang ako sa kanya."

Hindi siya ang tipong pipilitin ang artistang hindi marunong tumanggap ng direksiyon mula sa kanya.

"Kung ayaw niya ako sundin, first or second na bibigyan ko siya ng instructions, nakikiramdam din naman ako.

"Kung nap-ifeel ko na ayaw niya na idinidirek siya, I can feel it, so di ko na siya bibigyan sa susunod. I would just say, 'I want this reaction.'

Continue reading below ↓

"I will not give her the point-by-point obligation or mga nuances na makakapagdagdag or makakapag-enhance ng character if I feel there is some resistance."

Hindi naman daw niya kawalan iyon.

Dagdag niya, "Okay lang sa akin yun, balewala sa akin yun.

"When I feel it, di ko na i-insist yung sa akin. If you don't want me to help you, it's okay with me. I'm just doing my job."

Pagdating sa pagpapaalam ng mga artistang may ibang schedule bukod sa taping, ang producer o head ng isang show ang nagdedesisyon.

"Pag pumayag na sila, saka lang ika-cascade sa aming director. So, wala naman kaming sey kung papayagan ang artista o hindi," paliwanag niya sa PEP.ph.

Ibinigay niyang halimbawa ang kaso ni Elijah Alejo, o kilala rin bilang ang kontrabidang si Brianna sa Prima Donnas.

"Katulad si Brianna, si Elijah. Brianna goes to school, e, online iyan.

"During the time na nagte-taping, nagkaroon ng pagkakataon late call siya kasi meron siyang declamation contest, meron siyang final exams.

Continue reading below ↓

"That's very important. Education is a very important matter. Now it's given priority. Wala naman akong say diyan."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Prima Donnas actress-director Gina Alajar tells PEP.ph about her unforgettable encounters with an unreasonable director and pasaway co-stars during her teenage years in showbiz.
PHOTO/S: @ginaalajar Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results