Pinutol nga ba ni Mel Tiangco ang slogan ng GMA News and Public Affairs sa kanyang closing spiels?
Maraming netizens ang nakapansin na tila naputol yata ni Mel ang complete slogan ng GMA News na: “Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan, serbisyong totoo lamang.”
Tanghali ng Martes, May 10, 2022, isang netizen ang nag-upload ng screen recording mula sa Eleksyon 2022 special coverage ng Kapuso network kung saan nag-closing spiels ang tatlong anchors na sina Jessica Soho, Mel, at Mike Enriquez.
Bungad ni Jessica, “At iyan po ang special coverage ng GMA News and Public Affairs, maraming-maraming salamat po sa pagsama niyo sa aming pagbabantay mula paghahanda sa eleksyon hanggang botohan at unang bilangan."
Dugtong ni Mel, “Tuloy ang ating pagtutok sa mga update sa mga GMA newscast, sa… at ganun din sa radyo, online, at sa social media.”
Sinimulan naman ni Mike ang pagbibigay-pugay sa mga botante: “Isang pagbati po sa lahat ng mga naglaan ng kanilang tinig sa pamamagitan ng pagboto, at isang pagkilala sa anuman ang nararamdaman niyo sa mga sandaling ito.”
Binigyan naman ni Mel naman ng halaga ang mga guro, habang binanggit ni Jessica ang mga matagal na naghintay sa pila at botohan.
Sabi ni Mel, “Pagpupugay rin sa lahat ng mga guro sa kanilang dedikasyon at pasensiya.”
Dugtong ni Jessica, “Lalo na ho yung mga matiyagang naghintay para lamang makaboto. Mabuhay po kayong lahat.”
Isingit ni Mike, “Mga teacher kasama roon ano, hindi natulog!”
Patuloy ni Jessica, “Yes, lahat po ng mga tumulong para sa Eleksyon 2022, kasama na yung mga kasama dito sa GMA News and Public Affairs.”
Si Jessica na rin ang nagsimula sa usual parting message ng GMA News and Public Affairs: “Patuloy po ninyong maaasahan ang GMA News and Pubblic Affairs sa paghahatid ng serbisyong totoo na walang kinikilingan.”
Dugtong ni Mel: “…at walang pinoprotektahan.”
Maririnig naman si Mike na nagsasabi ng “at,” subalit itinuloy ni Mel ang pagpapakilala sa kanyang sarili na bahagi ng kanyang spiel: “Ako po si Mel Tiangco.”
Nang si Mike na ang magsasalita, nagsimula pa rin sa “at…” ang kanyang spiels, pero addressed na ito sa mga Kapuso viewers.
Nag-sorry rin siya kay Mel dahil muntik na niya itong ma-cut: “At mga Kapuso… Sorry, Mel.”
Saka sinabi ni Mike na hindi sa eleksyon nagtatapos ang pag-uulat nila tungkol sa mga kumandidato at mga nagwagi sa posisyon.
“Mga Kapuso, binantayan po natin ang kampanya, ang botohan, ang bilangan. Hindi pa tapos, babantayan po natin yung mga nanalo,
“Kayong mga nanalo, tandaan ninyo, magbabantay kami. Ako po si Mike Enriquez.”
Natapos ang special coverage program sa pagpapakilala ni Jessica.
WHERE IS "WALANG KASINUNGALINGAN" IN SERBISYONG TOTOO SPIELS?
Dito napansin ng netizens na tila kulang ang sinabi sa spiel dahil wala ang mga katagang “Walang Kasinungalingan” na kadalasa’y kadikit sa kabuuan ng Serbisyong Totoo campaign ng GMA News.
Una itong nai-upload sa Facebook ng netizen na si Ken Villaruel II.
Sinabi niya sa kanyang caption (published as is): “Ang tag line ng GMA News na pinaninindigan at sinasabuhay nila noon pa ay ‘Serbisyong totoo na walang kinikilingan, walang pinoprotektahan at walang kasinungalingan.’
“Pero may laman itong ginawa ni Ms. Mel Tiangco noong tinapos nila ang coverage ngayong Eleksyon 2022. Panoorin at kayo na ang humusga.”
Dugtong pa ni Ken sa comments section: “Supposedly di ba ‘walang kinikilingan, walang pinoprotektahan at walang kasinungalingan.’ Pero in-interrupt ni Mel si Mike bago nya sabihin yung line nya na ‘walang kasinungalingan.’”
Viral din sa Twitter ang nasabing clip, kung saan ini-upload ng user na si @SIMP4JIS00 ang kabuuan ng outro ng tatlong veteran GMA-7 reporters.
Saad ng Twitter user (published as is): "GMA's tagline since then is 'walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan, serbisyong totoo lamang'
"but then again, MEL TIANGCO CUT AND END THE TAGLINE 'walang kinikilingan at walang pinoprotektahan'
"thanks for standing firm, Ms. Mel."
Sa mas mahabang upload ng clip, dagdag ni @SIMP4JIS00, "in the longer video, we can clearly see how Ms. Mel Tiangco was trying her best to compose herself. she's mad mad"
Marami sa comments section ang nakapansin na parang na-cut ni Mel si Mike sa spiels.
May mga ilan ding nagsabing bakas kay Mel ang pagkadismaya.
Nag-ugat ang katanungan nang maging bukas si Mel sa kanyang disappointment sa mga aberya sa Vote Counting Machines (VCMs) sa araw ng eleksyon noong May 9, 2022
Dahil sa mga aberyang ito ay nagkaroon tuloy ng mahahabang pila at hintayan sa maraming presinto.
Sinabi ni Mel na dapat nag-test run na ang COMELEC ng mga machines bago ang araw ng eleksyon.
Sabi pa ni Mel, "Kanina pang umaga, VCM na ng VCM ng VCM ng VCM ng VCM ang mga problema.
"Bago tayo mag-eleksyon, em, nagkaroon iyan ng malawakang pag-eksamen diyan sa bawat VCM na iyan para maiwasan precisely itong mga ganitong mga kaganapan, para sa ikagaganda ng ating pagtingin o pagtiwala sa nagaganap na botohan.
"Ano daw ba ang kinulang at bakit hindi nakamit iyon?"
Dahil dito ay naging trending topic si Mel sa Twitter, at marami ang gumamit ng screenshot ng facial expression nito habang nagtatanong tungkol sa mga sirang VCM.
READ ALSO: Karen Davila, Mel Tiangco roast COMELEC officials over controversial voting cut-off, broken VCMs
Samantala, may isang netizen din na nag-point out na maaaring wala talaga sa spiels ni Mel ang katagang “walang kasinungalingan” at hindi naman niya sinadyang ma-cut si Mike.
Katulad kasi ng pagpapakilala ni Mel ay nagpakilala rin si Mike sa dulo ng kanyang linya.
Bukod pa rito, nag-sorry si Mike kay Mel at nagsimula rin talaga sa “at…” ang kanyang spiel.
Pero may mga naniniwalang hindi lang basta nakalimutan o tinanggal ang "Walang Kasinungalingan" spiel, at maaaring talagang sinadyang wala ito sa script o hindi binanggit ni Mel.
Sa 24 Oras naman kinagabihan ng May 10, buo na muling binanggit ni Mel at Mike ang tagline ng GMA News and Public Affairs sa pagsasara ng programa.
Wala namang nabanggit na kahit ano tungkol sa hindi pagkumpleto ng spiel ni Mel sa Eleksyon 2022 coverage ng pinakamalaking free-TV network ng bansa.