Jak Roberto talks about MPK role; says mini-series with Klea Pineda is favorite project

by Rommel Gonzales
May 28, 2022
Jak Roberto in Bilyar episode of Magpakailanman
In the "Batang Kampeon sa Bilyaran" episode of Magpakailanman, Jak Roberto plays Johann Gonzales Chua, a gold medalist at the billiards event of 31st SEA Games.
PHOTO/S: PR

Bida si Jak Roberto sa fresh episode ng Magpakailanman ngayong Sabado, May 28, 2022.

Sa episode na pinamagatang "Batang Kampeon sa Bilyaran," gaganap si Jak bilang si Johann Gonzales Chua, ang gold medalist ng bansa sa larangan ng bilyar sa 31st SEA Games.

Bago lumabas ang episode, nakipagkuwentuhan muna si Jak sa fans sa "Kapuso Kuwentuhan Live with Jak Roberto," isang live session na ginanap sa Facebook page ng Magpakailanman noong May 26.

Dito ay sinagot ni Jak ang mga tanong na ipinadala ng netizens at fans sa comments section.

Heto ang ilan sa 15 (bilang din ng bola sa bilyar) questions na sinagot ni Jak.

JAK's PREPARATIONS FOR MMK EPISODE

Nang pasukin niya ang mundo ng bilyar para sa episode na ito, naisip ni Jak ang Bolera, ang bagong GMA-7 teleserye kung saan kasama niya sina Kylie Padilla at Rayver Cruz.

Magsisimula ang Bolera sa Lunes ng gabi, May 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Jak, “Nung ginagawa namin itong Magpakailanman, sabi ko, ganito pala yung ginagawa nila Kylie 'tsaka nila Rayver dun sa Bolera.

“And nakaka-enjoy siyang gawin ha, feeling mo talaga pro ka, e!"

Paglalarawan pa ni Jak, “Meron ka pang gloves, kapag suot mo na yung gloves para ka talagang legit na billiard player, e. 'Tapos pagka hawak mo na yung tako, 'tapos in character ka na, feeling mo talaga champion ka."

Dahil dito, nakahiligan na ni Jak ang billiards.

“Sobrang nakaka-challenge na laro kasi ang hirap ng preparasyon.

“Pagkatapos mo ng pocketing, halimbawa na-shoot mo yung number na ine-aim mo, kailangan mong mag-prep para sa kasunod. And siyempre may kanya-kanyang tamang tira yung bawat bola, e.

“Basta interesting siya. Pag na-master mo siya, ang sarap niyang gawin. Pag matagal mo na siyang ginagawa, magiging simple na lang sa iyo yung laro.”

JAK on johann's life story

Makakasama ni Jak sina Denise Barbacena, Dilek Montemayor, William Lorenzo, at Shamaine Buencamino.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaganap na mga magulang ni Jak sa kuwento sina Shamaine at William.

“Si Dilek Montemayor yung parang future girlfriend ko dito and yung past ko dito si Denise Barbacena.

“Iyon, maraming-maraming itinakbo yung istorya, kumbaga, sana panoorin niyo,” pag-anyaya ni Jak.

MPK episode Bilyar features the life story of Johann Gonzales Chua, who is played by Jak Roberto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naramdaman din daw ni Jak ang bigat ng kuwento ng buhay ni Johann.

Aniya, “Ang sarap talagang maglaro, e, ang sarap gawin nung istorya. And siyempre nung Magpakailanman, maraming heavy na mangyayari sa buhay ni Johann dito.

“Ang istorya kasi ng episode na ito is tungkol ito sa bago maging champion si Coach Johann Chua. Kumbaga yung struggle niya before niya makamit yung kinatatayuan niya ngayon, maraming struggle na pinagdaanan.

“Na hindi siya umasa sa mga magulang niya, and iyon yung naging pundasyon niya para maging magaling na billiard player.

"So nakaka-inspire yung istorya, na may mga, siyempre, mga struggle along the way bago niya maabot yung pangarap niya na yun.

“Yung struggle niya sa family, sa girlfriend, siyempre financial, sa umpisa naman hindi daw ganun kalaki ang kinikita sa pagbibilyar. So ipinakita namin iyon dun.

“And yung relationship sa family, relationship niya sa father niya, relationship niya sa mother niya, and yung mga struggle niya sa laban, siyempre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman lagi panalo, minsan talo.

“Pero iyon, so nakaka-excite itong episode namin na ito.”

JAK's LOVE SCENE WITH DENISE

Samantala, puring-puri ni Jak ang mga veteran stars na kasama niya, sina Shamaine at William, ganun din kay Denise, na kasama rin niya sa Bubble Gang.

