Max Collins braves first daring role in Kailan Ba Tama ang Mali?

Is there a possibility that something may develop between Max Collins and Geoff Eigenmann, the lead stars of Kailan Tama Ang Mali?Max smiles, “Masyado pa pong maaga para masabi kung may future yung ganyan.”


Turning point daw sa acting career ni Max Collins ang maging isa sa pangunahing cast ng GMA afternoon soap na Kailan Ba Tama Ang Mali?

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Mature na talaga yung role kumpara sa mga nai-portray ko in the past.

“It tackles the life of mag-asawa, talagang pinaghihirapan po namin ang bawat episode nito.

"Talagang hindi po ito madali para sa amin.

"May mga aspects na nakaka-relate ako sa character ko.

"Alam ko kung paano maging career-driven, kung pa'no ma-prioritize ang family, dahil priority ko talaga ang family ko.

“Pero wala pa po akong asawa. Hindi ko pa po naranasan ‘yon.

“Hindi ko pa po naranasang magbuntis.

"So, ibang Max Collins ang nakita sa soap na ito.

“Nung umpisa, talagang nanibago ako. And talagang nahirapan ako dun sa role ko as Amanda kasi mabigat talaga siya.

“Mabigat yung pinagdaanan ng characters namin ni Geoff bilang mag-asawa.”

DARING ROLE. First daring role din daw ni Max ang Kailan Ba Tama Ang Mali? dahil sa kissing scenes at love scenes nila ng leading man niya ritong si Geoff Eigenmann.

Ngunit ayon sa Kapuso actress, “Nakatulong yung pagiging close na namin ni Geoff as friends dati pa para maging at ease ako sa kanya nung ginawa namin yung mga eksenang ‘yon.

“At saka hindi po namin inisip kung ano ang nararamdaman namin… actors kami sa scene na ‘yon.

"Trabaho ito na kailangan naming pagbutihan, and alam namin na we’re on the same page.

"Kaya hindi naman kami nahirapan sa mga eksenang ganun.”

Pareho rin ng talent manager sina Max at Geoff—si Perry Lansigan.

Si Empress Shuck naman ang pumapapel na kontrabida sa pagsasama nina Max at Geoff, at mabigat daw ang mga eksena nila.

Sabi ni Max, “Talagang mainit yung mga eksena na ‘yon. Mainit sa galit na kailangan mataas yung energy namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi sa story, parehong malakas ang aming personality. So, kapag nag-aaway kami, grabe talaga.

“Kahit yung mga confrontation scenes namin ni Geoff, heavy rin talaga. Sobrang nakaka-challenge.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN