Derek Ramsay, GMA Network mutually agree to freeze actor's exclusive contract

by Gorgy Rula
Jan 18, 2022
derek ramsay
Derek Ramsay on freezing of his GMA-7 contract: "Mukhang good choice kasi, kita niyo ngayon, record-breaking, pataas nang pataas ang number ng cases. Prioritize ko muna yung pamilya ko. Tapos pag ready na daw ako, puwede nag i-reactivate yung kontrata.”
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram

Nagkasundo si Derek Ramsay at ang GMA Network na i-freeze muna ang kontrata ng aktor sa network dahil hindi pa ito handang pumasok sa lock-in taping.

Pumirma ng exclusive contract sa GMA-7 si Derek noong April 3, 2019. Pero makalipas ang halos tatlong taon ay isang teleserye pa lamang ang nagagawa ng aktor, ang The Better Woman (2019), na pinagtambalan nila ng ex-girlfriend niyang si Andrea Torres.

Mismong si Derek ang humiling na isuspinde muna ang kanyang kontrata dahil natatakot pa siyang magtrabaho sa labas. Kasama raw kasi ng aktor sa bahay ang kanyang mga magulang.

“Freeze, suspended, it’s more like it,” pahayag ni Derek tungkol sa kontrata niya sa GMA-7 nang nakapanayam ni Morly Alinio sa DZRH noong Linggo, January 16, 2022.

“Yes, it’s true… na choice ko na choice ng GMA.

"Kasi nung inalok sa akin yung To Have and To Hold, yung teleserye ni Rocco, si Carla Abellana, si Max Collins, nag-backout ako kasi prinioritize ko muna yung pamilya at ang nangyayari ngayon sa COVID.

Continue reading below ↓

"So, naintindihan naman ng GMA yun, they respected my decision.

“So, nag-decide kami na i-suspend muna yung kontrata, na ready na ako magtrabaho when I feel na it’s safe na to work."

Dapat sana'y si Derek ang leading man sa nagwakas nang teleseryeng To Have And To Hold, pero umatras siya dahil sa COVID-19 situation. Pinalitan si Derek ni Rocco Nacino.

Dagdag pa niya, “Pero mukhang good choice kasi, kita niyo ngayon, record-breaking, pataas nang pataas ang number ng cases.

“Prioritize ko muna yung pamilya ko. Tapos pag ready na daw ako, puwede nang i-reactivate yung kontrata.”

Kinumpirma rin sa PEP.ph ni GMA Senior VP-Entertainment Group Ms. Lilybeth G. Rasonable ang pahayag ni Derek.

Saad ni Ms. Lilybeth, “Yes, it was a mutual decision to suspend his contract as he is not ready yet for lock-in shoots.

“If and when Derek is ready, we will line him up for a drama project.”

Continue reading below ↓

READ Derek Ramsay, Ellen Adarna kinansela muna ang honeymoon sa Africa

FOCUSING ON HIS FAMILY

Noon pa man ay sinasabi ni Derek na kapag kasal na siya ay mas gusto niyang mag-focus sa binubuo nilang pamilya ni Ellen Adarna.

Pahayag ni Derek sa panayam niya kay Morly, “Di ba, sinabi ko na kapag magpapakasal na ako, that’s the time na slow down na talaga ako sa showbiz? Kasi, my priority's really my family, di ba?

“Nung hindi pa ako kasal, alam mo, pagdating ng December, shutdown na ako niyan.”

Hindi pa raw masabi ni Derek kung kailan siya magbabalik-telebisyon, pero ang gusto niyang matuloy ngayong 2022 ay ang international film na matagal nang naka-lineup para sa kanya.

Hindi pa raw maaaring i-disclose ang dalawang Hollywood actors na makakasama niya, pero kukunan daw ang kabuuan ng pelikula sa Puerto Rico.

“Yes, sa Puerto Rico ang shooting na naka-schedule tentatively June or July.

Continue reading below ↓

“Sana hindi na ma-push back dahil sa nangyayari ngayon. Pero tentatively ang shoot June, July. Sa Puerto Rico ang shooting namin.

“May dalawang Hollywood stars dito, pero ako yung lead role dito.

“I’ll be playing yung colonel na in-charge dun sa operation ng… naalala mo yung na-kidnap na dalawang foreigner sa Palawan?

“The story revolves around the eyes of this colonel, na siya yung basically na head kung bakit na-rescue yung dalawang foreigners. Pero hindi siya nabigyan ng atensiyon. Unsung hero siya,” sabi ni Derek.

Bukod sa pelikulang gagawin niya, gusto rin ni Derek na mag-focus muna sa bagong negosyong itinayo niya—ang construction business.

“Nagpatayo ako ng construction company called Tiger Con. So, yung passion ko for building homes, well, eto na,” excited niyang sabi.

“May partner ako dito na close friend ko. Dalawa lang kaming mag-partner dito. And yung bahay across my house, yun ang first project namin, tapos meron akong ginagawang bahay sa isang partner ko naman sa ibang negosyo.

Continue reading below ↓

“So, eto yung passion ko, e. Mahilig talaga akong gumawa ng bahay, mag-design ng bahay, interior, exterior. At alam nila na sobra akong madetalyado at OC. So, I decided to make that dream come true this year.

“Nag-start kami, nag-launch kami this month. Official na talaga siya. Nag-sign na kami and everything. That’s what keeps me busy this year.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on freezing of his GMA-7 contract: "Mukhang good choice kasi, kita niyo ngayon, record-breaking, pataas nang pataas ang number ng cases. Prioritize ko muna yung pamilya ko. Tapos pag ready na daw ako, puwede nag i-reactivate yung kontrata.”
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results