Andre Paras on making reel loveteam with Barbie Forteza for real: "We’ll never know..."

Andre Paras on prioritizing career and studies before lovelife: "A role model nga, ang kailangan talaga to be successful is to focus in school, studies, and whatever you love doing. Kasi it will come naman, e. Only time can tell. And dun po ako naniniwala."


Ilang beses nang na-extend ang GMA afternoon series na The Half Sisters at nananatiling mataas ang ratings nito.

Ang isa sa mga bida rito na si Andre Paras ay hindi raw inakalang magtatagal sa ere ang kanilang teleserye.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “And parati po naming pinaghihirapan yung mga scenes to make people enjoy watching it.

“At nagpapasalamat po ako na patuloy itong sinusubaybayan ng viewers.”

Masaya rin si Andre dahil tanggap ng mga manonood ang tambalan nila ni Barbie Forteza.

Pahayag niya, “I’m really happy.

“Kasi it’s my first show and I’m able to work with great actors and actresses.

“Ang dami ko pong natutunan.

“And I’m really happy talaga na whatever we do there, kung ano po yung ibinibigay sa amin ng network, we’re doing our best na magkaroon ng magandang show for everybody.”

Kumpara sa ibang young stars na kailangang ma-link sa isa’t isa, hindi kinailangan nina Andre at Barbie na magkaroon ng romantic angle at mapabalitang nagliligawan para pakiligin ang fans.

Pagsang-ayon ng anak ni Benjie Paras, “Oo nga po.

“It’s nice kasi na the story is great na everyone can relate. Iyon naman ang important, e.

“Once you’re portraying a character, yung performance mo naman ang habol ng mga tao.

“And I’m very thankful nga na nagagawa po namin nang maayos ang trabaho namin.”

Siguradong may mga fans sila ni Barbie na gustong mauwi sa totohanan ang love angle sa characters na ginagampanan nila. Posible ba ito?

Tugon ni Andre, “We’ll never know. Pero we’re thankful sa supporters namin.

“We won’t do anything to make them sad or mad. Kasi, we’re always here for them.

“And we’ll do our best to interact with tehm also sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi importante ‘yon, e, na ma-boost yung following mo.”

Parang wala talaga sa isip niya ngayon ang panliligaw at pagkakaroon ng girlfriend?

Paliwanag ni Andre, “Well, of course, it’s important talaga to focus.

“And as a role model nga, ang kailangan talaga to be successful is to focus in school, studies, and whatever you love doing.

“Kasi it will come naman, e. Only time can tell.

“And dun po ako naniniwala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN