Enchong Dee to PBB co-hosts: “We will thrive because we have each other.”

by James Patrick Anarcon
Feb 13, 2022
Enchong Dee with PBB hosts
Enchong Dee (second from left) tells his Pinoy Big Brother co-hosts Melai Cantiveros, Bianca Gonzalez, Robi Domingo, and Kim Chiu: "Saludo ako sa puso at professionalism ninyo… kahit grabe ang kaba natin kagabi napagtagumpayan natin ang hamon."
PHOTO/S: @mr_enchongdee on Instagram

Kabilang si Enchong Dee sa mga kasamang sumalubong sa bagong yugto ng Pinoy Big Brother kagabi, February 12.

Ongoing pa rin ang current season ng PBB subalit ang isang malaking pagbabago sa programa ay ang hosts nito na ngayon ay pinangungunahan na ni Bianca Gonzalez.

Kasama dito si Enchong, Melai Cantiveros, Robi Domingo, at ang nagbabalik-PBB host na si Kim Chiu.

Wala na sa roster of hosts si Toni Gonzaga, na nauna nang nag-resign sa programa. Bagamat walang binanggit na dahilan, nangyari ang kanyang pagre-resign matapos siyang mag-host ng campaign rally para kina Ferdinand Marcos, Jr. at Sara Duterte-Carpio.

Sa simula ng programa ay rumampa ang limang hosts ng PBB sa may entrance ng ELJ Building sa ABS-CBN compound, kung saan ipinakita ang nakapaskil na “The Kapamilya Way,” o ang core values ng ABS-CBN.

Dito iniangkla ni Enchong ang post niya ngayong araw, February 13, tungkol sa nangyaring live show ng PBB kagabi.

Continue reading below ↓

Ayon kay Enchong, ang nangyari kagabi ay isang “testament” na kahit ano ang pagdaanan ng programa ay magtatagumpay sila.

Saad ni Enchong sa kanyang post, “The Kapamilya Way brings out the Best in all of us. Last night, was a testament that no matter what we go through, we will #Thrive because we have each other. [ABS-CBN color heart emojis].”

Nagpakita naman ng paghanga si Enchong sa kanyang mga co-hosts na kahit pa raw “grabe ang kaba” nila ay “napagtagumpayan ang hamon.”

Nagpasalamat din siya sa mga taong nagtatrabaho sa likod ng kamera para sa PBB.

Patuloy ni Enchong, “I’ve always considered myself as an actor who loves to host and perform. Buti nalang kasama ko kayo @iamsuperbianca @iamrobidomingo @chinitaprincess @mrandmrsfrancisco Saludo ako sa puso at professionalism ninyo… kahit grabe ang kaba natin kagabi napagtagumpayan natin ang hamon.

“Sa lahat ng kasamahan namin sa likod ng kamera, mga staff at crew na grabe ang sakripisyo para sa @pbbabscbntv kasama niyo kami sa paglalakbay. At sa mga supporters ni Kuya… Maraming Salamat.”

Continue reading below ↓

Nag-umpisang maging host si Enchong ng PBB noong 2015, sa PBB: 737 season nito.

Sa ngayon, kasama ni Enchong si Melai sa commercial gap show ng daily PBB airing sa Kumu.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enchong Dee (second from left) tells his Pinoy Big Brother co-hosts Melai Cantiveros, Bianca Gonzalez, Robi Domingo, and Kim Chiu: "Saludo ako sa puso at professionalism ninyo… kahit grabe ang kaba natin kagabi napagtagumpayan natin ang hamon."
PHOTO/S: @mr_enchongdee on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results