Yasmien Kurdi plays an epileptic in Magpakailanman episode

Yasmien Kurdi plays an epileptic in an upcoming episode of Magpakailanman. Where does she draw her emotion for the role? She answers by defining her acting style: “Iba-iba ang paraan ng mga artista kung saan nila hinuhugot ang emosyon nila. Yung sa akin, kinukuha ko siya mismo dun sa character na pinu-portray ko. Sa kanya ako nag-i-internalize."


Gaganap si Yasmien Krudi bilang babae na may epilepsy sa episode ng GMA drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado, March 7.

Sa episode na pinamagatang "Anak, Kapatid, Ina", makakasama ni Yasmien dito si Louise delos Reyes.

Gaano kahirap ang role bilang epileptic? Saan siya humuhugot ng emosyon?

Ayon kay Yasmien, “I consider all roles heavy, because you get to portray a different character from the other every time you are given a specific role.

“Wala akong iyakan masyado dito sa MKM episode na ito, pero tagos sa puso ang mga eksena.

“Iba-iba naman ang paraan ng mga artista kung saan nila hinuhugot ang emosyon nila.

"Yung sa akin, kinukuha ko siya mismo dun sa character na pinu-portray ko. Sa kanya ako nag-i-internalize.

“Since pinu-portray ko yung epileptic person dito, nanood ako ng YouTube videos about epilepsy, then nire-relate ko siya dun sa character.”

Kumusta ang working relationship nila ni Louise?

Ayon kay Yasmien, “Madaling katrabaho si Louise, very focused siya sa work niya.

"Pinag-aaralan niyang mabuti ang kanyang script at makikita mo yung passion niya sa acting.

"Mahal niya yung ginagawa niya, yun naman talaga ang mahalaga.”

Bilang mas nakakabata at mas baguhan sa showbiz, may mga payo o tips ba siyang ibinigay kay Louise?

“Medyo maiksi lang talaga ang pinagsamahan namin dito at naging napakaayos naman.

"I wish to work with her in a bigger project para mas may bonding.

“Mas maganda kasi yung galing sa puso ang pag-uusap ninyo para mas sincere ang mga advice mo.

"Basta I hope na ipagpatuloy niya lang yung magandang work ethics niya," saad ni Yasmien.


ROLE MODEL. Kasama rin sa naturang Magpakailanman episode si Glydel Mercado.

Kumusta katrabaho si Glydel, may mga natutunan ba si Yasmien sa kanya?

Saad ng StarStruck alumna, “Wala na rin naman kami masyadong adjustment sapagkat gumanap na kami ng mother and daughter role sa Rhodora X.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naging napakaayos ng aming pagsasama, smooth-sailing lahat, magaling si Tita Glydel kaya madali itong kaeksena.

“Isa sa pinakahahangaan ko kay Tita Glydel ay ang kanyang personal life, yun ang gusto kong matutunan sa kanya.

“Yung kayang-kaya niyang ibalanse ang personal life niya at showbiz.

"Yung tipong ang galing mo nang artista, ang galing mo pang asawa at nanay."


YASMIEN LOOK-ALIKE. Samantala, may mga nagsasabing habang lumalaki si Jillian Ward ay nagiging kamukha ni Yasmien.

Nakatrabaho na ba niya si Jillian?

“Opo... kahit yung husband ko, lagi niyang sinasabi na magkamukha talaga kami.

"At talagang nagagandahan daw siya kay Jillian Ward.

"Sabi ko, ‘Binola mo na naman ako!'

“Nakatrabaho ko na si Jillian isang beses nang i-guest nila ako sa show niya, yung One Day Isang Araw.

"I find her very sweet and charming, marespeto at palabati, at makikita mo na napakabait na anak sa mga magulang niya.

"Gusto ko sana siyang maka-work sa heavy drama project naman para mailabas ang full potential ni Jillian Ward sa drama.

“Exciting yun!” bulalas ni Yasmien.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN