Watch Now

Tanya Gomez, Allan Paule, Mosang describe camaraderie on the set of Widows' Web

by Rommel Gonzales
Apr 11, 2022
Tanya Gomez, Allan Paule, Mosang are part of Widow's Web cast
(L-R) Tanya Gomez, Allan Paule, and Mosang are happy to be working again with Direk Jerry Sineneng in GMA-7 series Widows' Web.
PHOTO/S: PR

Masaya sina Allan Paule, Tanya Gomez, at Mosang na makatrabahong muli si Direk Jerry Lopez Sineneng sa Widows' Web.

Ang naturang serye ang unang proyekto ni Direk Jerry sa GMA-7, pagkatapos nitong lumipat mula ABS-CBN.

"Matagal na kaming nagkakasama ni Direk Jerry, sa kabilang istasyon pa," bungad ni Allan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Sa kabila pa lang, marami na kaming napagsamahan, so medyo nanganganay lang kasi medyo matagal napahinga, pero sa katagalan nasanay din.

"Nasanay din pero ninenerbiyos pa rin hanggang ngayon. Kasama sa trabaho iyan."

Maging si Tanya na matagal na ring nakatrabaho ni Direk Jerry ay ninenerbiyos din na makatrabaho siya ngayon.

“Kasi kami ni Direk, napakatagal na panahon na. Tama si Allan, bata pa rin yata ako nun,” at tumawa si Tanya. “Anyway, sobrang tagal na, sa ibang istasyon din.

“Naging magkaibigan din kami ni Direk Jerry, so medyo nakakanerbiyos. Parang ang huling ginawa ko pa yata na teleserye dito [sa GMA] ay yung Babawiiin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Babawiin Ko Ang Lahat ay umere sa GMA mula February hanggang May 2021.

Sa pagpapatuloy ni Tanya, “'Tapos dumaan na itong pandemic, kaya nung nagkita-kita ulit, nung nag-start na yung taping namin, medyo talagang sobra-sobrang kabado talaga. Parang nagsisimula ulit."

Nakatrabaho na rin ni Mosang si Direk Jerry noon.

“Kung 38 siya ngayon, nung mga 19 kami,” ang tumatawang biro ni Mosang tungkol sa kanilang direktor.

“Pero sa totoo lang, I’m very happy na si Direk Jerry yung director ng Widows' Web at si Direk Phillip Lazaro.

"Sa totoo lang, kay Direk Jerry, we’re good friends. Pero pag sa trabaho, ninenerbiyos pa rin ako sa kanya."

CAMARADERIE ON THE SET

Malaki ang pasasalamat nina Allan, Tanya, at Mosang na nabigyan sila ng pagkakataong makatrabaho ang batikang direktor.

Kuwento ni Tanya tungkol sa kanilang samahan sa set, "Masaya kami sa grupo namin kasi meron kaming Team Laylayan, merong Sagrada side.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa Team Laylayan, kami yung mahihirap, mga purita [poor].

“So pag nandun kami nina Direk Jerry, talagang masaya. Sobrang masaya kami kaya sobrang happy ako at napasama ako dito sa project na ito.

“Talagang thank you po sa lahat at naalala niyo ako.”

Kahit na sabi ni Allan na "ako yata ang pinakamatanda" sa cast ng Widows' Web, kinakabahan pa rin siya pag dating sa trabaho.

Aniya, “Oo naman, oo naman. Lalo na at nagkaroon tayo ng pandemya, di ba? So iyon, nagpapasalamat rin ako kay Direk Jerry, kay Ms. Helen, kay Ms. Kaye sa pagtitiwalang ibinigay nila sa akin para dun sa role, yung role na ibinigay nila sa akin.

“So nerbiyos pa rin, kasama sa trabaho para at least lagi kang on your toes, hindi yung kampante ka, hindi ba?”

Si Helen Sese ay ang assistant vice president for drama ng GMA-7 at Kaye Cadsawan ay executive producer ng Widows' Web.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking bagay naman para kay Mosang ang istilo ng pagdidirek ni Direk Jerry.

Aniya, “Kasi ang nakakatuwa sa kanya, hindi ka niya tatratuhin as komedyante. Paaartehin ka. That’s why I’m really, really very thankful kasi hindi ko first time maging mayordoma, parang all my life yun, e!

"Pero nabibigyan kami ng ibang mga character kaya sobrang thankful ako kay Direk Jerry at sa bumubo ng Widows' Web.

“'Tsaka kay Pihillp Lazaro. Siya ang nag-iisang director na magsasabi sa iyong, ‘Alam mo, Mama, hindi ka maganda pero mahusay ka!’

“Bongga,” ang tumatawang sinabi pa ni Mosang bilang pagtatapos sa panayam ng PEP.ph via Zoom para sa mediacon ng Widow’s Web nitong Huwebes, February 17, 2022.

Sa pangunguna nina Carmina Villarroel, Vaness del Moral, Pauline Mendoza at Ashley Ortega, nasa cast rin ng Widow’s Web sina Adrian Alandy, Edgar Allan Guzman, Christian Vasquez, Bernard Palanca, Arthur Solinap, Mike Agassi, at ang mga young stars na sina Dave Bornea, Neil Coleta, Karenina Haniel, Anjay Anson at Vanessa Peña.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Tanya Gomez, Allan Paule, and Mosang are happy to be working again with Direk Jerry Sineneng in GMA-7 series Widows' Web.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results