Miguel Tanfelix still feels like a prince even outside Once Upon A Kiss

by Rose Garcia
Mar 6, 2015
Miguel Tanfelix on his role as Prince in Once Upon A Kiss: “I love my character at nakaka-relate ako kasi it makes everyone realize that we all have good points, soft spots, and we can always change for the better para sa sarili natin at sa mga mahal natin sa buhay.”

Tuluy-tuloy ang pagpasok ng magagandang oportunidad sa dating StarStruck Kids finalist na si Miguel Tanfelix bilang isa sa pinakasikat na teen stars ngayon sa bakuran ng Kapuso network.

Masaya rin ang network sa ratings ng pinagbibidahang primetime series ni Miguel, kasama ang ka-loveteam niyang si Bianca Umali, na Once Upon A Kiss.

Sa naturang teleserye ay gumaganap si Miguel bilang Prince, kaya naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa teen actor kung paano naman niya nakikita ang sarili bilang “prince” sa totoong buhay.

Sagot ng teen heartthrob, via email, “I feel like a prince when I am with my family.

“I still find the best treatment in my family. I feel the best love from them.

“I also feel like a prince in my work and in my fans.

“When they appreciate what I do, I feel like that I am important to them and I make an impact in their lives.

Continue reading below ↓

“Like a prince, you feel appreciated and they see you as an example, they look up to you.”

Masaya raw si Miguel sa pagbibigay sa kanya ng GMA ng primetime series na Once Upon A Kiss dahil kumpara sa dati niyang role sa Niño, mas malapit sa kanyang pagiging teenager ang karakter niya rito.

“It feels good. It’s different from my Niño character.

“Dito kasi, kahit paano, yung dating bad boy naging good boy dahil sa admiration at love niya kay Ella o kay Bianca nga.

“I love my character at nakaka-relate ako kasi it makes everyone realize that we all have good points, soft spots, and we can always change for the better para sa sarili natin at sa mga mahal natin sa buhay.”

CLOSER TO BIANCA. Aminado naman si Miguel na dahil na rin sa pagsasama nila ni Bianca sa halos lahat ng shows nila, ganundin sa out-of-town shows, regional at mall shows, mas naging malapit talaga sila sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

Saad ni Miguel, “Kami ni Bianca, mas naging close pa kami pagkatapos naming gawin ang Niño at ngayong magkasama kami sa Once Upon A Kiss.

“Nagkakasama naman na kami dati sa iba’t ibang shows, pero ngayon ko talaga masasabi na mas lalo kaming naging malapit sa isa’t isa.”

Nagpapasalamat din si Miguel sa mga sumusuporta sa kanya, gayundin sa loveteam nila ni Bianca.

Nararamdaman niya nga raw ito lalo na tuwing may mall shows at regional show sila.

At bilang pasasalamat sa kanilang mga tagasuporta, ngayong Linggo, March 8, ay nasa SM Dasmariñas sila.

Si Miguel ay nominado bilang Breakout Star of the Year at Male Teen Star of the Year sa The PEP List at PEPsters' Choice Awards.

To vote for Miguel, CLICK HERE

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Tanfelix on his role as Prince in Once Upon A Kiss: “I love my character at nakaka-relate ako kasi it makes everyone realize that we all have good points, soft spots, and we can always change for the better para sa sarili natin at sa mga mahal natin sa buhay.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results