Yassi Pressman is paired with Vin Abrenica in Wattpad Presents My Fiancé Since Birth

Yassi Pressman on leading man Vin Abrenica: “Sobrang gaan na katrabaho ni Vin. Magaling ding umarte may mahuhugot ka sa kanya.”


Sa Wattpad Presents Mr. Popular Meets Miss Nobody ay kontrabida si Yassi Pressman, sa My Fiancé Since Birth ay bida na siya at leading lady ni Vin Abrenica.

Does it matter sa kanya kung bida or kontrabida ang ibinibigay na role sa kanya?

Sagot ng young actress, “Sa Viva it does, it does matter para sa kanila.

“Ako naman, as artist, I want to experience everything.

“Kung may kontrabida, gusto ko rin yung mga roles na psycho, gusto ko rin yung inaapi.

“Yung sa Angelina del Cielo sa GMA, medyo psychotic ako doon na kontrabida, mga ganun.

“So, nae-enjoy kong lumayo sa sarili at maging ibang tao.”

Malaking tulong daw sa unang pagtatambal nina Yassi at Vin na matagal na silang magkakilala bago pa dumating ang mini-series nila sa TV5.

Ipinakilala raw kasi si Vin ng kanyang kuya na si Aljur Abrenica kay Yassi noong magkasama ang dalawang Kapuso artists sa isang event sa Enchanted Kingdom noon kaya hindi na sila stranger sa isa’t isa.

“Actually, feeling ko, parang sobrang matagal ko na siyang kakilala kasi sobrang pareho sila ng kilos ni Aljur, mapagalaw, mapasalita, kahit sa pagka-gentleman.

“And yun nga, nagkakilala na kami before.

“At saka fun kasi yung shoot namin sa Ocean Adventure [sa Subic], nakapag-swim pa kami kasama yung sea lion, na first time din naming ginawa.

“So, super-saya.”

Ano ang na-discover niya kay Vin sa pagsasama nila sa trabaho?

“Sobrang gaan na katrabaho ni Vin. Magaling ding umarte may mahuhugot ka sa kanya.”

ADMIRING TONI & SARAH. Mayroon bang local artist na parang ginagawa ni Yassi na peg pagdating sa kanyang career path?

Sagot niya, “Si Toni Gonzaga, all-around. Si Ate Sarah [Geronimo], all-around.

“Parang performer, ‘tapos actress na marunong ding mag-host, yung ganun.

“Kasi hindi ko rin alam na kaya ko palang mag-host until MTV, ‘tapos ang dami ko nang events na ginawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magiging product endorser na rin daw siya.

“Meron kaming gagawing isang brand coming this summer, bagong endorsement.

“It’s a new endorsement this April, hindi ko pa puwedeng sabihin, pero malalaman niyo rin.”

Sineseryoso na rin daw niya ang pagiging singer ngayon.

“Yung ‘Hush,’ first single ko featuring Nadine [Lustre], lumabas na.

“’Tapos yung album ko, lalabas din, self-titled siya under Viva Records.

“Wala pa kaming date pero tapos na akong mag-recording, so malapit na yung promo nun.”

Pero ano ang pinakamalapit sa puso niya—acting, singing o hosting?

“A, acting first tapos hosting, tapos singing and dancing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN