Pancho Magno, Thou Reyes grateful for reprising their roles in First Yaya

by Rommel Gonzales
Feb 12, 2022
Pancho Magno
Thou Reyes
Pancho Magno (left) and Thou Reyes (right) reprise their respective characters as Presidential Security Group Captain Conrad Enriquez and Presidential Chief of Staff Yessey Reyes in the GMA-7 teleserye First Lady, the much-awaited sequel to last year's First Yaya, top-billed by Sanya Lopez and Gabby Concepcion.

Gumanap bilang PSG (Presidential Security Group) Captain Conrad Enriquez si Pancho Magno sa First Yaya noong nakaraang taon.

At dahil phenomenal ang success ng First Yaya, may kasunod na ito ngayong 2022, ang First Lady, at kasama pa rin si Pancho sa cast.

“Of course, super na-excite kami na pumasok ulit and continue yung mga roles, especially nung...

"Actually, nung first time na sinuot ko ulit yung mga uniforms ni Conrad, kakaiba yung feeling.

"Nakaka-goosebumps and siyempre nakaka-miss yung character na yun.

“Super-excited! Pero now, it’s more... since malapit na rin yung election. So, yung tina-tackle namin is, siyempre andun pa rin yung heart, yung love, yung comedy di ba?

"But now, it’s more serious, it’s more educational, so I really hope na makatulong kami sa mga future voters natin.

“So yeah, super excited, and alam ko yung mga Kapuso natin, magugulat sila sa mga scenes na nandito ngayon sa First Lady.

Continue reading below ↓

"So I’m really, really excited na mapanood na nila yung First Lady,” ang nakangiting wika ni Pancho na nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) via Zoom sa mediacon ng First Lady nitong Sabado, February 5.

Muli ring gagampanan ni Thou Reyes ang kanyang role bilang si Presidential Chief of Staff Yessey Reyes, na maaalala rin ng viewers bilang isa sa mga karakter noon sa First Yaya.

Tulad ni Pancho, labis rin ang tuwa ni Thou na muling mapabilang sa mga karakter sa First Lady.

“Bukod po dun sa istorya ng First Lady, mas na-excite po kami, kasi of course, we’ll be working with the same people.

"Same creatives, same team. Masarap ho sa pakiramdam kasi naging masaya yung foundation ng First Yaya and we’re just gonna continue working with the same team and working with the same great actors ng First Yaya, and of course lumaki pa sa First Lady.

Continue reading below ↓

“And ang sarap sa pakiramdam na lahat ho kami, salamat ho sa GMA, lahat ho kami ay may trabaho sa unang hirit ng 2022.

“So bukod ho doon sa istorya ng First Lady, mas na-excite din po ako na magkita-kita kami, at eto nga po medyo mahaba-habang lock-in [taping] at safe kaming nakapasok lahat.

“Dun po ako mas na-excite, and of course, kung masaya po ang set, masaya po ang buong team.

"Magre-reflect po iyan sa istorya namin at iyon po yung napanood nila [sa First Yaya] na iko-continue lang namin sa First Lady,” kuwento naman ni Thou na nakausap rin namin sa naturang Zoom mediacon ng First Lady.

Mapapanood na sa GMA-7 simula Lunes ng gabi, February 14, Araw ng mga Puso, ang First Lady na pinagbibidahan nina Sanya Lopez bilang Melody Reyes-Acosta at Gabby Concepcion bilang Glenn Acosta.

Tampok rin sa First Lady sina Pilar Pilapil bilang Blesilda Acosta; Cassy Legaspi bilang Nina Acosta; Patricia Coma bilang Nicole Acosta; Clarence Delgado bilang Nathan Acosta; Boboy Garovillo bilang Florencio Reyes; Sandy Andolong bilang Edna Reyes; Analyn Barro bilang Gemrose Reyes-Garcia; Jerick Dolormente as Lloyd Reyes, Isabel Rivas bilang Allegra Trinidad; Francine Prieto bilang Soledad Cortez; Samantha Lopez bilang Ambrocia Bolivar; Maxine Medina bilang Lorraine Prado; JD Domagoso bilang Jonas Clarito; Kakai Bautista bilang Pepita; Kai Cortez bilang Norma; Thia Thomalla bilang Valerie "Val" Cañete-Enriquez; Jon Lucas bilang Titus de Villa; Glenda Garcia bilang Marnie Tupaz; Anjo Damiles bilang Jasper Garcia; Kiel Rodriguez bilang Paul Librada at Muriel Lomadilla bilang Bevs.

Continue reading below ↓

Ang First Lady ay sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pancho Magno (left) and Thou Reyes (right) reprise their respective characters as Presidential Security Group Captain Conrad Enriquez and Presidential Chief of Staff Yessey Reyes in the GMA-7 teleserye First Lady, the much-awaited sequel to last year's First Yaya, top-billed by Sanya Lopez and Gabby Concepcion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results