Mike Tan stars with Dennis Trillo in Magpakailanman episode about the life and death of one of the Fallen 44

Mike Tan will play Dennis Trillo's brother in the “Ang Mamatay Nang Dahil Sa Iyo: The PO2 Ephraim ‘Bok’ Mejia Story” episode of Magpakailanman to be aired this Saturday, March 14.


Kasama si Mike Tan sa episode ng GMA drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado, March 14, na pinamagatang “Ang Mamatay Nang Dahil Sa Iyo: The PO2 Ephraim ‘Bok’ Mejia Story.”

Napapanahon ang episode na ito dahil tatalakayin nito ang buhay ng isa sa mga nasawing miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) o Fallen 44.

Si Dennis Trillo ang gaganap bilang PO2 Mejia.

Kasama rin sa cast sina Rhian Ramos, Lovely Rivero, Melissa Mendez, Mike Lloren, Vincent Magbanua, at Byron Ortile.

Ano ang role ni Mike dito?

“Ako si Macoy, ang sundalo na kapatid ni PO2 Ephraim ‘Bok’ Mejia na isa sa mga PNP-SAF na napaslang sa Mamasapano, Maguindanao.”

Nahirapan ba siya sa mga eksena niya?

Sagot ng Kapuso actor, “Siguro doon lang sa unang eksena kung saan kinailangan kong magtransisyon mula sa pagbibinata hanggang sa pagtanda.”

Paano naka-relate si Mike sa role niya?

“Ang nakalagay sa script, ako ang clown ng pamilya at close na close ko ang kapatid ko na ginagampanan ni Dennis Trillo.

“Malayo sa totoong karakter ko yung role ko dito. At wala rin akong kapatid na lalaki.

“Kinailangan kong bumuo ng bagong persona dito.”

Paano niya ito pinaghandaan?

Pag-amin ni Mike, “Wala masyadong naging paghahanda dahil nasabi sa akin itong trabaho isang araw bago ang taping.

“Kagaya lang naman ito ng iba kong naging trabaho na dapat laging handa akong tanggapin at gampanan kung ano man ang hinihiling ng script.”

Marami raw silang mga eksena na magkasama ni Dennis.

Pang-ilang beses na niyang nakatrabaho si Dennis? Nahirapan o na-challenge ba siya na kaeksena ang isang magaling na artistang tulad ni Dennis?

Ayon kay Mike, “Naging guest ako sa Hiram Na Alaala kaya pangalawang beses na itong Magpakailanman.

“Madaling kaeksena si Dennis.

“Ramdam mo agad yung role niya, na pagkasigaw ng direktor ng ‘Action!’, si Dennis yung tipong pag-take na, nagta-transform at nagiging kapatid mo talaga sa puntong ‘yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN