Kelvin Miranda reveals watching this ABS-CBN show for role in GMA-7 sitcom Tols

by Rose Garcia
Jun 7, 2022
Kelvin  Miranda Tols
Kelvin Miranda, who is set to headline GMA-7 sitcom Tols, admits to watching an ABS-CBN show as part of his preparations for the comedy project.
PHOTO/S: @iamkelvinmiranda on Instagram

Si Kelvin Miranda ang sinasabing bandera ng bagong GMA-7 sitcom na Tols, na inspired by the 1990s sitcom Palibhasa Lalake, ayon sa director ng show na si Monti Parungao.

Kasama niya rito sina Shaun Salvador at Abdul Rahman.

Saad ni Kelvin nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Tols kahapon, June 6, 2022, sa Novotel, “Ang masasabi ko lang po, siyempre, malaking karangalan po sa akin iyon na binibigyan ako ng label na ako ang bandera."

Sa kanilang tatlong "Tols," si Kelvin ang may napatunayan na sa mga programang ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso network.

Sabi ng aktor, “Pero, inaalay ko rin naman po yun para sa mga kasama ko. Hindi ko rin naman po yun magagawa o mapupunta sa katayuan ngayon kung hindi rin dahil sa suporta nila, tiwala namin sa isa’t-isa.”

Inamin ni Kelvin na noong sinisimulan pa lang daw nila ang taping ng Tols, nakaramdam daw siya ng anxiety dahil hindi siya sanay na nagpapatawa.

Aniya, “Sa totoo lang po, kabado po ako noong simula. Na-a-anxiety ako dahil hindi talaga ako komedyante.

“Pero kailangan kong magtiwala, kailangan kong mag-explore dahil ibinigay ang blessing na ito sa akin. Kailangan kong mag-push through, wala nang balikan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagsabi kay Kelvin na noong nag-uumpisa ang Palibhasa Lalake ay hindi rin naman komedyante si Richard Gomez, na siyang inspiration ng role ni Kelvin sa Tols.

Sagot naman ni Kelvin, “Pero, yung chemistry po kasi nila [nandoon]. Napapanood ko kasi siya.

"Actually, bago ako makatulog, habang nagdi-dinner kami. Kapag wala kaming ginagawa, pinapanood ko po siya."

Hindi pa raw siya ipinapanganak noong umeere ang Palibasa Lalake. Ipinalabas ito sa ABS-CBN simula ng taong 1987 hanggang 1998.

Ipinanganak naman si Kelvin ng January 8, 1999.

“Hindi pa po ako buhay, pero binabalikan ko po siya sa YouTube or kunsaan man na puwede ko siyang mapanood.

“Wala po akong idea sa sitcom, wala po,” may diin pang sabi niya.

Kuwento pa ni Kelvin, nahalata raw ni Rufa Mae Quinto na hindi raw talaga sila mga komedyante.

Si Rufa Mae ang maituturing beterana na sa cast ng sitcom, at gumaganap siya bilang nanay ng triplets na Tols.

May pagkakataon bang tila sinita sila ni Rufa Mae?

“Wala naman po,” saad niya.

“Sa katunayan, e, kapag may hindi kami kumportableng nararamdaman kapag nagti-take kami, like ako, personally, inaamin ko kay Direk at sa mga co-actors ko.

“Lalo na kay Direk, sinasabi ko na parang hindi nagwo-work for me. Baka naman puwede nating baguhin nang konti kung paano ko siya made-deliver nang tama, mas confident, mas fluent, mas madulas para maintindihan ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Collaboration naman po talaga ang lahat—sitcom, drama, comedy para mag-work sa lahat ng aspeto. Yun lang po, nagiging transparent naman po ako everytime na may ganoong pangyayari.”

Dugtong pa niya, “Wala pa naman pong nangyari kay Ms. Rufa na sinabihan niya po kami.”

Ang Tols ay produced by GMA Networks at Merlion, at mapapanood sa GTV simula sa June 25, 2022.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelvin Miranda, who is set to headline GMA-7 sitcom Tols, admits to watching an ABS-CBN show as part of his preparations for the comedy project.
PHOTO/S: @iamkelvinmiranda on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results