Gabby Eigenmann becomes InstaDAD to three teenagers in GMA's new weekly series

Gabby Eigenmann on being the lead star of InstaDAD: "Even if I’m there, the title says na InstaDAD at ako yun, hindi ko puwedeng dalhin na mag-isa. We have to work as a team."


Marami ang naku-curious kung paano naging InstaDad si Gabby Eigenmann sa bago niyang weekly series sa GMA Network na magsisimula nang mapanood sa April.

Anak ba niya rito ang teen stars na sina Ash Ortega, Jazz Ocampo, at Gabbi Garcia o bigla na lang iniwan ang mga ito sa kanya?

Naniniwala si Gabby na maraming matutunan ang mga magulang, lalo na ang mga “daddy,” sa bago nilang programa.

“Ang takbo ng istorya, ita-tackle on how to become a parent, instantly, sa kanila.

"Actually, lumapit sila sa akin, yung triplets.

"Noong una, gusto ko lang silang kilalanin, pero nagkataon na gusto rin pala nilang tumira sa akin.

“Medyo nagalit si Matet [de Leon] sa akin kasi siya ang nagpalaki.

"So, noong una silang tumira sa akin, sumama si Matet."

Sa totoong buhay, isa ring "insta dad" si Gabby dahil may dalawang anak na ang misis niyang si Apples Arrizabal-Eigenmann sa aktor na si Joko Diaz nang maging sila.

May dalawang sariling anak na rin sina Gabby at Apples.

“Yes, hindi naman ganoon kalayo ang ipinagkaiba nito sa totoong buhay,” sambit niya.


ALL EIGENMANN. Hindi raw naging dahilan ang pagkakaroon na ng anak ni Apples para hindi matuloy ang relasyon nila.

Tatlong taon daw noon ang panganay ni Apples at isang taon naman ang bunso nito.

Sabi ni Gabby, “When I came into their lives, wala pa talaga silang muwang.”

Teenagers na raw ang mga ito nang malaman nila ang katotohanang hindi si Gabby ang kanilang tunay na ama.

Sabi ng Kapuso actor, “I decided to adopt them, e.

"Ngayon, Eigenmann na sila. Legally adopted sila."

Wala rin naman daw nagbago kahit nalaman ng dalawa ang totoo.

“Wala, walang pagbabago.

“Siguro dahil lang sa tamang pagpapalaki namin.

"Especially with me, hindi ko ipinaramdam sa kanila na iba sila sa ibang kapatid nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually for us, we don’t talk about it.

"There’s no difference. Nothing to talk about it. We’re one family.”


TRAVELLING FAMILY. Bukod sa pagiging magaling na aktor, may isa pang katangian si Gabby na masasabing kapuri-puri.

Ito ay ang pagiging mabuting asawa niya at, higit sa lahat, ama ng apat nilang anak.

Nakangiting sabi naman ni Gabby, “I work for my family.

“All the things that have been happening to me, all the opportunities, hindi ‘to sa akin, para sa family ko.

“Yes, I enjoy working hard because we, as a family, we enjoy playing a lot.

"We love to travel, e. Yun ang palagi naming ine-aim.

"May bagong show, may bagong project, may bago tayong bansang pupuntahan.

“Parang ganun, there’s something to look forward to.”


HANDLING TEENERS. Sa dami na ng mga karakter na ginampanan ni Gabby, 'tulad ng pagbabalik-kontrabida niya sa Pari ‘Koy, may challenge pa ba sa kanya ang pagiging ama ng tatlong dalagita sa InstaDAD?

Sagot niya, “Meron naman, kasi 'tulad ngayon, I’m tackling three teenagers.

"Gusto kong malaman ng viewers, as much as we can, yung tamang pagpapalaki at kung paano iga-guide, lalo na yung buhay ng teenagers.

“Kasi as the story progresses, nandiyang lumalabas ang isyu about magkaka-boyfriend.

"Tumatakas, nagsisinungaling, teenage pregnancy.

"We’ll never know, lalo na yung generation ngayon, mahilig sa social media.

“Lalo na kapag [ang school] exclusive for boys, exclusive for girls, kapag nagkita-kita ‘yan.

"Ang hormones niyan… doon sila hayok na hayok na makakita, kaya isa yun sa ita-tackle ng show na ‘to.

“Kagaya niyan, sa totoong buhay, I have a daughter who’s gonna have a grad ball na this March.

"Nagpaplano na sila na after ng grad ball, may party, inuman.

"Nandiyan na yung nagiging overprotective ako.”


PHYSICAL DIFFERENCE. Sa isang banda, hindi ba mahirap sa kanya na magkaiba ang karakter niya sa dalawang serye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Pari 'Koy, may unpleasant side ang role niya. Sa InstaDAD, isa siyang chef na "yummy" ang dating.

Paano ang pisikal na hitsura niya?

Sabi ni Gabby, “Makikita niyo, makikita niyo ang difference.

"Sa Pari 'Koy naman, malinis din tingnan.

"Hindi naman porke’t sinabing corrupt, e, madumi ka nang tingnan.

"Puwede rin naman yung front mo, malinis, pero ang gawain mo, e, marumi.”

May pressure ba sa na siya ang magdadala ng InstaDAD dahil halos lahat ng kasama niya rito ay mga baguhan?

“Ay, hindi ako nagpapadala sa ganun.

"Kaya kina-cast ang bawat artista, we work as a team.

"Kung may mailalagay man na isa diyan na nakakaangat sa iba, hindi basehan yun na siya ang magdadala.

“So, even if I’m there, the title says na InstaDAD at ako yun, hindi ko puwedeng dalhin na mag-isa. We have to work as a team.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN