Maxene Magalona wants to impersonate late dad Francis M. in Your Face Sounds Familiar

Maxene Magalona on competing with other celebrities in Your Face Sounds Familiar: "It’s not just singing… kailangan yung galaw mo, it’s like the singer. Hindi puwedeng kamukha lang, kailangan the way he does it, even yung boses niya, kailangan mong gayahin. So, for me, ayokong isipin na lahat kami in competition, kasi iba-iba talaga ang kaya naming gawin. Kumbaga, challenge namin sa sarili namin."


Pinakamalaking hamon daw kay Maxene Magalona simula nang pasukin niya ang showbiz ang mapabilang sa walong celebrity contestants ng Your Face Sounds Familiar, ang bagong reality competition ng ABS-CBN na magsisimula nang umeere sa Sabado, March 14.

“I think this is the hardest and most difficult challenge kasi hindi naman talaga ako singer.

"E, hindi ako sanay mag-perform,” pahayag ni Maxene sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya noong March 5 sa Dolphy Theater.

Sa kabilang banda, ikinatutuwa rin daw niya ang pagkakasali niya sa show "kasi makakakuha kami ng mga tip," bukod pa raw sa training nila sa kamay ng professionals—sina Annie Quintos ng The Company at Georcelle Dapat-Sy ng G-Force.

Ani Maxene, “It’s something that I never thought magagawa ko.

"And now, I’m gonna get tips from them, mga professionals na only some people can dream of.

"So, it’s really a great opportunity.”


FRIENDLY COMPETITION. Maliban sa kanya at kay Melai Cantiveros, mga singers daw talaga ang anim pang celebrity contestants na sina Jolina Magdangal, Jay-R, Nyoy Volante, Karla Estrada, Tutti Caringal, at Edgar Allan Guzman.

Hindi siya natatakot?

Sagot ni Maxene, “In my case, may mga kantang hindi ko maabot, they’ll arrange it para maabot ko siya. Kasi kailangang gawin yun.

"At ito pa, it’s not just singing… kailangan yung galaw mo, it’s like the singer.

"Hindi puwedeng kamukha lang, kailangan the way he does it, even yung boses niya, kailangan mong gayahin.

“So, for me, ayokong isipin na lahat kami in competition, kasi iba-iba talaga ang kaya naming gawin.

"Kumbaga, challenge namin sa sarili namin.

"Ang iniisip ko, yung kalaban ko lang, ang sarili ko.

"Parang every week, iba ang gagawin ko at doon ako magpo-focus sa kaya kong gawin.

“And after kong mag-perform, mag-e-enjoy akong panoorin sila at ako, matutuwa talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They’re my friends and I wanna see how well they do.

"Parang lahat kami, we’re all cheering for each other."


COPYCATS. Pagalingan ng panggagaya ang punto ng show, at game naman daw si Maxene maski kinakabahan.

“Nakakatawa yung kuwento... alam mo yung excited ka?

"Lalo na ako, very bibo ako, gusto ko lang manggaya, go lang nang go.

"After a while, na-realize ko, 'Kaya ko ba talaga ‘to?'

“As in bigla kong pinanood yung mga nasa ibang bansa.

"Sabi ko, 'Oh, my gosh, hindi ko alam kung ano ang pinasok ko!'

"Pero sabi ko, kakayanin ‘yan.

"Enjoy naman ‘to. Talagang go, game ako!"

Kung may gusto man daw gayahin si Maxene, ito ay ang namayapa niyang ama na si Francis Magalona.

Bukod sa Master Rapper, sino pa ang gusto niyang i-impersonate?

“Siyempre gusto ko, Taylor Swift, Katy Perry, mga ganyan. Kasi ‘yan yung mga pa-cute-pa-cute.

"Sa lalaki naman, gusto ko, Eminem. Kasi gusto kong mag-rap.

"That’s another thing, I’ve never rapped on TV.

"Never ko pang nagagawa yun, so that’s something I’m looking forward to."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN