Michael V asked if work attitude affected decision on Bubble Gang's cast changes

by Rose Garcia
May 21, 2022
Michael V Bubble Gang
Michael V on Bubble Gang's cast changes: "Yung mga decision na ganyan, it’s always an executive decision."
PHOTO/S: @bubblegang on Instagram

Isang all-new Bubble Gang ang mapapanood simula May 27, 2022.

Ang longest running gag show sa telebisyon ay may bagong segments, bagong cast members, at bagong timeslot na 9:40 p.m.

Nadagdag sa show sina Dasuri Choi, Tuesday Vargas, Faith Da Silva, at Kim de Leon, kapalit ng mga dating cast members na sina Lovely Abella, Antonio Aquitania, Arra San Agustin, Denise Barbacena, Mikoy Morales, Myka Flores, at Ashley Rivera.

Bahagi pa rin ng cast sina Chariz Solomon, Betong Sumaya, Sef Cadayona, Valeen Montenegro, Archie Alemania, Analyn Barro, Faye Lorenzo, Kokoy de Santos, at Paolo Contis.

Si Diego Llorico ay mananatiling associate producer pa rin.

Siyempre, hindi mawawala si Michael V, na maituturing na haligi ng Bubble Gang.

Hindi maikakaila na nagiging malapit sa kanya ang halos lahat ng nakakasama niya sa show. Pero natural na raw talaga sa industriya at kahit anong programa na may nawawala at may pumapalit na bago.

Continue reading below ↓

“Siyempre, palaging may kirot kapag may cast member na nagpaalam or nawawala,” pag-amin niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

“Pero ano naman, lahat naman ng pumasok dito sa industriya or dito sa show, alam naman ang kalakaran ng show business.

“Palaging may panahon na nandito ka sa show na ito, minsan wala.”

At saka niya sinabing kahit siya rin naman daw, hindi rin masasabing “exempted” dito.

“Even myself, hindi rin naman ako abswelto. Kahit ako, puwedeng mawala dito sa show na ito,” saad niya.

Pero sinabi namin kay Bitoy na parang hindi namin ma-imagine na wala siya sa Bubble Gang.

“Ako, kaya ko,” natawang sagot niya.

Baka kapag nawala siya, wala na rin Bubble Gang?

“Hindi naman, hindi naman siguro,” sabi niya.

“I wouldn’t say that. That’s the reason why there’s these people ngayon na kasama natin, na gagawa na rin ng kanya-kanyang mga contents at kanya-kanyang contribution.

Continue reading below ↓

“Yun ang isa sa matitinding dahilan, pinanghahawakan naming dahilan kung bakit nandirito sila, kung bakit may bagong cast, kung bakit wala na yung iba.”

ON LETTING GO OF CAST MEMBERS

Para kay Bitoy, hindi naman daw nangangahulugan na tapos na ang lahat, lalo na sa mga nawalang dating cast members.

Aniya, “Hindi naman katapusan ng lahat para ro’n sa mga cast na nawala na rito. Palaging may paraan para makabalik sila.

“It’s not just up to the network, it’s actually up to them kung babalik sila o hindi.”

May koneksiyon ba ang character o work attitude ng isang cast member para manatili ito o matanggal.

“Yung mga decision na ganyan, it’s always an executive decision. So management palagi ang nagde-decide kung sino ang mag-stay, kung sino ang ile-let go.

"So as much as I can always make suggestions, ang end decision palagi nasa management.”

finding creative inspiration for the show

Halos 27 years na rin ang Bubble Gang, bilang isa sa mga original cast member at maituturing na isa sa mga creative geniuses sa likod ng show, hindi ba siya nauubusan ng idea?

Continue reading below ↓

Lalo na ngayon na dumagdag na ang video-streaming platforms sa pinapanood ng mga tao.

Sagot ni Bitoy, “Unang-una as before, yung pagpasok namin sa daigdig ng sitcom at comedy show, yung Bubble Gang, ang palaging requirement, maging aware sa nangyayari sa paligid.

“As long as you can keep up with the time and as long as you’re getting the tools correctly, I think hindi talaga mauubusan.

“And personally, kahit naman maubusan ako, parati naman na nandiriyan ang creative teams. Nandiyan ang director, nandiyan ang ibang artista.

"So kagaya ng palagi kong sinasabi sa mga interviews, ang Bubble Gang is not pertaining sa cast lang or gang. It pertains to everyone dito sa show. Lahat parte ng pagiging gang ng Bubble Gang.”

Ngayong katatapos lang ng eleksiyon, magkakaroon ng bagong administrasyon sa bansa.

Kilala ang Bubble Gang na nag-i-impersonate, nag-i-spoof ng mga kilalang personalidad sa mundo ng pulitika.

Patuloy pa rin ba nila itong gagawin?

Continue reading below ↓

“Definitely, definitely,” saad niya.

“Hangga’t hindi binubusalan yung karapatan. Hangga’t di binubusalan ang karapatan ng mga shows para mag-express, I’m pretty sure makakapanood kayo ng mga sketches, mga gags, satire regarding the government and otherwise.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael V on Bubble Gang's cast changes: "Yung mga decision na ganyan, it’s always an executive decision."
PHOTO/S: @bubblegang on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results