Dingdong Dantes plays a priest named 'Jericho Evangelista' in Pari Koy

Dingdong Dantes on what kind of priest he is portraying in Pari Koy: "Well, sabi ng description, 'the unconventional priest na madaling lapitan, nakikihalubilo.' Kumbaga, kung hindi siya nakasuot na pang-pari, maiisip mo na he’s one of the people na nandoon sa lugar nila. Kasi, normally, ‘di ba, you see him on the misa and do other stuff? Pero ito, he does stuff na sinisiguro niyang nakikihalubilo siya sa mga parishioners niya.”&l


“Jericho Evangelista” ang pangalan ng karakter na ginagampanan ni Dingdong Dantes sa bago niyang primetime series sa Kapuso network, ang Pari Koy.

Marami ang nag-react sa pangalan ni Dingdong sa show, kung saan gumaganap siya bilang isang pari, dahil tila pinagsama ang mga pangalan ng dating magkasintahang sina Jericho Rosales at Heart Evangelista.

Pareho nang may kanya-kanyang asawa sina Jericho at Heart; si Jericho kay Kim Jones at si Heart kay Senator Chiz Escudero.

Sa presscon ng Pari Koy noong Lunes, March 2, ay tinanong ng entertainment press si Dingdong kung ano ang naging reaksiyon niya nang malaman ang magiging pangalan niya sa teleserye.

Saad ng Kapuso actor, “Actually, sa akin, wala naman…

“I mean, hindi naman po ako ang nag-aaprub ng mga ganyan.

“Ako po ay gumaganap lang. Masaya ako sa role na ibinibigay nila.

“Kumbaga, hindi naman magiging basehan yung pangalan ng character.

“At saka, malaking basehan yung title sa pangalan.

“Kaya siya naging Pari Koy, which eventually will be a name na maitatawag sa lahat ng tao dun sa Parokya, everyone will be called Pari Koy.

“Yun ang unang tawag sa akin hanggang sa yun na rin ang tawag ko sa kanila.

“Nakalagay yung Koy, kasi Kokoy.

“Bukod sa ibang pangalan, yung Kokoy talaga ang pinakaimportante dun.”

THE PRIEST. Anong klaseng pari ba siya sa Pari Koy?

Ayon kay Dingdong, “Well, sabi ng description, 'the unconventional priest na madaling lapitan, nakikihalubilo.'

“Kumbaga, kung hindi siya nakasuot na pang-pari, maiisip mo na he’s one of the people na nandoon sa lugar nila.

“Kasi, normally, ‘di ba, you see him on the misa and do other stuff?

“Pero ito, he does stuff na sinisiguro niyang nakikihalubilo siya sa mga parishioners niya.”

May patama rin ba sa gobyerno ang karakter niya katulad ng ginagawa ng ilang pari?

Saad ni Dingdong, “I think, sasabihin ko na ilagay na lang natin sa ganitong perspective—ang issues na mare-raise natin dito, e, malamang sa malamang na yung mga nararanasan natin sa pang-araw-araw na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Because, majority of us are Catholics.

“But it’s not just a show that reveals religion. It’s not just a show that talks about one religion. It’s encompassing by faith.

“And with faith, nandoon ang lahat ng mga issues na nagaganap sa atin sa pang-araw-araw.

“Lahat ng mga suliranin. Lahat ng mga kahirapan.

"And, madalas, lahat ng mga yun, ang sagot talaga ay yung pananampalataya rin and how you deal with it.

“So, I guess, yung mga ganung bagay, isang bahagi lang ‘yan, isang bagay lang ‘yan.

“But there will be many things to deal with, aside from that na mas may urgency, mas may pangangailangan dahil kailangan, mas nakaka-relate ang mga viewers natin doon sa napapanood nila.”

Tinanong din si Dingdong kung may eksenang magkakasal siya ng parehong gender.

“Sabihin na lang natin na ganito, hindi imposibleng magkaroon ng ganoong klaseng problema o twist.

“Pero hindi ko sinasabi na ikakasal ko sila o gagawin ko.

“Maaaring humantong sa ganun dahil in our Roman Catholic religion, it’s not allowed.

“Pero ganoon katapang ang show, to the extent na it’s exploring. May ganung klase ng conflicts and twists.

“But, of course, what matter is the resolution. What we do about it.”

LEADING LADY? Noong presscon ng Pari Koy ay walang ipinakilalang magiging leading lady ni Dingdong.

Pero kahit nga pari ang role niya rito, sinasabing magkakaroon pa rin siya ng leading lady at posibleng pumasok ang karakter nito sa 8th week ng serye.

Ang tanong: Paanong magkakaroon ng leading lady ang isang pari?

Sagot ni Dingdong, “Yun ang dapat nilang abangan. Ano yung magiging involvement o ano ang relationship ng babae sa pari, bakit may ganun.

“Paano nila mareresolba yun in the future.

“Definitely naman, everything we do, we consult it with our group of religious consultant, sinisiguro namin yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Father Tito Caluag at Father Eric Santos daw ang ilan sa ‘peg’ ni Dingdong sa kanyang karakter.

“In fact, when I found out about it, siya [Father Caluag] yung isa sa mga unang-unang in-inform ko.

“And si Father Eric ay isa sa aming mga consultant.

“Yung ganung klase, yung personality po niya ay isa sa peg nang isinulat ang character ni Father Kokoy.”

Bilang isang pari ang karakter niya, may mga preparasyon bang ginawa si Dingdong?

Sagot niya, “Alam niyo, sa tingin ko, yung mismong wedding, yung ceremony, yung pagpapakasal, yun ang parang magandang preparation for me.

“Parang ako, ha, everything increases ten folds after that.

“Parag nagkaroon ng kahulugan ang buhay, pagmamahal, faith after that.

“So, parang sakto lang din dun sa feel sa kung ano ang nararamdaman ko at dun yun sa character ko, parang nag-swak siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN