JC Tiuseco pulled out from The Half Sisters; joins cast of Pari Koy

JC Tiuseco on his role in Pari Koy: "'Pag normal siya, hindi siya nakainom, tahimik. ’Pag nakainom siya, medyo basagulero na mahilig sa away, mayabang. Pero ‘pag sumobrang lasing naman, masyado siyang emotional, masyadong mabait."


Dahil sa pagkakasali niya sa GMA primetime series na Pari Koy ay inalis si JC Tiuseco sa cast ng afternoon soap na The Half Sisters.

Ayon kay JC, “Nawala po yung character ko dun sa The Half Sisters.

“Kasi si Kuya Jomari [Yllana], ako yung best friend niya dun, e.

“Parang ilang months din siya na-coma dun sa istorya.”

Pinalabas na pumunta ang karakter ni JC sa States.

Sa Pari Koy—na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes bilang si Father Kokoy—ay ginagampanan ni JC si Timo Espiritu, isang tambay na lasenggo.

Paglalarawan pa niya sa kanyang role, “Na basagulero ‘tapos pag normal siya, hindi siya nakainom, tahimik.

“’Pag nakainom siya, medyo basagulero na mahilig sa away, mayabang.

“Pero ‘pag sumobrang lasing naman, masyado siyang emotional, masyadong mabait. Ganun.”

Sino ang peg niya sa kanyang role?

Natatawang sagot ni JC, “Tinitingnan ko yung mga kaibigan ko na malalakas na uminom!”

Hindi raw kasi umiinom ang kauna-unahang sole survivor ng Survivor Philippines.

“’Tsaka nagtatanong rin ako dun sa mga iba kung paano ba sila magsalita ‘pag ganyan.”

Nasubukan naman na raw niya dati na malasing minsan, pero tulog daw agad siya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa grand launch ng Pari Koy noong Lunes, March 2, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Mapapanood na sa Lunes, March 9, kapalit ng More Than Words, nasa Pari Koy rin sina Sunshine Dizon bilang si Noemi Cruz, Gabby Eigenmann bilang Jude Banal, Chanda Romero bilang Martha Buenavista, Dexter Doria bilang Salome Marasigan, Luz Valdez bilang Esther San Pablo, Carlo Gonzalez bilang Simon Cruz, Rap Fernandez bilang Solomon Castillo, at Joji Lorenzo bilang Tomas Sacramento.

Kasama rin sa Pari Koy ang young Kapuso stars na sina Jillian Ward bilang Sarah Cruz, Jeric Gonzales bilang Eli Marasigan, Lindsay de Vera bilang Ava Buenavista, Hiro Peralta bilang Samuel Evangelista, Jr., Jhiz Deocareza bilang Japet Lazaro, at David Remo bilang Pinggoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Pari Koy ay mula sa direksyon ni Maryo J. de los Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN