Sharon Cuneta commends Coco Martin’s work ethic: "Brilliant. Kind. Good to everyone."

by Arniel C. Serato
Apr 1, 2022
Sharon Cuneta praises Coco Martin's work ethics
Sharon Cuneta: "My Coco Martin has given me one of the best and happiest experiences not just of my career but also my life!"
PHOTO/S: Courtesy: @reallysharoncuneta on Instagram

Puring-puri ni Sharon Cuneta ang bida, writer, at direktor ng kinabinilangan niyang Kapamilya prime-time series, Ang Probinsyano, na si Coco Martin.

Iba raw talaga ang dedikasyon ni Coco sa trabaho nito.

Sa Instagram ngayong Biyernes, April 1, 2022, nagbahagi si Sharon ng larawan niya kasama si Coco kung saan mahigpit siyang yakap nito.

Ayon sa Megastar, si Coco ang nagbibigay ng labis-labis na kaligayahan sa kanyang karera at buhay ngayon.

“My Coco @cocomartin_ph has given me one of the best and happiest experiences not just of my career but also my life!

“I seriously love and respect this guy, now more than ever. Brilliant. Kind. Good to everyone.

“Does everything—directs, writes, acts—gives his all for our show and our loyal audience. I have nothing but respect for him.”

“Mi” daw ang tawag ni Coco sa kanya.

Nagbiro pa si Sharon na ipinanganak niya si Coco noong labindalawang taong gulang lamang siya.

Continue reading below ↓

“He calls me ‘Mi’—short for ‘Mommy!’ Pinanganak ko siya nung 12 ako. And I love being his inay!

“He gave me a new, genuine, loving family by bringing me into our show. And I will always be grateful for that!”

Ang ikinalulungkot daw ni Sharon ay paano kung matapos na ang show nila at hindi na maipagpapatuloy ang standard na sinimulan ni Coco sa pagtatrabaho.

Saad ng singer-actress, “Ang problema ko nga ngayon pano na pag natapos na ang show namin?

“How will anything else measure up to the standards Coco has set? Waaaaaahhh!!!

“Love you my handsome, smart, hardworking and loving son!”

Unang napanood si Sharon sa Ang Probinsyano noong huling lingo ng November 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta: "My Coco Martin has given me one of the best and happiest experiences not just of my career but also my life!"
PHOTO/S: Courtesy: @reallysharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results