Mikee Quintos mum on lovelife but admits she's happily dating

by Rose Garcia
May 7, 2022
Mikee Quintos
Mikee Quintos keeps mum about her love life, but admits she's happily dating someone at the moment. She confirms, “Alam niyo naman po yata kung sino. But yes, I’m dating po ngayon. I’m enjoying and happily growing.”

Natatawa ang Kapuso star na si Mikee Quintos nang tanungin namin kung masaya ang lovelife niya ngayon.

“Opo, happy naman po ako,” natatawang pag-amin niya.

“Pero iwan muna po natin yun doon.”

Ilang araw pa lang ang nakakaraan mula noong umamin si Paul Salas na nasa "dating stage" sila ni Mikee. Tila hinayaan ni Mikee na si Paul ang maunang magsalita.

“Alam niyo naman po yata kung sino,” nakangiting sabi pa ni Mikee.

“But yes, I’m dating po ngayon. I’m enjoying and happily growing.”

MIKEE ALWAYS CRAVING FOR CHALLENGING ROLES

Masuwerte si Mikee dahil walang-duda ang tiwala sa kanya ng kanyang home network, ang GMA-7. Katulad ngayon, siya ang bida sa bagong serye na Apoy sa Langit.

Palagi siyang nabibigyan ng mga proyekto na talagang mahahasa siya sa iba’t ibang karakter, a aminado rin siyang natsa-challenge siya palagi dahil dito.

Ayon kay Mikee, “Yung pinaka-challenge po siguro, coming from Pepito [Manaloto] na naka-ten months din po kami, doon pa lang po sa script reading namin, napansin ko na po yun, yung pag-adjust, yung pag-aral sa boses ni Elsa.

Continue reading below ↓

"Di ba po sa Pepito, si Ate Mane [Manilyn Reynes] as Elsa, very mahinhin and being a young version of her sa role ko, kailangan kong ibahin ang natural voice ko na mababa.

“So yung habit ko of adjusting my voice, minsan sa start ng script reading, napansin din ni Direk Laurice [Guillen] na humihina ang boses ko, mahangin. Kaya kinailangan ko na yung trinabaho ko sa pagpunta roon, kinailangan kong tanggalin—isa pa yun.”

Sabi pa rin niya, “From the very beginning naman po, when I signed with the management, we talked about this na sabi ko, gusto ko yung natsa-challenge ako.

"Gusto ko yung maggu-grow ako in every project. May natutunan akong bago and ganoon naman po ang nararamdaman ko sa mga nakukuha kong mga roles, and I’m very happy about it na feeling ko, master class po talaga itong lock-in.”

MIKEE ADMITS TAPING STRUGGLES

Naging close rin daw sila ni Lianne Valentin dahil madalas daw silang nag-uusap sa mga characters nila.

Continue reading below ↓

Sabi pa niya, “Nag-e-enjoy naman po ako ngayon at sana, nagiging happy si Direk Laurice sa binibigay ko.

“Opo, may struggle. May mga eksenang nahihirapan din ako.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikee Quintos keeps mum about her love life, but admits she's happily dating someone at the moment. She confirms, “Alam niyo naman po yata kung sino. But yes, I’m dating po ngayon. I’m enjoying and happily growing.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results