First Lady cast thankful for being "spoiled" during lock-in tapings

by Rommel Gonzales
Feb 13, 2022
Sandy Andolong
Sandy Andolong, one of the supporting characters in the new Kapuso teleserye First Lady, feels thankful for being pampered well by the GMA-7 production staff during their lock-in taping. She says, "I like my job, I like working. And gusto ko rin itong lock-in na ito, we are taken care of very well by GMA. Spoiled pa nga kami, e.”

Mula sa matagumpay na pag-ere sa GMA-7 ng First Yaya noong 2021, ngayong 2022 ay tuloy ang kuwento nina Melody Acosta-Reyes bilang First Lady (ginagampanan ni Sanya Lopez) at ng mister niyang Pangulo ng Pilipinas na si Glenn Acosta played by Gabby Concepcion.

First Lady teaser poster

Siyempre, kasama rin nila sa panibagong kabanata ng kanilang buhay sa First Lady ang ibang mga karakter na nagmula rin sa First Yaya, tulad nina Edna Reyes na ina ni Melody (Sandy Andolong); Florencio Reyes na ama ni Melody (Boboy Garovillo); Analyn Barro bilang Gemrose Reyes-Garcia (kapatid rin ni Melody) at si Jasper Garcia (na asawa ni Gemrose at ginagampanan ni Anjo Damiles).

Continue reading below ↓

Sa Zoom mediacon ng First Lady noong February 5, tinanong namin ang mga nabanggit kung nape-pressure ba silang mapantayan (o malampasan) ang tagumpay ng First Yaya?

“Ako, I’m very confident,” umpisang pahayag ni Sandy. “Kung hindi man ma-sustain, baka pa nga malampasan. Especially nung nabasa ko na yung script.

“Nagugulat nga ang PA [personal assistant] ko, e. Kapag katabi ko siya, nagbabasa ako ng script at nagre-react ako.

“One time, napa-ano ako e, ‘Oh my God!’

“Sabi niya, ‘Bakit po?!’

“Sabi ko, ‘Wala, wala.’

“And in terms of our characters naman, we all know naman more or less, you know, kung anong mga characters namin. And si Direk [LA Madridejos] naman is very particular about that during the shoot.

“Na nasu-sustain yung characters namin. So ako, I’m confident and I’m looking forward and I’m excited.

"And I like my job, I like working. And gusto ko rin itong lock-in na ito, we are taken care of very well by GMA.

Continue reading below ↓

“Spoiled pa nga kami e,” bulalas pa ni Sandy.

Masaya namang binalikan ni Boboy ang simula nila sa First Yaya bago nila narating ang journey sa First Lady.

“Nung ginagawa namin yung First Yaya, siyempre katuwaan namin, hindi namin alam talaga kung saan papunta yung kuwento. Pero nung nasa kalagitnaan na at naumpisahan na, naramdaman namin na gusto ng tao, masayang-masaya kami na nag-rate talaga.

“Kaya naman nung dumating ang offer ng Book 2, I think sa loob lang ng buong cast, sigurado kami lalampasan namin yung First Yaya.

“Kasi sa ganda ng kuwento, alam namin na yung spinoff talaga mas malakas ang tapon, e!

“At saka nakita mo naman sa dinagdag sa cast ng First Lady, talagang kinargahan ‘to, kinargahan ‘to ng GMA!

"So hindi lang sa sigurado kaming lalampasan yung First Yaya, pero yung tiwala na ibinigay sa amin ng mga head ng GMA, siguradong tatrabahuhin namin iyan, siguradong lalampasan namin yung First Yaya.”

Continue reading below ↓

Pahayag naman ni Analyn, “For me po, the pressure is there but I’m a bit confident. Ang laki po ng tiwala ko kay Direk LA, kay San [Sanya], kay Kuya Gabby, at sa lahat ng actors ng First Lady, so confident po ako na masu-sustain at malalagpasan pa namin yung mga expectations ng mga audience.

"And I’m so sure na mas lalong pinapaganda ng mga creatives yung istorya at mga eksena kaya panatag po ako sa First Lady and excited din.”

Kinakabahan naman daw si Anjo.

“Kasi panibagong taping na naman ito, pero just like Analyn po, may kumpiyansa ako kila kuya Gabby, kila Sanya, and of course sa buong production team, sa mga direktor namin, sa writers, kasi iba. Iba yung takbo ng isip nila ngayon.

“Mas napaganda nila yung show, and alam ko kung maganda ang First Yaya, mas maganda ang First Lady, maraming nadagdag na bagong karakter, so nakakatuwang gawin ‘to.”

Continue reading below ↓

Pilot episode ng First Lady ngayong Valentine’s Day, February 14, alas otso ng gabi.

Ang First Lady ay sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen kung saan tampok rin sina Cassy Legaspi bilang Nina Acosta na panganay na anak ng Presidente at kapatid nina Nicole at Nathan; Jerick Dolormente as Lloyd Reyes, Isabel Rivas bilang Allegra Trinidad; Francine Prieto bilang Soledad Cortez; Samantha Lopez bilang Ambrocia Bolivar; Maxine Medina bilang Lorraine Prado; JD Domagoso bilang Jonas Clarito; Kakai Bautista bilang Pepita; Kai Cortez bilang Norma; Thia Thomalla bilang Valerie "Val" Cañete-Enriquez; Jon Lucas bilang Titus de Villa; Glenda Garcia bilang Marnie Tupaz; Kiel Rodriguez bilang Paul Librada, at Muriel Lomadilla bilang Bevs.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sandy Andolong, one of the supporting characters in the new Kapuso teleserye First Lady, feels thankful for being pampered well by the GMA-7 production staff during their lock-in taping. She says, "I like my job, I like working. And gusto ko rin itong lock-in na ito, we are taken care of very well by GMA. Spoiled pa nga kami, e.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results