Watch Now

Gina Alajar on teen stars of Prima Donnas: "Kung nagiging problematic sila... makakarating sa akin."

by Rommel Gonzales
May 5, 2022
Gina Alajar, Prima Donnas
Gina Alajar (left) tells her "anak-anakan" to keep their feet on the ground: "Yung applause, yung sigawan, yung trending, yung likes sa ating mga posts, sa ating mga YouTube... sometimes it can be overwhelming. But I tell you don’t believe that. Because as you grow older, two or three years from now, people will scream at another personality, at another celebrity." Seen on the lower right photo are Althea Ablan, Sofia Pablo, Jillian Ward, and Elijah Alejo.
PHOTO/S: Screengrab from Nagbabagang Luha / Gina Alajar Instagram

Nagtapos man ang Prima Donnas Book 2 noong Sabado, April 30, 2022, siniguro ng direktor na si Gina Alajar na susubaybayan pa rin niya ang showbiz career ng kanyang mga anak-anakan sa show.

Una na rito ang Prima Donnas na sina Jillian Ward, Sofia Pablo, at Althea Ablan, pati na rin ang leading men ng mga ito na sina Will Ashley, Allen Ansay, at Bruce Roeland. Siyempre, kasama rin si Elijah Alejo.

Read: Who will Bruce Roeland, Will Ashley, Allen Ansay miss after Prima Donnas?

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gina sa virtual mediacon ng show noong April 26, 2022.

Mahihirapan ba siyang pakawalan ang mga batang cast member ng Prima Donnas na ina na ang turing sa kanya? Nalulungkot ba siyang makalipas ang tatlong taon ng Book 1 and 2 ng Prima Donnas ay magkakahiwalay na sila?

Sagot ng actress-director, "Yeah, oo. Actually, di ba, kaya sabi ko nga sana magkatotoo na may Book 3 because, you know, I still want to work naman with these kids pa rin, you know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"They’re still young and I know that marami pa akong puwedeng maituro sa kanila. But, kailangan na rin naman silang pakawalan to test the waters.

"Kahit na gusto kong dito pa lang sila sa akin, ine-nurture ko pa sila, pero kailangan na silang unti-unting pakawalan para merong mas matutunan pa sila sa kanilang mga career, sa kanilang craft.

"So, basta alam nila yun, alam nila, I’m watching them. Alam nila that I’m monitoring them. All of them, they know that."

Hindi raw palalampasin ni Gina sakaling may masagap siyang isyu sa isa man sa mga nahawakang young stars.

Bahagi raw ito ng malasakit niya sa mga ito.

"Alam nila na pinapanood ko sila, even in their Instagram posts, alam nila na mino-monitor ko yun. Alam nila na lagi kong nakikita yung mga posts nila dun.

"And sometimes I give comments, ganyan. Minsan they like it, minsan they don’t like it!" natatawang saad ni Gina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy niya, "And they know na makakarating sa akin yung mga bali-balita about them. You know, bilang nanay at direktor nila.

"But basically, they call me nanay. I’m their nanay on the set.

"So, alam nila na makakarating sa akin kung meron silang mga, alam mo yun, kapilyahan o kapilyuhang mga ginagawa sa ibang set, you know.

"Kung nagiging problematic sila, kung nagiging problema sila sa set, kung nagiging pasaway sila, yung ganun. Alam nilang makakarating sa akin."

HOT STORIES

direk gina's advice: "it's not all about you"

Naging bukas din si Direk Gina sa pagbibigay ng payo kina Jillian, Will, Althea, Bruce, Sofia, Allen, Vince, at Elijah.

Nagpaalala siyang hindi dapat maging diva sa produksiyon.

Dire-diretsong paliwanag ng actress-director: "Basta never stop learning. Never say to yourself na, 'Okay na ako dito, kampante na ako dito, alam ko na ito.'

"Lagi iyan, acting is 24/7, 24/7 education iyan. You never stop learning. You never rest on your laurels, you never get tired of learning. Kung gusto niyong dito pa. Kung gusto niyong tumagal sa business na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And most of all, yung ngayon sa tingin ko, ngayon secondary ang may talent, number one is dapat mahusay ang pakikisama mo sa lahat.

"You must be concerned about other people, not only yourself. Hindi ikaw ang laging sentro ng atensiyon. Hindi ikaw, it’s not all about you. They should remember that.

"It should be about people, it should be knowing kung ano yung mga needs or knowing kung papaano tumatakbo yung whole production.

"Na kung papapano ka makaka-contibute para mapagaan ang production. Hindi yung papaano ka aasikasuhin ng production.

"Para lang maging kumportable ka. It’s the other way around."

Ito raw ang sikreto para mas lalong sumikat ang isang artista.

"And siguro kapag natutunan nila iyan, kapag na-balance nila ang dalawang iyan, people will love them and that’s it! I mean, you will go a long way.

"Pero kung ngayon pa lang pasaway ka na and pabigat ka na sa production, I tell you, people talk, you know. People talk, madaling kumalat ang mga bali-balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And I hope walang magkaganun sa mga bata. I hope… disiplinado naman ang mga iyan, e. Dapat alam din nila sa sarili nila kung kailan sila nag-o-overboard."

Huwag din daw padadala sa kasikatan.

"Eto pa, sometimes, kids, yung applause, yung sigawan, yung trending, yung likes sa ating mga posts, sa ating mga YouTube, you know sometimes, it could be... yung sigawan ng fans, sometimes it can be overwhelming.

"But I tell you, don’t believe that. Don’t believe that. Because as you grow older, two or three years from now, people will scream at another personality, at another celebrity.

"Ganyan lang ang buhay, paikut-ikot lang ang buhay. Ngayon kayo ang sinisigawan, two, three years later, iba na, and you are in a different level. And then after three years, you’re in a different level, iba na naman ang nasa posisyon ninyo.

"Walang nakaka-stay sa isang posisyon forever. You have to grow. You have to adjust. And always put your feet on the ground. Yun lang. Marami nang artistang nagdaan, marami nang artistang nawala, sumikat at nawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Huwag niyong ilagay sa ulo ninyo yung sigawan at yung trending, huwag niyong ilagay sa ulo ninyo. Just be level-headed and be humble all the time. Yun lang."

Alam naman daw ni Direk Gina na puwede na talagang pakawalan ang young stars ng Prima Donnas.

"All these kids are level-headed. So I’m really looking forward to their successes. You know, all of them deserve a break," diin niya.

WILL HEAD OVER HEELS IN LOVE with jillian?

Kakatwa naman ang hirit ni Gina na waring panlalaglag sa usaping love life ng mga nakatrabahong teen stars sa Prima Donnas.

"Si Will, kung hindi lang in love iyan, naka-focus iyan. E, kaso na-in love!" natawang komento ni Direk Gina.

Sabay ulit niya, "E, kaso nai-in love so hindi nakaka-focus. Di ba, Jillian?"

Sina Will at Jillian ay magkatambal sa show, at base sa salita ni Direk Gina ay tila may pagtitinginan din off cam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So ngayon, siguro naka-focus siya ngayon dahil wala si Jillian dun sa ginawa niyang project, that’s why he’s very good," dagdag ni Direk Gina.

Ano naman ang masasabi niya sa ibang teen stars ng show?

"Si Bruce, magaling iyan! Nadirek ko iyan sa Magpakailanman. Nagulat ako sa kanya, 'Huy, ganyan ka pala. Marunong ka palang umiyak, marunong ka palang umarte!'

"I was really amazed! Nagulat ako diyan kaya lang kailangan lang niyang pag-aralan, alisin yung kanyang pagka-slang, yung kanyang accent."

Patuloy ni Direk Gina, "Si Allen Ansay, I’m betting on that guy, magaling, professional, alam niya kung ano ang pinasok niyang trabaho

"Si Elijah is a very good and intelligent actress, magaling, kailangan na masundan ng ibang proyekto.

"And sila Vince, of course, they all need a break, all these kids will go a long, long way."

Hindi na raw special mention ni Gina sina Jillian, Sofia, at Althea dahil may nakalinya nang mga big break sa showbiz ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gina Alajar (left) tells her "anak-anakan" to keep their feet on the ground: "Yung applause, yung sigawan, yung trending, yung likes sa ating mga posts, sa ating mga YouTube... sometimes it can be overwhelming. But I tell you don’t believe that. Because as you grow older, two or three years from now, people will scream at another personality, at another celebrity." Seen on the lower right photo are Althea Ablan, Sofia Pablo, Jillian Ward, and Elijah Alejo.
PHOTO/S: Screengrab from Nagbabagang Luha / Gina Alajar Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results