May love scene sila ni Denise, at tinanong niya muna ang dalaga kung magiging kumportable ito.

Oo naman daw, sagot ni Denise, at naitawid naman nila ang eksena sa tulong na rin ng direktor nilang si Neal del Rosario.

Ano ang aral na matututunan sa Magpakailanman episode?

“Alam niyo yung pag nag-set kayo ng goal sa isip niyo, yung huwag niyo lang siyang tigilan.

"Darating yung panahon na makakamit at makakamit mo rin yang pangarap mong yan.”

FAVORITE PROJECT

Tanong din ng fans, ano ang favorite project ni Jak sa GMA so far?

“Ako, yung 'Never Say Goodbye.' Kasi dun talaga ako nasubukan, e, na parang, una kabadung-kabado ako kasi nung binasa ko yung script, sobrang heavy!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na pakiramdam ko kinakabahan ako kung mapu-pull off ko ba lahat nung mabibigat na eksena o hindi."

Ang afternoon mini-series para sa drama anthology ng GMA-7 na Stories From The Heart ay umere mula October 18 hanggang November 26, 2021.

Sa pagpapatuloy ni Jak, "Sa mga hindi nakapanood guys, tungkol kasi siya sa breast cancer. Yung patient dun si Klea Pineda.

“Meron siyang breast cancer 'tapos ako yung boyfriend niya, one true love niya na nangibang bansa 'tapos bumalik.

“Anyway, napakabigat kasi ng mga eksena dun, na akala ko hindi ko kayang mag-heavy drama, akala ko hindi maitatawid yung mga eksena.”

May mga pagkakataon daw na magkatabi lamang ang dalawang location ni Jak sa taping. Pagkatapos niyang umiyak sa isang location, lilipat siya sa kabila, magbibihis lamang at muling sasabak sa mga iyakang eksena.

“Nung naitawid ko yun, sabi ko, 'Grabe, kaya ko palang mag-drama, kaya ko palang maging Kapuso drama leading man!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So after nun, sinabi ko sa manager ko na ang gusto kong mga role, heavy drama, lalo na pag nagma-Magpakailanman ako.

"Talagang sinasabi ko ito sa lahat ng staff ng Magpakailanman and sa lahat ng mga nakasama ko diyan since 2015, kapag nagma-Magpakailanman talaga ako, talagang heavy drama, talagang acting piece.

”And after nun, napakasarap kasi sa pakiramdam na na-pull off mo yung character. 'Tapos confident ka sa sarili mo, na nagawa mo naman yung character mo, yung eksena, yung istorya na pull-off mo. 'Tapos nakaka-receive ka ng mga magagandang komento, parang ang sarap sa pakiramdam, e!

“And dun ko siya na-enjoy na sobra. Pati yung pagiging collaborative ng mga director na nakakatrabaho ko, pakikipag-collab sa co-actor, yung mga batuhan ng lines, ang sarap gawin, e.

“Alam mo yung process niyo sa set bago kayo mag-take, yung ganun yung ginagawa niyo, and na-enjoy ko siya.”

SHOWBIZ FRIENDSHIPS

Isa rin ito sa mga tanong: sino ang pinakamalalapit na kaibigan ni Jak sa showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Jak, “Si Paul Salas 'tsaka si Kristoffer Martin. Iyang dalawang iyan talaga, solid iyang mga brother ko na iyan.

"Nung birthday ko, sila lang yung inimbita ko. Kasi siyempre limited din naman yung ano, hindi puwedeng maraming tao, bawal pa yung mass gathering. Kumbaga parang pinapayagan na ang celebration, pero konti lang na tao.”

Nakasama ni Jak si Paul sa Kara Mia na fantaserye nila ni Barbie noong 2019, at nagtuluy-tuloy ang kanilang pagkakaibigan.

“Then after nun, nung natapos na yung show, hindi siya taping friend na hindi na magme-message, e. Nangungulit pa rin iyan na maglaro ng basketball, ngayon nga nag-i-invite na magbisikleta. E, wala naman akong bisikleta.

“After nung show namin, nagkikita pa rin kami hanggang sa nabuo yung friendship. Kami rin yung nagme-message-an ng mga personal problem, mga kung paano makakatawid sa pandemic, mga ganun.

“Nasusubukan talaga natin yung mga bagay-bagay sa mga kaibigan natin nung nag-pandemic.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In the "Batang Kampeon sa Bilyaran" episode of Magpakailanman, Jak Roberto plays Johann Gonzales Chua, a gold medalist at the billiards event of 31st SEA Games.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results