Carmina Villarroel takes a risk by accepting role as obsessed lover of Paulo Avelino in Bridges of Love

Carmina Villarroel on accepting daring role in Bridges of Love: "I took it as a challenge. Parang half of my life in this business, ang dami ko nang ginagawa. So, parang I wanna do something different, something new. Ano pa bang puwede ko pang i-offer sa mga tao?"


Challenging para kay Carmina Villarroel ang papel na gagampanan niya sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Bridges of Love.

Isang obsessive woman na may pagnanasa kay Paulo Avelino ang papel dito ni Carmina.

Hindi pa raw niya kailanman nagampanan ang ganitong klaseng karakter sa maraming taon na niya sa industriya.

Hindi rin daw siya ganung klaseng babae sa tunay na buhay.

Saad ni Carmina, “Kasi sa totoong buhay, ‘pag ayaw na sa akin, e, di huwag.

“So, parang first time lahat.

“After being a mother, yung mga teleserye ko, parang mommy ako, may anak ako...

“Dito, single ako, and daring na ito for me na hindi ko naman talaga ginagawa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina matapos ang presscon proper ng Bridges of Love noong Martes, March 3, sa Dolphy Theater, sa loob ng ABS-CBN compound.

CARMINA’S FEARS. Medyo nakakatakot ba sa stature niya ngayon ang gumanap ng ganito klase ng character?

Bukod kasi sa may asawa’t mga anak na siya ay isa rin sa paboritong endorser ng mga kumpanya si Carmina.

Ayon sa actress-TV host, “Oo. Hindi naman talaga ako…

“When I was younger, alam niyo naman ang role ko, laging on the safe side, laging wholesome.

“I’m not saying na hindi ito wholesome, pero magugulat lang ang tao dahil, ito, daring for me.

“Kasi nga, if they know me, ang masasabi nila, ‘Oh, my gosh! Ayan na si Mina.’

“Pero kaya ko rin naman siya tinanggap, I took it as a challenge.

“Parang half of my life in this business, ang dami ko nang ginagawa.

“So, parang I wanna do something different, something new. Ano pa bang puwede ko pang i-offer sa mga tao?

“So, yun nga, katulad ng sinabi ko kanina, very thankful ako sa ABS-CBN kasi nga ang dami namang puwede diyan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Buti na lang ako ang napili, kaya exciting.”

Hindi kaya magtuluy-tuloy na ang pagganap niya sa mga ganitong klaseng characters?

Sagot ni Carmina, “Hindi naman siguro.

“Kasi, kung ako yung klase ng artistang laging nata-typecast, dapat laging ganun nang ganun.

“Pero parang iniisip ko naman, hindi ganun yung roles ko.

“Feeling ko naman, ngayong mommy na ako, at least may variations na I can be a mother, a lover.

“I can be contravida, I can be a not-so-much contravida.

“Buti na lang nga nandun na ako sa puwede ko na silang paglaruan.

“Saka matatalino na yung mga audience natin.”

OBSESSED WITH PAULO. Handa na ba siyang ma-bash o makatanggap ng hate messages, lalo na’t hinahabol-habol niya sa teleserye si Paulo?

Tugon ni Carmina, “Hindi naman. Kasi they will understand my character.

“Sa umpisa pa lang, maiintindihan mo na kung bakit ako ganun.

“At yung mga characters namin dito, hindi typical na kontrabida na may evil plans. Wala akong evil thoughts.

“Yun nga ang lagi kong sinasabi, nagmahal lang ako at nasaktan.

“Yung mga characters namin ay consequence lang ng mga nangyari.”

Aminado ang aktres na nailang siya sa paghahabol niya kay Paulo sa serye.

Saad niya, “Sobrang nahiya ako kay Paulo.

“Pero siguro kasi first time naming mag-work together.

“But after doing the scene… kasi first day pa lang namin medyo daring, e.

“Si Paulo kasi…”

Love scene ba ito?

“May ganung sexual scene na slight. Hindi naman ako nagganun.

“Very new at saka feeling ko, dyuskupo, ano ba ito! Ninerbiyos ako.

“Pero because of our director [Richard Somes], in-explain talaga niya lahat.

“Very thankful ako, malaking factor na nagkakaintindihan kayo ng director mo kung saan direksiyon kayo pupunta.

“Hindi yung maghalikan kayo para lang meron. Hindi naman ganun.

“At si Paulo pa, he’s just a gentleman.”

KISSING SCENE WITH PAULO. Nang matanong ng PEP kung may kissing scene sila ni Paulo, biglang tumili at tumawa si Carmina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksyon niya, “Oh, my god! Dyusko, nahihiya akong magsalita, pero oo, may ganung factor.

“Ninerbiyos nga ako kasi hindi naman ako naggaganyan.

“Yun nga, very thankful ako sa staff, sa director, at kay Paulo kasi trabaho, trabaho.”

Gaano katagal bago naikundisyon ni Carmina ang sarili na gagawin niya ang intimate scene nila ni Paulo?

“Hindi, bago ko pa gawin, kinundisyon ko na ang sarili ko.

“Pero iba rin yung nasa set ako.

“Siguro nag-o-automatic rin lang ako na once na nasa set ako, yun na ako, si Alexa na ako, hindi na ako si Carmina.”

Kinilig lang si Carmina nang marinig sa amin ang tanong kung ano ang feeling niya at ipina-partner pa rin siya sa younger generation of male stars, gaya ni Paulo.


Tumawa nang malakas si Carmina at sinabing, “Thankful nga ako kasi, parang, ‘Talaga? Naisip ninyo na puwede ako?’

“Medyo may pressure din kasi iba naman ‘pag on screen if we look together, kasi baka hindi naman siya makatotohanan.

“Baka sabihin nila, hindi naman.

“Mabuti naman, tinatanong ko yung staff, sabi nila, okey naman, we look good together on screen.

“Kailangang may ganun, hindi naman puwedeng, ‘O, ayan ang role, gawin ninyo ‘yan, ipagpilitan ninyo.’ Hindi ganun.

“Okey naman. Nakaka-excite actually.”

Paano siya inalagaan ni Paulo?

Sagot ni Carmina, “He’s very gentleman.

“Basta mararamdaman mo bilang tao, hindi lang bilang artista.

“Alam mong he’s very careful. Like, ‘Okey lang po ba na ganito, na ganyan?’

“Mararamdaman mo naman sa mga hawak, sa mga ganyan.”

Muling tumili si Carmina sa pag-uusisa namin kung paano ba yung mga hawak sa kanya ni Paulo sa love scene nila.

“Oh, my God! Very gentle lang naman,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN