Benjamin Alves on roles he plays: GMA-7 finds "ways to challenge you"

by Rommel Gonzales
Mar 13, 2022
Ben Alves in Artikulo 247
Benjamin Alves is playing Noah in Artikulo 247.
PHOTO/S: PR

Hindi natuloy si Benjamin Alves na bisitahin ang kanyang ina at pamilya sa Guam noong nakaraang Pasko at Bagong Taon dahil sa Enhanced Cmmunity Quarantine (ECQ).

Umaasa na lang ang aktor na baka sakali, sa birthday niya sa March 31, ay makakabisita siya roon.

Kuwento ni Benjamin, “Everytime I try to go, we somehow end up ulit na nag-i-ECQ.

"So hindi natuloy and then work came. Hopefully, my birthday is end of March so the plan is to spend my birthday there because na-lift na yung quarantine restrictions.

THE WAY HE SEES LOCK-IN TAPING

"So I get to spend end of March and most of April there. Perfect kasi it’s summer.”

Isa si Benjamin sa mga artistang nasanay na sa lock-in taping, at tama lang raw na ito ang naging sistema ngayong pandemc dahil marami ang nabibigyan ng trabaho sa industriya ng showbiz.

Sabi niya, “Well, it gives opportunity to provide and not only for us kasi kami lang naman nasa kamera.

Continue reading below ↓

"Pero you have to think about everybody working behind the camera who has families and people to provide for, it makes it possible for them, to also provide.

“Yung first lock-in namin was really good timing kasi it was right before Christmas so nakakatuwa na everyone was able to come home, to get a salary and getting ready for Christmas.

“Para naman mag-iba ang Christmas ng 2021 as opposed to 2020 na talagang medyo walang taping that time. So iyon lang ang naiisip ko.”

Binata pa si Benjamin hindi tulad ng Artikulo 247 co-stars niyang sina Mark Herras at Mike Tan na may asawa at mga anak na.

Hirit ng aktor, natatawa, “Of course may aso rin kami na parang bata na rin na never na tatanda,” na ang tinutukoy ay ang pet dog nila ng girlfriend niyang si Chelsea Robato.

Seryosong dagdag pa niya, “So, yeah, yung provision, to be able to provide for, make it possible for us to provide, for everyone to provide for their own families."

Continue reading below ↓

FROM ROM-COM TO DRAMA

Galing si Benjamin sa light romantic-comedy series na Owe My Love, at ngayon ay medyo mabigat ang tema ng Artikulo 247 pati na rin ang karakter niya rito.

Kumusta ang transition niya sa pag-arte?

“Tingin ko nagkamali yata sila, tingin ko dapat kay Mark ibinigay,” at muling tumawa si Benjamin.

“Kasi nga to the point na pagbigay sa amin ng script ang nakapangalan ng sa akin 'Mark Herras,' kaya talagang nagkamali."

Agad naman niyang binawi, “Hindi, joke.”

Sa pagpapatuloy ng aktor, binigyan nito ng kahalagahan ang hamon ng kanyang network na iangat pa nila ang kanilang trabaho bilang artista.

"But, yeah, again it’s nice, even during the pandemic na you would probably accept work nonetheless.

"GMA, ETV and GMA Artist Center or Sparkle, they still find ways to challenge you, iyon pa rin ang naiisip nila.

“Not just to provide for you na, ‘Eto, kailangan mo kasi ng trabaho,’… may ganun pa rin silang care.

Continue reading below ↓

"Parang vision para sa iyo na mag-iba ka naman ng atake, may ipakita kang iba.”

Nakita raw ni Benjamin na ang mga Artikulo 247 stars na sina Mark Herras, Mike Tan, Kris Bernal at Rhian Ramos ay may ibang atake sa kani-kanilang papel sa series.

Iba-iba raw ang kanilang rason sa likod ng kamera, aniya, “I see the maturity in Mark’s acting, kay Mike, and, yeah, Kris and Rhian.

"Everybody, so nakakatuwa. Parang may ibang gusto or may ibang zest yung pag-arte ng mga kasama ko.”

Nakausap ng PEP.ph(Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa mediacon via Zoom ng Artikulo 247 ng GMA nitong Martes, March 1, 2022.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Benjamin Alves is playing Noah in Artikulo 247.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results