Gabby Eigenmann happy to be in two GMA shows airing simultaneously

Gabby Eigenmann plays a corrupt public official in Pari Koy, while he is a father of triplets in InstaDAD.


Masasabing masuwerte si Gabby Eigenmann dahil kaeere pa lamang ng primetime series na Pari Koy, kung saan siya ang kontrabida kay Dingdong Dantes, heto at eere na rin ang InstaDAD kung saan siya naman mismo ang bida.

Overlapping ang shows niya?

“No, no, ang InstaDAD kasi is a weekly show, every Sunday,” paliwanag ng Kapuso actor.

Pero sabay ngang eere?

“Oo... grabe, six times a week niyo akong mapapanood!” natawang sabi ni Gabby.


BIRTHDAY GIFT. Nagdiwang ng kanyang 37th birthday si Gabby noong March 2.

Maituturing daw ng Kapuso actor na birthday gift sa kanya ng GMA ang dalawang bago niyang shows.

Kung salbahe siya sa Pari Koy ay mabait naman siyang bida sa InstaDAD.

Hindi kaya malito ang mga tao na weeknights ay mapapanood siya bilang kontrabida at tuwing Linggo naman ay mabait siya?

Saad ni Gabby, “Mabait pa rin ako sa Pari Koy, kontrabida kasi nga corrupt politician, pero mabait ako sa kapwa-tao ko.

"Mabait, matulungin, pero yung paniniwala ko, money is everything.

"Siyempre si Dingdong… the Lord has to be the first, iyon ang magiging conflict namin."

Sa Pari Koy ay gaganap si Dingdong bilang si Father Kokoy at si Gabby naman bilang si Jude Banal.

Sa InstaDAD, siya naman ay si Kenneth, isang hot bachelor-chef na mababaligtad ang mundo nang malaman niyang ama siya ng triplets na babae.

Sabi ni Gabby, “Sana hindi sila ma-confuse kasi family-oriented naman yung sa InstaDAD.

"Pati rin ang Pari Koy, pero mostly real-life situation sa isang community."

Tinanong namin si Gabby kung sino ang ginaya niya sa role niya bilang isang corrupt official sa Pari Koy.

“Huwag na!” natawang pag-iwas ni Gabby.

“Madami pero… hindi, barangay captain lang naman ako, pero anak ng mayor 'ata o governor... parang mayor, e.”

Sa InstaDAD, ang gaganap na mga anak ni Gabby ay sina Gabbi Garcia bilang Marikit—boyish, adventurous at athletic na sobrang protective sa kanyang mga kapatid; Ash Ortega bilang si Mayumi—ang pinakamatanda sa tatlo, matalino, at mahinhin; at Jazz Ocampo bilang si Maaya—ang pinakakikay at fashionista sa kanilang tatlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakasama rin dito sina Matet de Leon bilang si Gracia, ang kapatid ni Des at tiya ng triplets; at Juancho Triviño bilang si Dwight, ang boyfriend ni Mayumi na isang varsity player.

Sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, mapapanood ang InstaDad tuwing Linggo pagkatapos ng Sunday All Stars simula sa Marso 22.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN