Zanjoe Marudo surprised by success of his "loveteam" with Beauty Gonzalez in Dream Dad

by Melba R. Llanera
Mar 3, 2015
Zanjoe Marudo is surprised by the success of his own teleserye, and grateful: "Nakakatuwa ang tiwala nila, ang sarap ng pakiramdam na sinusuportahan ka, sinusuportahan ka ng bumubuo ng production."

Hindi lang ang relasyon bilang mag-ama nila Baste at Baby, na ginagampanan nina Zanjoe Marudo at Janna Agoncillo ang inaabangan sa teleseryeng Dream Dad kundi maging ang love angle na nabubuo kina Baste at Alexander Sta. Maria, na ginagampanan naman ni Beauty Gonzales.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Zanjoe, sinabi nitong hindi niya inaasahan na kakagatin ng publiko ang tambalan nila ni Beauty.

“Hindi, hindi namin ini-expect kasi nakatutok ang istorya sa akin at kay Baby.

"Nakakatuwa lang na yung love angle ng character ko, na nahuhulog sa karakter ni Beauty, nakakatuwa na kinakagat ng tao."

Para higit na magkaroon ng kilig ang love angle nina Baste at Alex sa istorya ng Dream Dad, pinasok na rin ang karakter ni Matt Evans na nagsisilbing ka-love triangle nila ngayon.

Ayon kay Zanjoe, “Marami pang mangyayari, may mga bagong characters na pumasok.

"Nandiyan yung character ng best friend ni Beauty played by Matt Evans na pinagseselosan ngayon ni Baste.”

Continue reading below ↓


THANKFUL. Kung dati ay kinakabahan pa si Zanjoe kung kakagatin ito ng tao, ngayon ay kampante at relax na ang lahat ng bumubuo ng Dream Dad.

Saad ng aktor, “Thank you sa lahat ng sumusuporta at sa patuloy na mga nanonood.

"Wala na yung kaba, masaya na kaming lahat ngayon.

"Relax na, mas nae-excite kaming gumawa ng mga magagandang eksena."

Labis din ang pasasalamat ni Zanjoe sa unit ng Dream Dad dahil sa kanya ipinagkatiwala ang teleserye na nag-elevate sa kanyang estado bilang isang aktor na kayang magdala ng sarili niyang show.

"Nakakatuwa ang tiwala nila, ang sarap ng pakiramdam na sinusuportahan ka, sinusuportahan ka ng bumubuo ng production.

"At siyempre ng management para ibigay sa akin yung Dream Dad."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zanjoe Marudo is surprised by the success of his own teleserye, and grateful: "Nakakatuwa ang tiwala nila, ang sarap ng pakiramdam na sinusuportahan ka, sinusuportahan ka ng bumubuo ng production."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results