Benjamin Alves admires how fatherhood changed Artikulo 247 co-stars Mike Tan and Mark Herras for the better

by Rommel Gonzales
Mar 27, 2022
Benjamin Alvez on Artikulo 247
Benjamin Alves admires how fatherhood changed his Artikulo 247 co-stars Mike Tan and Mark Herras for the better, in terms of maturity and acting professionalism.
PHOTO/S: PR

Hanga si Benjamin Alves sa pagiging ama nina Mike Tan at Mark Herras.

Nabuo ang pagkakaibigan ng tatlong Kapuso actors sa lock-in taping ng Artikulo 247.

Kuwento ni Benjamin nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Natutuwa ako dun sa dalawa, sobra, sobra po!"

Biniro raw niya sina Mike at Mark nung nag-simula ang lock-in taping.

Aniya, "Sabi ko, 'Pustahan tayo, umiyak ka nung umalis ka, 'no?'"

Umamin naman daw sina Mike at Mark na sobrang lungkot ang nadama nila noong umalis sila sa kani-kanilang bahay at pansamantalang iniwan ang pamilya para pumasok sa lock-in taping.

Dagdag pang kuwento ni Benjamin, “Yung parang... the strongest men, these two are, pag nakita mo si Mark onstage pag sumasayaw, pag nakita mo si Mike onscreen pag gumagawa ng mga characters, kahit dito sa Artikulo 247, ang tatapang, e!

“Ang lalakas, ang lalakas ng dating. But you see them fold when they talk about their kids. You see the tenderness. Sobrang andun yung... wala e, they’re so excited when they talk about their kids."

Continue reading below ↓

WORK and friendship WITH MARK AND MIKE

Noong 2013 pa huling nakatrabaho ni Benjamin si Mark, at binata pa ang huli noon.

Kaya naman masasabi ni Benjamin na iba na ang pinagsamahan nila ngayon.

“It’s nice, e. I’ve never seen, last time nakasama ko si Mark sa soap, 2013 pa.

"'Tapos, 2022, almost ten years na kaming hindi nagkatrabaho sa soap, so yung usapan namin then, talagang, let’s leave them in the past,” at natawa si Benjamin bilang pahiwatig na tungkol sa kalokohan ng mga single men ang madalas nilang pagkuwentuhan noon.

Pinuri naman ni Benjamin ang acting ni Mark sa Artikulo 247.

Aniya, “Parang, kami, parang lahat ng reaksyon namin, from who I talk to in the production, iba yung ipinakita ni Mark dito. Iba talaga.

“Iba yung makikita niyo kay Mark. I can attest to that. Ang galing ng atake niya."

Maging si Mike daw ay kahanga-hanga ang acting na ipinakita sa Artikulo 247.

Continue reading below ↓

Pagpuri ni Benjamin, “And Mike also, Mike has shown a different side of playing Julian here. Ang ganda. I think it’s because of their fatherhood.”

Mas naging close sila ni Mike sa lock-in taping ng Artikulo 247 dahil magkasama sila sa isang kuwarto.

Saad niya, “I’m roommates with Mike, I see him every day. Kahit pagod na pagod na siya from the taping, or kahit puyat, gigising iyan nang maaga para kausapin niya yung mga anak niya.

“Wow! What a great example of being a father.”

Mas naging malalim daw ang pagkakaibigan nilang tatlo dahil sa maturity na naidulot ng fatherhood kina Mike at Mark.

Sabi ni Benjamin, “Mas may future at mas maganda at may liwanag na yung pinag-uusapan namin now because of, yeah, they’re really, they’re great people to begin with. I think they’ve always been, but fatherhood has really given them a new color, new outlook, e."

Continue reading below ↓

future plans to build a family

Pag dating ng panahon na sila naman ng kanyang girlfriend na si Chelsea Robredo ang bubuo ng pamilya, umaasa si Benjamin na nandyan sina Mike at Mark para sa kanya.

Lahad niya, "Sabi ko nga, pagkatapos ng soap namin, parang, ‘Pag may ano ha, kailangan kayo ang hihingan ko ng advice.’

“Kasi they’re really great with their kids sobrang nakakatuwa."

Binibiro naman siya nina Mike at Mark tungkol dito.

“Sabi nga nila, ‘Gumawa ka na, Ben!’ ‘Pakasal muna kami.’

“Ganun sila,“ at natawa si Benjamin.

“And yeah, they will be a part of the journey as well. We still keep in touch, I can tell na hindi lang dahil sa lock-in yun. I think we were somehow fated to meet each other this time.

"So ayun nga, at least may mga kuya, kahit older, magka-age kami ni Mark and older si Mike, parang pareho silang kuya in the sense that they’ve entered the next phase in their lives as men so sila yung, I really, nakakatuwa."

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph si Benjamin via Zoom noong March 13, 2022. Ang interview ay ipinatawag ni Jonas Gaffud ng Empire.PH, na siyang namamahala sa showbiz career ni Benjamin.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Benjamin Alves admires how fatherhood changed his Artikulo 247 co-stars Mike Tan and Mark Herras for the better, in terms of maturity and acting professionalism.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results