Julius Babao on transferring from ABS-CBN to TV5: "It’s not about an issue of money."

by Jerry Olea
Feb 3, 2022
Julius Babao transfer to TV5 from ABS-CBN
Julius Babao on leaving home network ABS-CBN after 28 years: "One of the reasons na masakit for me na iwan ang Kapamilya Network is yung mga shows na ganito. Masyadong naging attached sa akin yung 'Mission: Possible.' When it was cancelled because of the not granting of franchise sa ABS-CBN, naging masakit iyon for me."

Hindi umano naging kunsiderasyon ang talent fee sa negosasyon ni Julius Babao para maging anchor ng Kapatid newscast na Frontline Pilipinas.

Si Julius, 54, ay kilalang broadcast journalist sa Kapamilya network sa loob ng 28 taon.

Diretsahang sinagot ni Julius ang isyu na kaya siya lumipat sa TV5 ay para sa mas mataas na talent fee.

"Hindi siya factor at all. It’s really about yung growth ko as a news anchor," paglilinaw ng beteranong journo at lingkod bayan sa virtual mediacon nitong Pebrero 2, 2022, Martes ng hapon.

Patuloy niya: "Yun yung talagang naging basis ko ng pag-transfer dito sa TV5. And dun sa pakikipag-usap ko kay Ma’am Luchi, marami akong nakitang mga opportunities na puwede kong magawa once na nandito na ako.

"Yun actually. It’s not about money! It’s not about an issue of money.

"It’s really about yung growth ko as a news personality, as a person."

Ang tinukoy niyang "Ma'am Luchi" ay si Luchi Cruz-Valdes na First Vice President for News and Information ng TV5.

Continue reading below ↓

Magka-tandem na sina Julius at Cheryl Cosim sa Frontline Pilipinas umpisa Pebrero 7, Lunes, 5:30 p.m., sa TV5. May livestream iyon sa Facebook page at YouTube channel ng News5.

ON LEAVING ABS-CBN AFTER 28 YEARS

Hindi naging madali para kay Julius na iwan ang ABS-CBN kunsaan nahinang siya sa kanyang karera at nagkaroon ng mga oportunidad na makatulong sa nangangailangan.

Lahad niya: "One of the reasons na masakit for me na iwan ang Kapamilya Network is yung mga shows na ganito. Masyadong naging attached sa akin yung Mission: Possible.

"When it was cancelled because of the not granting of franchise sa ABS-CBN, naging masakit iyon for me.

"Kasi, nanghinayang ako sa mga taong matutulungan, na andami-daming lumalapit sa amin. Pero unfortunately, wala kaming magawa. Kasi, wala na nga yung show.

"Tapos, nagkaroon pa ako ng show na Lingkod Kapamilya, na tumutulong din sa mga tao.

"Yun talaga ang pangunahing reason kung bakit may kurot sa puso, na kumbaga, na umalis ako sa Kapamilya—aside sa mga na-establish ko nang mga kaibigan doon, mga minahal kong mga kaibigan na parang mga naging kamag-anak ko na rin. Iyon, yung mga shows na ganun."

Continue reading below ↓

Hindi kaila na marami sa public affairs programs ng ABS-CBN ang nakansela sa ere mula nang mawalan ito ng prangkisa.

Kaya umaasa si Julius na mabibigyan siya ng oportunidad sa TV5 na makagawa ng advocacy type of programs.

Inamin niyang may plano ang TV5 na bigyan siya ng segment na mala-Mission: Possible sa Frontline Pilipinas.

Ang Mission: Possible ay ang defunct public affairs program ng ABS-CBN na nagpapakita ng inspirational stories ng mga ordinaryong Pilipino.

"Kaya nung nag-uusap kami ni Ma’am Luchi, isa iyan sa mga napag-usapan namin. And nabuhay muli yung kung ano man yung lungkot na naranasan ko nung nalaman ko na may mga plano palang ganun ang TV5.

"So, right now, wala pang final. But we’re talking about it, and hopefully, bumalik nga yung ganung klaseng segment man lang para, at least, marami tayong matulungan.

"Kasi, right now, ang kailangan ng mga kababayan natin, tulong talaga. It’s really tulong, tulong, tulong! More than anything else.

Continue reading below ↓

"Kaya it’s a welcome development kung magkakaroon tayo ng ganitong klaseng show, or segment dito sa TV5 na marami tayong matutulungan.

"As to a [different public affairs] show, hindi ko pa alam kung ano talaga ang plano ng TV5," saad ni Julius.

NO PLAN TO ENTER POLITICS

Iniwan ni Raffy Tulfo ang mga programa niya sa TV5 kabilang ang Frontline Pilipinas noong Oktubre 1, 2021 dahil sa kandidatura niya sa pagka-senador sa darating na halalan.

Sa 28 taon ni Julius bilang broadcast journalist sa ABS-CBN, naisip ba niyang sumabak sa pulitika? May nag-alok ba sa kanyang kumandidato? O sa darating na panahon pa niya iyon iko-consider?

"May mga nag-alok na in the past pero hindi ko naman talaga ine-entertain," lahad ni Julius.

"Kasi, hindi ko talaga… parang hindi ko feel na pasukin ang pulitika talaga, e. Although it has crossed my mind, I must admit, pero hindi ko talaga sineryoso.

Continue reading below ↓

"Feeling ko kasi, once na pumasok ka na sa pulitika, medyo maaapektuhan na yung pagiging isa mong journalist.

"And ang talagang tingin ko sa sarili ko is journalist talaga ako, e, more than a politician, na possibility na ganun, ‘no?

"Journalist talaga ako and ayokong iwan yung profession na pinasok ko, and I want to be here for the longest time hanggang sa mag-retire ako."

Tingin niya, dapat handa siyang bitiwan ang pagiging journalist kung pasukin man niya ang pulitika.

"And magpapakaipokrito naman ako kung sasabihin ko na isinasara ko ang pinto ko forever. Hindi naman siguro.

"But if ever siguro that time comes—which I don’t see right now— is dapat hindi na ako connected sa kahit anong trabaho na may kinalaman sa journalism, ‘no?

"Kinakailangan, independent na ako. So, yun ang mangyayari diyan. Once pinasok mo ang politics, that’s it! You go politics all the way!

"But right now, hindi ko iniisip iyan. It never entered my mind na i-give up ko yung pagiging journalist para maging isang pulitiko."

Continue reading below ↓

julius's "easy" transition TO TV5

Disyembre 31, 2021 nagpaalam si Julius sa ABS-CBN sa Kapamilya newscast na TV Patrol.

Kumusta ang transition period niya? Anu-ano ang pinagkaabalahan niya habang hindi pa siya sumasalang sa Frontline Pilipinas? Nag-gym ba siya para ma-recharge, at maging mas papulicious?

"Totoo iyan, kinakailangan, mag-exercise!" natatawang sagot ni Julius.

Buong buwan ng Enero 2022 ay nakapagpahinga raw siya pagka-resign niya sa ABS-CBN.

"In-allot ko yung time ko talaga para makapag-relax, makapag-bonding with my family.

"Kasi, alam ko na darating yung panahon na mas magiging busy ako. So, hindi ko na masyadong makakasama yung mga anak ko on weekdays.

"Kaya sinamantala ko talaga yung pagkakataon na makasama sila sa buong buwan na wala akong ginagawa masyado, aside from vlogging, hah!

"Nakakasingit naman ako paminsan-minsan, nakakapag-vlog ako sa aking YouTube channel."

Malaking bagay rin daw na ang ka-tandem niya sa Frontline na si Cheryl Cosim ay dati ring taga-ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Tukoy ni Julius sa kanyang transition sa TV5: "But you know, madali for me. Kasi, itong mga nakakausap ko na mga tao dito sa TV5 are people I’ve worked with in the past. Kaya hindi na ako naiilang.

"Wala akong parang feeling na kinakabahan ako, na ninenerbiyos ako kung anong makikita ko rito at makakausap ko rito.

"Absolutely none! Kasi nga, marami sa kanila ang mga kaibigan ko na even before."

Pinangunahan ni Cignal TV and TV5 President and CEO Robert P. Galang ang pag-welcome kay Julius bago umpisahan ang virtual presscon.

Heartwarming din ang messages mula kina Luchi Cruz-Valdes (TV5’s First Vice President for News and Information), Cheryl Cosim, Gretchen Ho, Ed Lingao, Mean Los Baños, DJ Chacha, at Christine Bersola Babao.

Sina Gretchen at DJ Chacha ay dati ring mga taga-ABS-CBN na kakalipat lang ng TV5. Ang misis ni Julius na si Christine, na dating Kapamilya, ay matagal na sa TV5.

Continue reading below ↓

Hiningi ng presscon host na si MJ Marfori ang reaksiyon ni Julius sa mga “bagong luma” na makakasama niya sa News5.

"Siguro, bukod sa excitement, I guess it’s yung ano talaga, yung going back to what we left before, di ba?" sambit ni Julius.

"Kasi, marami sa kanila ang hindi ko na rin nakausap na matagal, and finally, magkakausap uli kami after a long, long time.

"So, it’s I guess ano, catching up with yung mga times na nawala, and of course, working together para maging mas maganda yung ating maibibigay for TV5, working with them."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julius Babao on leaving home network ABS-CBN after 28 years: "One of the reasons na masakit for me na iwan ang Kapamilya Network is yung mga shows na ganito. Masyadong naging attached sa akin yung 'Mission: Possible.' When it was cancelled because of the not granting of franchise sa ABS-CBN, naging masakit iyon for me."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results