Is Maja Salvador's Crown Artist Management open to collaborating with ABS-CBN?

by Melba R. Llanera
Apr 8, 2022
Maja Salvador
Maja Salvador on being part of Eat Bulaga!: "Sinong mag-aakala na acting-acting ka 'tapos biglang maghu-host ka pala ng isang noontime show?"
PHOTO/S: @maja on Instagram

Bukod sa pagiging talent manager, line producer na rin ngayon si Maja Salvador at ang Crown Artist Management (CAM).

Ang CAM ang magla-line produce ng gagawing sitcom ni Maja sa TV5, na mula sa konsepto ng boyfriend ni Maja at CAM chief executive officer na si Rambo Nuñez.

Naibahagi ito ni Maja sa naganap niyang media conference pagkatapos pumirmang muli ng per-project contract sa TV5 noong April 5, 2022 sa TV5 Media Center.

Read: Maja Salvador renews contract with TV5; gives teasers about upcoming projects

At dahil naumpisahan na rin ni Maja at ng CAM na maging line producer, natanong si Maja sa kanyang media conference kung may posibilidad na makipag-collaborate din ang CAM sa ABS-CBN.

Si Maja ay nagsimula bilang ABS-CBN talent noong 2013 hanggang sa tumanggap siya ng proyekto sa TV5 noong 2020.

Sabi ni Maja, mayroon talagang dapat gagawing collaboration ang ABS-CBN at ang CAM.

Kuwento niya, "Dapat before, pero ayun lang, hindi lang natuloy.

Continue reading below ↓

"Pero ang importante, okay ang relationship with all the networks, open.

"Siyempre, sa management namin, okay iyon para sa mga artists na hawak din namin."

March 2021 nang itatag ni Maja at ng kanyang team ang Crown Artist Management.

Ilan sa mga artistang hawak nila sa kasulukuyan ay sina Jasmine Curtis Smith, Miles Ocampo, at John Lloyd Cruz.

MAJA's EAT BULAGA! EXPERIENCE

Bukod sa kanyang teleseryeng Niña Niño na napapanood sa TV5, regular ding napapanood si Maja sa noontime show na Eat Bulaga!, na ipinapalabas sa GMA-7.

Masaya at labis ang pasasalamat ni Maja sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao ng Eat Bulaga! bilang bahagi ng Dabarkads, kasama na sina Vic Sotto at Joey de Leon.

Ani Maja, "Sobrang gaan nila. Parang ipinaramdam nila agad na Dabarkads agad, parang ganun.

"Welcome na welcome ka talaga, mapa-staff, bosses, yung mga Dabarkads na mga hosts, even sila Bossing [Vic], Boss Joey."

Continue reading below ↓

Si Maja ang naghu-host ng segment na "DC 2022." Ito na ang ikalawang edisyon ng kanyang segment matapos magtapos ang una noong 2021.

Bukod dito, naghu-host din si Maja ng "Bawal Judgmental" kaya nga nakabuo rin siya ng grupo kasama sina Maine Mendoza, MJ Lastimosa, at Miles Ocampo na tinatawag na "4Ms."

Patuloy ni Maja, "Hayan, pangalawang segment ko na ito with them, tapos naghu-host na rin tayo almost every day.

"Sinong mag-aakala na acting-acting ka 'tapos biglang maghu-host ka pala ng isang noontime show?"

IS MAJA SALVADOR GOING INTERNATIONAL?

Napag-usapan sa presscon proper ng mediacon ang balitang baka pasukin na rin ni Maja ang international scene.

Para naman kay Maja, naniniwala siyang mangyayari ang isang bagay kung nakatakda talaga itong mangyari.

Sabi niya, "Wala 'yan, kapag mangyayari, mangyayari. Ganun lang din iyan, kung mangyayari, mangyayari.

"Sa nangyayari kasi ngayon, siyempre because of social media, ang dali nang napapanood ng lahat, ang bilis na ng access sa lahat.

Continue reading below ↓

"Parang kahit sa anong bansa, makikita na nila ang trabaho mo. Alam na nila kung actor ka, actress, singer, dancer. Mag-check ka lang sa DM mo, may nag-i-inquire na pala sa iyo.

"Lahat ay puwedeng mangyari na di mo inaasahan. Kapag nangyari yun, lahat ay ia-announce natin kung totoo man."

Sa ngayon, ang alam lang daw ni Maja ay na-invite ang pelikula niyang Arisaka sa isang U.S. film festival.

Ang Arisaka, na nag-umpisang mapanood sa Netflix noong December 2021, ay idinirek ni Mikhail Red.

Napapanood din sa nasabing streaming platform ang TV5 teleserye ni Maja na Niña Niño.

"Feeling ko dahil may mga series and movies na tayo sa Netflix, I think kung di ako nagkakamali, si Arisaka kasi ay invited sa isang film festival sa U.S.

"Di ko lang alam yung exact details but nadaldal ko na naman, sorry Direk Mhik."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador on being part of Eat Bulaga!: "Sinong mag-aakala na acting-acting ka 'tapos biglang maghu-host ka pala ng isang noontime show?"
PHOTO/S: @maja on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results