Thea Tolentino admits 'matigas ang ulo ko' when it comes to love

by Rommel Gonzales
May 21, 2022
Thea Tolentino
Thea Tolentino plays the lead role in Magpakailanman episode "When My Daughter Falls In Love," which is airing on May 21, 2022.
PHOTO/S: @theatolentino on Instagram; PR

Isa na namang fresh episode ng Magpakailanman ang mapapanood ngayong Sabado, May 21, 8:15 p.m. sa GMA.

May pamagat na "When My Daughter Falls In Love," pagbibidahan ito ni Thea Tolentino at leading man naman niya si Martin del Rosario.

Tampok rin sa naturang episode sina Mike Agassi, Maila Gumila, Anjay Anson, at Kim Perez.

Ang naturang Magpakailanman episode ay sa direksyon ni Rechie del Carmen, sa panulat ni Benson Logronio, at sa pananaliksik ni Stanley Pabilona.

Dahil tungkol sa pagmamahal ang episode, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Thea, hanggang saan ang kaya niyang gawin sa ngalan ng pag-ibig?

Sagot ng akres, “Ipaglalaban ko hanggang sa alam kong tama pa.

“Medyo may pagkatigas din ang ulo ko when it comes to accepting opinions ng parents ko.

"Pero I make sure na I reflect on it on my own at kapag narealize kong mali ako, binababa ko ang pride ko.”

Continue reading below ↓

Ekslusibong na-interview ng PEP.ph ( Philippine Entertainment Portal) si Thea via email nitong May 20, 2022.

Kumusta katrabaho si Martin?

Sabi ng 25-year-old star, “It’s always fun working with Martin. Isa si Martin sa mga magagaling na aktor. Napakagaan niya katrabaho at sobrang bait niya.”

Ano ang feeling ni Thea kapag nagge-guest siya sa Magpakailanman? Pang-ilan na niya ito?

“Hindi ko na maalala kung pang-ilang guesting ko na ito sa MPK, pero lagi akong natutuwa na mag-guest sa MPK dahil kuwento ng mga totoong tao ang ikinikuwento namin, at it’s an honor to tell their stories through our craft.”

Thea Tolentino and Martin del Rosario in Magpakailanman

Continue reading below ↓

Sino pa ang artistang hindi pa nakakatrabaho ni Thea ang nais niyang makatrabaho at bakit?

“Si Glaiza de Castro dahil napakahusay niyang aktres at napakabait. Isa din siya sa kilala sa bida-kontrabida roles at sigurado akong marami akong matutunan sa kanya.”

Fifteen years old si Thea nung sumali siya sa second season ng Protege, ang talent search ng GMA-7. Ten years na siya as a Kapuso, at malaki ang pasasalamat niya sa kanyang network.

“GMA ang nagbigay sa akin ng maraming opportunity. Ang laki ng pasasalamat ko sa network dahil ang laki ng tiwala nila sa akin sa mga shows na binibigay nila sa akin.

"Mahal ko rin ang mga tao sa loob ng GMA dahil talagang naalagaan nila ako.”

Isa ring Sparkle artist si Thea, sa palagay niya ay ano ang nakita ng Sparkle management sa kanya para kunin siya bilang isa sa mga artists?

“Siguro dahil nakikitaan nila ako ng potential at matagal na rin ako sa kanila, so may napatunayan naman na ako with my skills.”

Continue reading below ↓

May dream role ba si Thea? Ano at bakit?

“Dream role ko na magkaron ng character na nagsasalita in Japanese dahil dream ko na makapag-taping ulit sa Japan or anything Japan-related dahil lumaki akong nahilig sa Japanese culture.

"Nag-aaral din kasi ako ng Nihongo at gusto kong i-challenge ang sarili ko na maka-arte na iba ang language.”

Bukod sa Magpakailanman ay mapapanood rin si Thea sa upcoming series ng GMA na Lolong at sa Fil-Am movie na Take Me To Banaue na mula sa Carpe Diem Pictures, isang independent movie production na based sa U.S.

Tampok rin sa Take Me To Banaue sina Maureen Wroblewitz (bilang Grace), ang American actors na sina Brandon Melo (bilang Hank) at Dylan Rogers (bilang Jordan), at sina Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa (bilang Paloma) at ang Kapuso comedian-TV host na si Boobay (bilang Rocky).

Ang director/producer ng pelikula ay si Danny Aguilar, isang Filipino-American na naka-base sa Dallas, Texas, sa USA; ito ang kanyang directorial debut.

Continue reading below ↓

Si Danny rin ang sumulat ng screenplay ng Take Me To Banaue katuwang si Jason Rogers.

Line-produced ni Monch Bravante, ang setting ng kabuuan ng pelikula ay sa Baguio City at sa Banaue, Ifugao.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thea Tolentino plays the lead role in Magpakailanman episode "When My Daughter Falls In Love," which is airing on May 21, 2022.
PHOTO/S: @theatolentino on Instagram; PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results