GMA-7 soap "Mga Mata ni Anghelita" to be shown in Mexico


The rights to Mga Mata ni Anghelita, the GMA-7 soap opera that starred Krystal Reyes (in photo), was reportedly bought by Televisa, Mexico's largest network which also brought Marimar starring Thalia to the Philippines.


Kung naibenta ng Televisa—ang Mexican network na siyang may gawa ng original Marimar starring Thalia—ang rights ng Marimar sa GMA-7, nabalitaan naming binili naman ng Televisa ang telecast right ng isang Kapuso soap, ang Mga Mata ni Anghelita.

Inaayos na lang ang kasunduang magaganap between Televisa and the original creator of the radio show turned primetime soap of GMA-7 na si Ricardo Feliciano, but we heard all systems go na for its telecast sa Mexico.

Binili ang Mga Mata ni Anghelita dahil sa isang important factor—its religious theme. Historically, napakalaki ng ugnayang Philippines at Mexico dahil ito ang dalawa sa mga naunang bansang nasakop ng Spain in the 16th century kaya halos magkapareho ang religious practices and traditions ng mga Pilipino at Mexicano.

Hinahanap na raw ang lahat ng raw materials ng nasabing soap—all 70 episodes of it—para malapatan ng tamang subtitling at Mexican dubbing pati na rin sa additional special effects.

Mga Mata ni Anghelita began its telecast in GMA-7 primetime block last July 2007 as part of the Kapuso network's 57th anniversary offering.

It starred Krystal Reyes in the title role together with Sheryl Cruz, Carmina Villarroel, Ms. Celia Rodriguez , Tonton Gutierrez, Paolo Contis, Isabel Oli, and Marvin Agustin as the Guardian Angel Gabriel. May special participation din si Lucy Torres-Gomez as the Virgin Mary. This was under the direction of Khryss Adalia and Gil Tejada.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN