Christian Bables reveals role in Darna series: "Something na hindi ko pa nagagawa!"

by Jerry Olea
Mar 27, 2022
Charles Bables wins Best Actor for portrayal in Big Night
Christian Bables initially did not want to reveal his role in Darna: The TV series. But out of excitement, he nodded when asked, "Kontrabida?" Laughing, he says, “Talagang hindi ko rin napigilan! Hahahahaha."
PHOTO/S: Jerry Olea

Proud si Christian Bables sa kanyang role sa Kapamilya fantaseryeng Darna: The TV Series, na pinagbibidahan ni Jane de Leon, sa direksiyon nina Chito Roño at Avel Sunpongco.

“I am happy to be reunited with Direk Chito,” sambit ni Christian sa awarding of trophies and cash prizes ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021 nitong Marso 25, 2022, Biyernes ng gabi, sa Novotel Hotel, Araneta, Quezon City.

Huling nakatrabaho ni Christian si Direk Chito sa Signal Rock, na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018.

Best actor si Christian sa MMFF 2021 para sa pagganap niya bilang Dharna sa Big Night, na idinirek ni Jun Lana.

Pagpapatuloy ni Christian, “Ang saya! Ang gaan sa set. Ang sarap umarte dahil andun si Direk Chito. Ahhm, exciting dahil… hindi ko pa puwedeng sabihin kung ano ang karakter ko, but this is something na hindi ko pa nagagawa.

“Abangan ninyo kasi sa aking record ng mga nagawa kong project, ito ang something na hindi ko pa nagagawa!"

Continue reading below ↓

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "Ahhh, kontrabida?!"

Napatango si Christian, “Talagang hindi ko rin napigilan! Hahahahaha. Talagang hindi ko rin napigilan. And…hindi siya gay character!”

Mabigat ba o magaan ang demand ng karakter niya sa Darna: The TV series? Draining o minamani niya?

“Draining dahil grabe yung hugot ng karakter ko,” pagbuntong-hininga ni Christian.

“Siyempre, villain, ang pinagmumulan niya kasi—pain. Pain. So, yung karakter ko, pained siya kaya siya naging villain.”

Bagong karakter ba iyon na hindi pa nasilayan sa mga nakaraang Darna projects? “Yes.”

Kinailangan pa ba niyang mag-research para sa nasabing karakter?

“Not really. Not really kasi, ang focus nito ay yun nga, yung pain. Yung pain ng character which I guess, kaya ko namang hugutin.”

ON JANE DE LEON AS DARNA

Kumustang katrabaho ang bagong Darna?

“Magkatrabaho na kami ni Jane nung Halik. Ever since si Jane, very sweet. Very professional din sa work,” lahad ni Christian.

Continue reading below ↓

“So I am happy and glad na makita na hindi siya nagbabago. Kung ano siya dati bilang tao at bilang co-actor, ganun pa rin siya hanggang ngayon.

“Si Jane naman, very professional. Nakita ko yung relationship nila ni Direk Chito. Parang very father and daughter, oo.

“Again, kasi professional si Jane de Leon. So, wala akong mapupuna sa kanya talaga na hindi maganda.”

Napanood ni Christian ang Kapuso telefantasyang Darna (Abril-Nobyembre 2005) na pinagbidahan ni Angel Locsin.

Paano niya ikukumpara ang Darna ni Angel sa Darna ni Jane?

“Siyempre, ginawa ang mga iyon sa magkaibang panahon,” malumanay na salaysay ni Christian.

“Mas modern ngayon. Yung atake nito, as in… modernized siya talaga, ayun.”

Nagbida rin si Marian Rivera sa seryeng Darna (Agosto 2009-Pebrero 2010) ng GMA-7.

Good for five-week airing na raw ang na-shoot na mga eksena ng Darna: The TV series.

CHRISTIAN'S PREPARATIONS FOR FIGHT SCENES

Siyempre, may fight scenes sila ni Jane, at sobrang exciting para kay Christian na mag-aksiyon-aksiyon at makipagbakbakan kay Darna.

Continue reading below ↓

Bilang paghahanda sa fight scenes, dalawang buwan—five times a week—nang nagwo-work out si Christian.

Natatawang sabi ng aktor, “Nagwo-work out ako ngayon para pagdating ko dun sa mismong araw na magpa-fight scene na kami, hindi na sasakit ang mga kasu-kasuan ko.”

Hindi pa naman daw bortang-borta ang katawan ni Christian, pero papunta na siya roon.

“From 69 kilos, I am now down to 59,” masayang pagbabalita ni Christian.

“Parang naaadik na ako sa pagwo-work out!”

UPCOMING PROJECT WITH HBO

Hindi alam ni Christian kung this year na ba o next year pa ito ipapalabas.

Excited din si Christian na may forthcoming film project siya with Direk Chito. Hopefully, matuloy iyong project niya kay Direk Erik Matti para sa HBO.

May magandang epekto ba ang pagkapanalo niya bilang best actor sa MMFF 2021?

Napatango si Christian, “Oo, andaming magagandang offers. Mga malalaki. Isa na nga itong HBO ni Direk Erik Matti.

Continue reading below ↓

“But ako kasi, ayoko munang magsalita mula sa akin na confirmed na, though gustung-gusto ko, hangga’t wala pang press release na alam mo yun…

“Sana, masimulan na. Kasi, alam niyo naman, hangga’t hindi pa nagrorolyo ang kamera, andami pang puwedeng mangyari.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christian Bables initially did not want to reveal his role in Darna: The TV series. But out of excitement, he nodded when asked, "Kontrabida?" Laughing, he says, “Talagang hindi ko rin napigilan! Hahahahaha."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results