Watch Now

Ai-Ai delas Alas grateful for playing Mamay in GMA-7 series, but misses hubby so dearly

by Rommel Gonzales
Apr 21, 2022
Ai-Ai delas Alas misses husband Gerald Sibayan
Ai-Ai delas Alas says LDR with husband Gerald Sibayan is hard. On INstagram, she writes, "Miss ko na sobra tong lalaki na ito...Tuwing kausap ko to parate ako nattawa (sa sobrang karakter niya) or naiiyak (sa sobrang miss pero wala kang choice)..."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram

Bida si Ai-Ai delas Alas sa upcoming GMA-7 serye na Raising Mamay.

Pero gaano katotoo na sa dinami-daming artista ng Kapuso network, pinauwi si Ai-Ai mula sa Amerika para pagbidahan ang bagong serye?

“Hindi naman, nagkataon lang," ang tila nahihiyang sagot ni Ai-Ai nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dugtong niya, "Actually last year, 2021, ko pa alam na meron akong teleserye na gagawin. But una, hindi ko alam na…. akala ko kasama lang ako.

“Hindi ko alam na isa pala ako sa bida. So nung nalaman ko na… kahit naman hindi ako bida, kukunin pa din ako. Kasi bukod sa meron pa akong kontrata sa GMA, ayoko naman na, alam mo yun, may blessing, e.

“Mahirap tumanggi sa blessing, di ba? Kasi alam ko na maraming artista na walang trabaho, 'tapos ako binibigyan ng trabaho. Parang nakaka-ano naman na tumanggi sa trabaho.

“Masarap yung madaming blessing, tatanggapin mo siyempre, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So iyon talaga yung dahilan nun. And talagang uuwi ako parati tuwing may project para sa akin ang GMA. Iyon talaga ang ipinangako ko sa sarili ko.”

Paano niya nakumbinsi ang mister niyang si Gerald Sibayan na payagan siyang umuwi sa Pilipinas?

Kuwento ni Ai-Ai, “Naku yun na nga! Dyusko, marami kaming luhang naubos bago ako umalis, maryosep! Totoo iyan. Mahirap talaga na hihiwalay ka muna dun sa asawa mo, mahirap. Mahirap mag-LDR, totoo iyan.

“Kaya kumbaga sa ano, uwing-uwi na ako. Pero siyempre blessing at saka gusto ko pa ring umaarte. Kasi sa totoo lang, ito lang naman din yung alam kong trabaho.

“Pag nasa Amerika ako, anong tatrabahuhin ko? Pag may mga show, concert, puwede. Pero pag yung wala namang concert, gumagawa ako ng pandesal, nagbe-bake ako.

“Pero kasi ito yung talagang totoong alam kong trabaho at ito yung naging tunay kong trabaho.”

ON NEW KAPUSO STARS AND RAISING MAMAY

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tungkol naman sa karakter niya sa Raising Mamay, ano ang pinakamahirap na eksenang ipinagawa sa kanya ni direk Don Michael Perez?

“Naku napakaraming mahirap,” at tumawa si Ai Ai.

“Kasi hindi lang emotional, physical din. Kasi minsan pag kunwari, sinasaktan ako ng kapatid ko, siyempre pag bata ka, hindi ba?

“So yung kilos mo, paano mo iaarte yun? Paano ka sasagot kahit paano as a bata, kunyari inaapi ka na, alam mo yung ganun?”

Si Ina Feleo ang gumaganap na kapatid ni Ai-Ai na umaapi-api sa kanya sa Raising Mamay.

Ano ang reaksiyon ni Ai-Ai sa mga artistang mula sa ibang istasyon at lumilipat sa GMA?

Ipinorma muna ni Ai-Ai ang kanyang mga kamay ng hugis-puso bago sumagot.

“Welcome, Kapuso!

“Siyempre welcome naman sila lahat dito kung sino yung kukunin ng GMA. Kasi di ba, I think lahat naman sila nakikita nila iyan, siyempre ng ating mga boss, nakikita ng ating mga executives kung sino talaga yung karapat-dapat nilang kuhanin na makakapagbigay din kumbaga ng kagandahan at kabuuan ng GMA para maging isang Kapuso."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam ng PEP.ph si Ai-Ai sa Zoom mediacon ng Raising Mamay na ipinatawag ng GMA nitong Linggo, April 10, 2022.

Bukod kina Ai-Ai at Ina ay nasa cast rin ng Raising Mamay sina Shayne Sava, Antonio Aquitania, Valerie Concepcion, Joyce Ching, Abdul Rahman, Raquel Pareño, at Gary Estrada.

Mapapanood na ang Raising Mamay simula sa Lunes, April 25, kapalit ng Little Princess sa GMA Afternoon Prime.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas says LDR with husband Gerald Sibayan is hard. On INstagram, she writes, "Miss ko na sobra tong lalaki na ito...Tuwing kausap ko to parate ako nattawa (sa sobrang karakter niya) or naiiyak (sa sobrang miss pero wala kang choice)..."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results