Benjamin Alves admits heavy role in Artikulo 247 is "nakakapagod"

by Rommel Gonzales
Jun 3, 2022
Benjamin Alves
Benjamin Alves on his role in Artikulo 247: "It was nice to play it, playing it as an actor for the character, nag-enjoy ako, but then, when I’m watching it as a viewer, nakakapagod siya."
PHOTO/S: Artikulo 247 (GMA-7)

Maraming leading-man roles nang nagawa si Benjamin Alves, pero kakaiba para sa kanya ang karakter niya bilang si Noah sa GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247.

Aminado siyang mabigat ang karakter, pero makatotohanan niyang nagampanan ang buong pagkatao ni Noah.

Ani Benjamin, “Okay naman siya, masaya yung ganun. Masaya yung nabibigyan ka ng… yung matsa-challenge mo yung sarili mo na maghanap ng ibang range.

“Ako, kahit pinapanood ko siya, ambigat, e, sobrang bigat,” at natawa si Benjamin.

Depressing kasi ang maraming moments ni Benjamin bilang si Noah sa Artikulo 247. Isa sa mga nakakalungkot na naganap sa kanya sa serye ay ang mamatayan ng fiancée.

“But it was nice to play it, playing it as an actor for the character, nag-enjoy ako, but then, when I’m watching it as a viewer, nakakapagod siya.

“But then again, wala naman akong magagawa, iyon talaga yung kailangan for that moment, for the character, pero nakakapagod siya,” at muling natawa ang Kapuso hunk.

Continue reading below ↓

Pero sa ngayon, naka-detach na rin naman daw si Benjamin sa kanyang karakter lalo na’t matagal na silang natapos mag-taping.

“Character-wise, nabitawan ko na siya the last day na nag-taping kami para makagalaw na ako sa real world.

“But yeah, surprising kasi parang ang bilis talaga ng panahon, na matatapos na kami.

“Pero masaya siya kasi, at least, this time, napapanood namin yung produkto namin, nasusubaybayan namin, nakakapag-react kami.

“Kaysa before that, minsan finale week, nagte-taping ka pa rin. Hindi ka nakakapasok sa moment na finale ka, at least ngayon, nae-enjoy namin, as a viewer.”

Naikuwento ito ni Benjamin nang mag-guest siya sa PEP Live kasama si Mark Herras noong May 24, 2022.

Magtatapos na ang Artikulo 247 ngayong hapon, June 3, kung saan kasama ni Benjamin sina Rhian Ramos, Mark Herras, Mike Tan, at Kris Bernal.

WORKING AGAIN WITH MARK HERRAS

Samantala, napag-usapan din sa PEP Live ang nabuong pagkakaibigan nila ng mga katrabahong sina Mark Herras at Mike Tan.

Continue reading below ↓

Ito ang ikalawag pagkakataong nakatrabaho ni Benjamin si Mark. Ang una ay noong 2013 sa panghapong teleseryeng Unforgettable.

Sa tanong kay Benjamin kung paano niya ide-describe si Mark in one word, ang sagot ni Benjamin ay “respect”.

Paliwanag niya, “Sobrang taas ng respect level ko kay Mark. Mataas ang respeto ko kay Mark.

“Parang second soap ko pa lang nagkatrabaho na kami 'tapos it’s been nine years na since then.

"Iba na yung pinag-uusapan namin now… huwag na nating pag-usapan yung pinag-uusapan namin then,” at tumawa si Benjamin.

“Basta may substance yung pinag-uusapan namin ngayon. I enjoy talking to him now.

"Äng liwanag kapag kausap mo si Mark at alam mo yung path niya ngayon, may pinupuntahan na napakahalaga.

“Mas maganda yung pinag-uusapan namin ngayon, mas may saysay.”

FROM VINCE SALDANA TO BENJAMIN ALVES

Unang nakilala sa screen name na Vince Saldaña noong 2008, ang unang exposure ni Benjamin sa showbiz ay ang pagiging finalist niya sa season two ng reality model-search competition na Close Up to Fame.

Continue reading below ↓

Kahit na una siyang sumabak sa pagmomodelo, inasahan ba ni Benjamin na magiging artista siya?

Sagot ni Benjamin, “Well kasi during that time, yung panahon na yun, iyon yung way to become a, to get into showbiz.

“Wala naman noon na Tiktok or YouTube or yung magse-self enterprise ka na gagawa ka ng sarili mong branding.

“Dati, talagang mag-VTR ka. 'Tapos you’re hoping na one commercial gets noticed by the networks, and then iyon yun, iyon yung magiging trajectory dati, e.

“I don’t know if it’s the same now, pero dati kasi ganun, e.

“So yeah, I’ve always wanted to be… iyon naman yung goal ng pagmo-modeling, e, or pagko-commercial modeling, to hopefully get enough and get noticed somehow.

“So I don’t regret any of that, yung four, five years na growing pains na yun because it makes me enjoy what I have now even more,” ang nakangiting pahayag pa ni Benjamin.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Benjamin Alves on his role in Artikulo 247: "It was nice to play it, playing it as an actor for the character, nag-enjoy ako, but then, when I’m watching it as a viewer, nakakapagod siya."
PHOTO/S: Artikulo 247 (GMA-7)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results