Kapuso young actor Hiro Magalona takes the challenge of playing closet gay in Pari Koy

Hiro Magalona on his closet gay role in Pari Koy: “Gusto ko pong ma-test ang pagiging aktor natin and hopefully, with this role, ay may mapatunayan na po ako.”


Isang closet gay ang role ng Kapuso young actor na si Hiro Peralta sa bagong primetime teleserye na Pari Koy.

Gaganap siya bilang si Samuel Evangelista Jr., ang rebeldeng kapatid ni Father Kokoy na ginagampanan naman ni Dingdong Dantes.

Na-challenge daw si Hiro sa role na ibinigay sa kanya, at hindi siya nagdalawang-isip dahil alam niyang madidirek siya nang maayos ni Maryo J. de los Reyes.

Saad ni Hiro, “Umoo po ako sa role bilang closet gay kasi never pa akong gumaganap ng ganun.

“’Tapos si Direk Maryo pa ang magdidirek sa akin, it is such a privilege.

“Nag-usap na nga po kami ni Direk Maryo at siya raw po ang magga-guide sa akin sa mga eksena ko.

“Flattered naman po ako kasi napakahusay na director ang katrabaho namin sa Pari Koy.”

Dagdag pa niya, “’Tsaka 20 years old na po ako ngayon at gusto kong mga challenging roles na ang gawin ko sa TV.

“’Tulad po sa naging role ko sa Yagit, gumanap akong leader ng isang sindikato.

"Gusto ko po yung nag-iiba ang mga roles na ginagawa ko at hindi yung pare-pareho.

“Gusto ko pong ma-test ang pagiging aktor natin and hopefully, with this role, ay may mapatunayan na po ako.”

GAY REBEL. Paunti-unti raw ilalabas ang kanyang closet gay character sa istorya ng Pari Koy.

Sabi ni Hiro, “Una kasing ipapakita sa story ay ang pagiging rebelde ni Samuel.

“Mahilig siyang makipagbarkada, mag-party, at wala siyang responsibilidad sa kahit na anong maling gawin niya.

“Black sheep siya ng pamilya at malaki ang galit niya sa Kuya Kokoy niya dahil ito na lang ang parating magaling at maraming nagmamahal dito dahil isa nga siyang pari.

“Pero sa likod nga ng pagrerebelde ko ay ang takot ko na malaman nilang bading ako.

“Alam kong hindi iyon matatanggap ng pamilya ko, lalo na’t meron pa naman kaming pari sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya si Samuel, magulo ang isipan niya.

“Eventually, may mga gagawin siya na pagsisisihan niya sa bandang huli.”

Hindi raw alam ni Hiro kung bibigyan siya ng love interest sa kanilang teleserye.

Saad niya, “Inuuna po namin yung magiging hitsura ko at mga kilos ko bilang closet gay.

“Gusto po nila yung mukha pa ring lalaki. Pero medyo may kalambutan lang kumilos at magsalita.

“’Tapos colorful at masikip ang mga suot. Yun naman daw kasi ang uso sa mga closet gays ngayon.

“I also do my own research kasi may mga kaibigan din akong mga gays.

“Nagtatanong din ako kung paano ba ang mga kilos at pananalita nila.

“Hindi ko lang po alam kung aabot pa ako sa magmukha akong babae.

“Nasa writers na po iyon ng teleserye namin.

“Pero kung may ganoon, yung parang BB Gandanghari, okey lang po kasi challenge po sa akin iyon.

“Mas magiging interesting ang character ko at mas marami pa akong malalaman tungkol sa mga gays.

“Like what I said po, gusto kong ma-test ang pagiging aktor natin.

“By doing these kinds of roles, mas lalawak ang kaalaman ko bilang aktor.”

READY TO GO DARING. Confident na raw si Hiro na magpaka-daring dahil nasa tamang edad na siya.

Handa na nga raw siyang magpa-sexy sa kanyang mga magiging pictorials.

“Nagsimula na po ulit ako mag-workout.

“Medyo tumaba po tayo at hindi na masyadong visible ang abs natin.

“Ready na ako to go daring.

“I’m of the right age na po. At marami ang nagsasabi na gawin ko na habang bata pa ako.

“Wala naman po akong problema kung sasabak tayo sa pagpapa-sexy.

“As long as it’s something as good, like Cosmo Bachelors or Bench. Game naman tayo diyan.”

Kung sakaling may kumuha sa kanya bilang endorser ng underwear, wala raw magiging problema kay Hiro dahil “oo” agad ang isasagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit naman po hindi, ‘di ba?

“Endorsement iyon at ma-pressure pa ako lalo na pagandahin pa ang physique ko.

“As long as maganda naman po ang mga shots at nasa kundisyon ang katawan ko, let’s go for it!

“Ayoko po kasing mag-turn down ng mga opportunities na ganyan.

“I don’t want to regret balang-araw na hindi ko siya nagawa or tinanggihan ko siya.

“Open po ako sa mga magagandang opportunities na darating pa for my career.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN