GMA-7 executives formally announce casting of Marian Rivera and Dingdong Dantes in "Dyesebel"


It's now official! Marian Rivera and Dingdong Dantes will immediately have a follow-up project after Marimar. The two will be the lead stars in GMA-7's new fantaserye, Dyesebel.



Mismong ang mga top executives ng GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, Chairman, President & CEO; Jimmy Duavit, Executive Vice President & COO; Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV; Lilybeth Rasonable, AVP for Drama & Entertainment; at Annette Gozon-Abrogar, GMA Films President, ang pormal na nag-announce ng pagkakapili kina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa roles na Dyesebel at Fredo sa Dyesebel, ang bagong fantaserye ng Kapuso network.



Pero tila anti-climatic ang announcement na ito dahil marami na ang nakakaalam na sina Marian ang gaganap na Dyesebel. Sa katunayan, bago pa sa isang panayam ni Marian ay kinumpirma na nga niya na siya nga ang gaganap na Dyesebel. Sari-sari na rin ang mga naririnig na reaksiyon sa pagkakapaili nila ni Dingdong sa naturang proyekto.

Natuwa siyempre ang fans nina Marian at Dingdong dahil hindi magtatapos sa Marimar ang kanilang tambalan. Sa March 14 na ang final telecast ng Marimar at live na lalabas ang buong cast.

May nagagalit din na bakit si Dingdong na naman ang ipinareha kay Marian. Bakit daw hindi subukang itambal ang young actress kay Dennis Trillo. Pero siyempre, ang mga boss ng GMA-7 ang masusunod at nakapagdesisyon na sila na si Dingdong ulit ang magiging leading man ni Marian.



May nakapagsabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi sina Marian at Dingdong ang original choice for Dyesebel and Fredo roles. Tama ang mga nasulat na si Rhian Ramos ang first choice sa TV remake ng Dyesebel, pero pinalitan siya at the last minute.

Hindi lang daw dahil hindi kaya ni Rhian na mag-topless kaya siya napalitan. Kasama na rin dito ang naglabasang negative write-ups sa kanya. Pero may maganda at malaking project daw na ibibigay sa kanya this year ang Kapuso network.



Sa role ni Fredo, na-consider din si Mark Anthony Fernandez. Nakita siguro ng GMA-7 management na bagay rin sila ni Marian at magkakaroon ng on-screen chemistry. Hindi na nga lang umabot na i-offer sa aktor ang role dahil may Kamandag ito at kay Dingdong na ibinigay ang role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ipinaglaban ni Direk Joyce Bernal sina Marian at Dingdong na para sa kanya, perfect for their respective roles. Naalala ng PEP na sinabi ni Direk Joyce na hindi pa man sila nagsisimulang mag-taping, nai-imagine na niya si Marian na naka-costume with matching buntot ng isda, lumalangoy, at sumasabay ang galaw ng boobs sa alon ng dagat. Natawa nga kami sa description ng direktor sa boobs ng young actress na "may sariling buhay."



Paano nga kaya kung natuloy kay Rhian ang project? Si Dingdong pa rin kaya ang makakapareha niya? Kung natuloy si Mark Anthony as Fredo, lulutang nga kaya ang chemistry nila ni Marian, gaya nang ipinaglaban ng mga naka-idea nito?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN