Anton Nolasco's icebreaker with Queen Semana: "Mabaho ba hininga ko?"

by Jerry Olea
May 31, 2022
Anton Nolasco, Queen Semana
Anton Nolasco on working with Queen Semana: "Sabi nga po namin kay Direk Chris at saka kay Direk Joel na talagang maganda yung photo shoot na nangyari sa amin. Kasi, mas naging open po kaming dalawa sa isa’t isa."
PHOTO/S: Anton Nolasco Facebook / @queensemana Instagram

Overwhelmed sina Queen Semana at Anton Nolasco nang mapiling bida sa three-part digital series na "Ming [heart] Tomas," na fictionalized origin story ng all-around sarsa na Mang Tomas.

Si Anton ay commercial model at indie actor, habang si Queen Semana ay commercial model at aspiring actress.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Queen Semana at Anton noong Huwebes, Mayo 26, 2022.

"It is very overwhelming and humbling experience talaga siya" sambit ni Queen.

"And napakasarap magtrabaho kasama siyempre si Anton, sina Direk Chris Cahilig at Joel Ferrer."

Bulalas ni Anton, "Hindi ko po in-expect na ako pala yung Mang Tomas! Sinabi lang ni Direk Chris, magpasa daw ako ng video.

"Kasi, kinabukasan na yata, approval na siya. Sabi ko, 'Direk, hindi ko mapapasa ngayong hapon na ito, baka sa gabi na.' Tapos sabi niya, 'Pasa ka na!'

"Tapos after that, pinasa ko kay Direk, magpi-feedback daw siya. Tapos okay na sa kanya. Pinasa niya sa client.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi niya sa akin, magsu-shoot na kinabukasan. Saka niya ako sinabihan na approved na ako. Kaya nagulat ako na ako pala [yung lead male character].

"E, sabi ko, 'Lord, big brand siya, hindi ko expect na…' Siguro, ito na yung project na inaantay namin ni Queen.

"Kasi, sa sobrang dami ng project na aming sinasamahan at the same time, challenging siya.

"Kasi, from theater, from commercial, ang laki kong gumalaw. Sabi ko nga kay Direk Joel, 'Let’s collab, Direk. Kasi, medyo malaki na ako, nasanay na ako na gumalaw na malaki.'

"Kaya sabi ko... I will give 100 percent. We will give 100 percent, sabi din ni Queen sa akin, for this project. Kaya sobrang tuwang-tuwa kami nung makuha namin yung role na Tomas saka si Ming."

READ: Queen Semana, bakit napili kaysa kaysa premyadong aktres na maging modelo ng sarsa?

ICE-BREAKER ON THE SET

First time magtambal nina Queen at Anton sa nasabing web series na kinunan gamit ang cellphone. Mayo 1, Labor Day, sila nag-first shooting day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Queen, "Before nung shoot talaga namin ng video, nagkasama kami sa photo shoot for the poster. Dun kami first time nag-meet ni Anton.

"And sabi namin, buti na lang talaga, nagkaroon kami ng photo shoot. Kasi, dun namin winork yung chemistry namin.

"So, dun kami nag-usap. Dun kami nagkaroon ng sharing ng mga commonalities. Di ba, Anton?"

Pag-ayon ni Anton, "Unang-unang eksena, magkadikit kami agad. Sabi ko, parang awkward. Tinanong ko agad sa kanya, 'Mabaho ba ang hininga ko?' Ha! Ha! Ha! Dun po kami mas nag-jive!"

Napabungisngis si Queen sa alaala ng taping nila.

Nagpatuloy si Anton sa pagsasalaysay, "Nagtawanan na kami. From that 'Mabaho ba ang hininga ko?' dun na kami nag-open up sa isa’t isa. Dun po yung chemistry na pumasok.

"Sabi nga po namin kay Direk Chris at saka kay Direk Joel na talagang maganda yung photo shoot na nangyari sa amin. Kasi, mas naging open po kaming dalawa sa isa’t isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON GAINING ATTENTION ONLINE

Umabot na sa 780K views ang first episode ng series na in-upload noong Mayo 8 sa YouTube channel ng NutriAsia. Ang second (162K views) at third episode (98K views) ay parehong nitong Mayo 25 naman ipinost.

"Yes, grabe! Na-shock talaga ako! Pero yung feeling talaga is very fulfilling siya," mabining wika ni Queen.

"Kasi, yung pagod during the shoot... Kasi kami nina Direk, talagang push talaga! Okay, hundred percent! Talagang, 'Do your best all the time!' Ayan…

"So, talagang nakakakaba siya. Kasi, hindi namin alam kung paano siya mabubuo. Or kung paano siya lalabas, o kung ano ang kalalabasan niya.

"But then yun nga, siyempre tiwala naman kami kina Direk Chris at Direk Joel na talagang when it goes out, boom talaga siya! Kaya ayan, fulfilling at napakasaya when it aired out."

Nagpakumbaba si Anton, "Siguro sa akin, hindi ako nag-expect na magiging ganun yung views niya. Akala ko nga, walang manonood sa mukha ko na ‘to, e! Ha! Ha! Ha! Ha! May nanood pala sa mukha ko na ‘to! Ha! Ha! Ha! Ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos nung nakita ko ang views, sabi ko, 'Ay! May naka-relate pala!' At may nagandahan sa story na ginawa namin. Kasi, ako, hindi ako nag-expect.

"Pero siguro yung passion na nilagay namin dito sa story at sa shoot namin, sa pagtatrabaho namin nina Direk Chris at Direk Joel, hindi namin in-expect ni Queen na magbu-boom yung story [ng lead male character] saka yung passion, saka yung puso na ibinigay namin sa trabaho namin.

"Eto yun. Nagbunga rin pala. Nagbubunga pala talaga lahat ng work and passion na binibigay mo sa trabaho."

QUEEN SEMANA AND ANTON ON THEIR RELATABLE CHARACTERS

Ang vision ni Direk Joel kay Ming ay isang magandang dalaga na salat sa vanity, at ine-enjoy ang pagkain. Walang keber si Ming kung ma-turn off man ang mga lalaki sa pagiging ganado niya.

Hanggang sa dumating sa buhay niya ang binatang si Tomas na kagaya niya ay ganado. Serendipity!

Paano naka-relate sina Queen at Anton sa karakter nina Ming at Tomas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ni Queen, "Sa akin po, yung relationship ko with my dad. The same na the same po. So, yun ang highly relatable sa akin.

"Actually, my relationship with my parents is very warm. Tapos, kalog lang. Very fun. Sabihin na nating walang wall when it comes to our bonding with each other.

"And so nagamit ko yun dun sa karakter ko. And napakasayang katrabaho rin ni Sir Raymond nung nag-work kami together."

Ang tinukoy ni Queen Semana na Sir Raymond ay si Raymond Gorospe na gumanap na tatay niya sa digital series.

Pagmumuwestra ni Anton, "Si Tomas kasi, simple. Simple, determinado saka nangangarap. Parang ganun din po kasi si Anton.

"Simple lang kahit anong marating sa buhay. Simple, nangangarap at pursigido ako. Hindi lang po sa work, e. Pati po pagdating sa family.

"Si Tomas kasi, very jolly pero sa loob niya po, malalim siya. Pursigido, yun po. Dun po ako naka-relate sa story namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Looking forward sina Direk Joel at Direk Chris, maging sina Queen at Anton, kung saan pa pupunta ang love story nina Ming at Tomas!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anton Nolasco on working with Queen Semana: "Sabi nga po namin kay Direk Chris at saka kay Direk Joel na talagang maganda yung photo shoot na nangyari sa amin. Kasi, mas naging open po kaming dalawa sa isa’t isa."
PHOTO/S: Anton Nolasco Facebook / @queensemana Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results