Will Dingdong Dantes and Marian Rivera allow Zia and Ziggy to guest on sitcom?

by Rommel Gonzales
May 14, 2022
Dingdong Dantes, wife Marian Rivera, and their kids Zia and Ziggy
Dingdong Dantes and Marian Rivera talk about the possibility of having their kids, Zia and Ziggy, guest on their sitcom Jose and Maria’s Bonggang Villa.
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram

Dahil family-oriented ang show na Jose and Maria’s Bonggang Villa ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes, may chance kaya na maging guest ang mga anak nilang sina Zia at Ziggy?

Nakangiting tugon ni Marian, “Puwede naman, dumadaan-daan lang.”

Sagot ni Dingdong, “Wala namang imposible. I mean, hindi pa, hindi namin napag-uusapan, thank you for bringing that up."

Sabi pa ng Kapuso Primetime King sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Dahil siguro diyan mapag-uusapan namin.”

Co-producers ng show ang AgostoDos Pictures, production outfit nina Dingdong at Marian, APT Entertainment Inc, at GMA-7.

Bilang mga producers, ano ang challenges na hindi nila nai-encounter bilang mga artista.

Pahayag ni Dingdong, “Well, bukod naman sa yung backend stuff 'tsaka yung admin stuff...Hindi na namin masyado iniisip yun kasi gusto naming naka-focus kami dito sa performance.

“Buung-buo naman yung aming partnership with APT, Triple A, saka GMA, kaya kumbaga alam namin na everything is already covered.

Continue reading below ↓

"So ayaw naming masyadong mag-worry doon. Bukod sa performance, siyempre, mahalaga rin dito yung creative inputs.

"Kasi siyempre minsan sa set may mga naiisp kayo, gustong madagdagan, 'tapos, ‘Direk Sweet, puwede ba ito?’

“Iyon yung part siguro na mas gusto naming tutukan imbes na yung backend stuff. So walang masyadong difference.”

Gaganap sa Jose and Maria’s Bongga Villa sina Marian bilang Maria Villa at Dingdong bilang Jose Villa na may-ari ng isang Bed & Breakfast establishment.

Tinanong naman namin si Marian kung sino ang dream guest niya sa kanilang show.

“Parang masaya ako na nandito yung cast, sila yung dream kong makasama talaga,” ang nakangiting wika ng Kapuso Primetime Queen.

Ang cast na tinutukoy ni Marian ay sina Johnny Revilla (bilang Lolo King); Shamaine Buencamino (bilang Mama Au); Pinky Amador (bilang Mommy Janice); Mike “Pekto” Nacua (bilang Sol Banayad); Benjie Paras (bilang Mr. Nero); Hershey Neri (bilang Marielou Cabangbang); Loujude Gonzalez (bilang Buboy); Jamir Zabarte (bilang Jae-Z) at Zonia Mejia (bilang Mae Cabangbang).

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Marian, “So siguro yung mga guest na magge-guest namin is bonus na lang yun kasi the mere fact na nabuo ang pamilya ng Bonggang Villa, sila talaga yung dream namin na makasama.”

Sa direksiyon ni John "Sweet" Lapus, mapapanood sa GMA-7 ang Jose and Maria’s Bonggang Villa simula, May 14, Sabado, 7:15 ng gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes and Marian Rivera talk about the possibility of having their kids, Zia and Ziggy, guest on their sitcom Jose and Maria’s Bonggang Villa.
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results