Eric Quizon assures Pasion de Amor is worth the wait

Ipinaliwanag ng direktor na si Eric Quizon kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin umeere ang Pasion de Amor. Pero sabi niya tungkol sa kanyang bagong proyekto, "As a director, I’m very proud with my work. At natutuwa rin ako, nagustuhan ng management."


"Sexy, daring, and provocative" kung ilarawan ni Eric Quizon ang bagong teleseryeng idinidirek niya sa ABS-CBN, ang Pasion de Amor.

Bida rito sina Jake Cuenca, Ejay Falcon, Arci Muñoz, Ellen Adarna, at Coleen Garcia.

Ipinagmamalaki ni Eric ang bago niyang proyektong ito.

“As a director, I’m very proud with my work.

"At natutuwa rin ako, nagustuhan ng management.

"Nakaka-three weeks na kami at mag-uumpisa na kami ng fourth week.

"Medyo marami na kaming bago.”

Tentative daw na ngayong summer ang pilot airing ng Pasion de Amor.

Ipinaliwanag din ni Direk Eric kung bakit kahit noong isang taon pa sinimulang gawin ang teleserye, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipalalabas.

“Originally, November [2014] kami.

"Since hindi namin ma-produce ang pilot ng November, ibinigay sa Two Wives.

"Ang daming nagpalit-palit ng artista namin. May nabuntis, may tumaba, may ibinigay sa iba.

“'Tapos, ang nangyari, noong nag-decide kung sino ang mga artista, may mga schedules pa.

"Tinambay kami sa March. Kaso, may nauna na sa Pasion… ang Bridges of Love at Nathaniel, kaya sa kanila muna ibibigay.

“Ngayon, I decided na ipapalabas kami sa hapon, kaso maganda ang production values namin.

"Hintay ng primetime, huwag daw ipilit ng hapon.

"Gusto nila sa gabi kami. E, sexy pa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Eric noong Martes, March 10, sa Victorino’s restaurant.


NO PRESSURE. Kamakailan lang ay nabalitang nag-break na si Ellen Adarna at ang non-showbiz boyfriend nito. Hindi ba ito naging problema sa set?

Ayon kay Eric, “So far, so good, wala pang problema sa mga artista ko.

"So far, maganda ang nagiging relasyon ng grupo.

"So far, walang pressure pa dahil hindi pa kami pinapalabas, e.

“So, naging maganda ang bond ng mga artista, staff, lumalabas kami.

"We go out. May bonding time kami... kumakain sa labas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpaplano kaming mag-badminton. May mga ganung bonding ang grupo, which is good.”

Kumusta naman ang adjustment ni Arci na bagong salta sa ABS-CBN?

Sabi ni Eric tungkol sa dating Kapuso at Kapatid actress, “She’s a good actress and I’ve worked with her in a couple of projects.

"Arci is one girl na puwede mong ipantapat sa mahusay... mahusay talaga yung bata.

"Hindi pa lang talaga nabibigyan ng magandang break. Although, nabigyan siya ng break ng TV5.

“But like I’ve said, si Arci, acting-wise, puwede mong ipantapat kahit na kanino.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN