No real-life prima donnas among Prima Donnas lead stars, says Direk Gina Alajar

by Rose Garcia
Jan 15, 2022
Gina Alajar
Althea Ablan
Sofia Pablo
Jillian Ward
Prima Donnas Book 2 director Gina Alajar (right) praises lead stars Sofia Pablo, Jillian Ward and Althea Ablan for their professionalism, courtesy and remarkable upbringing. She says, “They’re well-mannered children. They’re well-raised by their parents. Magagalang silang lahat, that’s one thing for sure."

Ang Prima Donnas ay isa sa pinakamatagumpay na GMA Afternoon Prime teleserye, at ang nalalapit na telecast ng Book 2 nito sa darating na Lunes, January 17, ay patunay lamang ng mainit na pagtangkilik ng mga televiwers at consistent top ratings nito.

Tatlong buwang nag-lock in taping ang Prima Donnas.

At kung two years ago, bago pa magka-pandemic ay mga bata pa talagang tingnan ang apat na Kapuso stars na sina Jillian Ward, Sofia Pablo, Althea Ablan at Elijan Alejo, ngayon ay mga teen stars na ito.

Bilang direktor ng Prima Donnas, nakita o napansin ba ni Direk Gina Alajar ang pagpi-prima donna ng ilan sa mga dalaga?

"Definitely, wala," diin niya.

“Wala talaga, wala."

Ayon pa dito, “They’re well-mannered children. They’re well-raised by their parents. Magagalang silang lahat, that’s one thing for sure.

“Lagi iyan in the morning kapag nagkikita-kita sa dining hall. Kapag dumarating na ‘ko, everybody stands up kung nandoon lang sila at kung wala naman silang ibang ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Everyone stands up and greets, ‘Good morning po,’ ‘Kain na po kayo.’ And everybody says ‘Hello,’ 'Good Morning,’ lahat ganyan.

“Sa mga boys, of course, gentleman lahat iyan. Sa murang isipan nila, sa kabataan nila, very gentleman iyan.

“Kapag may dala-dala, not only with me, but other girls, kahit lalaki pa, tutulong iyan. Tutulong talaga sila.”

OPTIMISTIC OUTLOOK FOR PRIMA DONNAS STARS

Sa tanong naman kung ano ang nakikita niya sa mga Kapuso teen stars na mga bida nga ng Prima Donnas na dapat naman nilang i-improve, naniniwala si Direk Gina na mga bata pa rin daw ang mga ito at marami pang magaganap na pagbabago.

“Of course, they’re very young,” saad niya.

“Marami pa silang kakainin, marami pa silang matutunan sa buhay. At alam natin na marami pa rin silang adjustment sa buhay na ito.

“Nandito pa lang sila sa teenage years. Pag dumating sila on their 20s, they’re going to adjust pa rin. Kapag 25 sila, mag-a-adjust pa rin. Sa 30, mag-a-adjust pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Change is constant. Palaging nandiyan iyan. Ang mahirap lang siguro diyan, kahit tumatanda na sila ay hindi pa rin sila nagbabago sa attitude nila or the way they think, doon magkakaroon tayo ng problema.

“But as far yung change in a positive way and nagma-mature sila and nag-iiba ang perspective nila at nag-iiba ang paniniwala nila, then it’s good.

“Yung perception nag-iiba, it’s very good, it’s very positive.”

POTENTIAL KAPUSO SUPERSTARS

Masasabing may “eye” for talents si Direk Gina. Dalawa sa minentor niya noon sa Protégé ay pawang mga nanalo at dalawa sa pinagkakatiwalaan ng GMA Network—sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino.

Nakikita rin ba niya na future Superstars ng Kapuso network ang mga teen stars ng Prima Donnas?

Pag-amin niya, “You know, I’m betting for them and I hope that you know, the network will notice them. The network will notice their work and I’m sure naman, the network will support them all the way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana mabigyan sila ng mas magaganda pang roles, mas challenging roles in the sense na hindi sila ma-identify lang sa iisang klase.

“They should be tested in different kind of genres.”

At dahil may loveteam na nga ngayon ang mga Prima Donnas, ginagarantiya naman ni Direk Gina na kikiligin ang mga manonood sa mga ito.

“If you agree with me, sa nakita nating chemistry ng mga bata, then we hope to God na mag-succeed ang pairing na ito sa Prima Donnas at mag-succeed pa ang mga batang ito in the near future.

“Because they all look good, very good,” pagmamalaki niya.

PRIMA DONNAS SEASON 3 IN THE OFFING?

Tinanong din namin si Direk Gina kung posibleng masundan pa ng season 3 ang Prima Donnas.

Saad niya, “We wouldn’t know yet, hindi natin alam kung ano ang magiging response ng mga tao sa season 2.

"We’re just praying and we lift it up to the Lord na kung ano yung binigay niyang blessing sa amin sa season 1, would be the same blessing or much more that we could have ever asked for and we could imagine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana mas higitan pa ni Lord ang blessing at grace na binigay niya sa amin.”

Dugtong pa niya, “And by God’s grace also, nasa sa kanya na rin ang desisyon para sabihin sa management na, 'Do a season 3!' Then, what can we do? Ganun talaga ‘yon,” masayang sabi niya.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Prima Donnas Book 2 director Gina Alajar (right) praises lead stars Sofia Pablo, Jillian Ward and Althea Ablan for their professionalism, courtesy and remarkable upbringing. She says, “They’re well-mannered children. They’re well-raised by their parents. Magagalang silang lahat, that’s one thing for sure."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results