Watch Now

Jo Berry on losing dad, brother, lolo to COVID-19: "Pina-process ko pa rin..."

by Rommel Gonzales
Jun 17, 2022
Jo Berry in Little Princess
Jo Berry in an emotional scene for her GMA-7 series "Little Princess."
PHOTO/S: @thejoberry on Instagram

Maituturing na "daddy's girl" ang role na gagampanan ni Jo Berry sa bagong episode ng Magpakailanman.

Si Jo Berry at Dagul ang bida sa Magpakailanman episode na pinamagatang "Ang Dakila Kong Ama: The Dagul and Jkhriez Pastrana Story," na mapapanood sa Sabado, June 18, 2022.

Jo Berry and Dagul in Magpakailanman

“Ang character ko po ay si Jkhriez, ang bunsong anak ni Tito Romy [Dagul]. Nakaka-relate po ako sa pagiging malapit niya sa papa niya kasi ako rin po ay very close sa papa ko,” sabi ni Jo sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via email noong June 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga pagkakapareho at pagkakaiba si Jo sa kanyang karakter na si Jkhriez.

Aniya, “Pareho po kaming bunsong anak at nakamana ng dwarfism mula sa aming mga ama.

"Sa pagkakaiba naman po, much stronger yung personality ko than my character sa show.”

Jo Berry plays daughter of Dagul in Magpakailanman

First time naman ni Jo na makatrabaho si Dagul, na kung tawagin niya ay "Tito Romy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa ng aktres, "Masaya po ako na makatrabaho siya kasi nakita ko po na hindi lang siya pang-comedy, kaya rin niya magdrama.

"Mabait din po siya sa akin, pati yung mga anak niya. Nagpakuwento po ako sa kanya about sa naging career niya.”

"very special" guesting on magpakailanman

Matatandaang unang nag-guest si Jo sa Magpakailanman (MPK) noong 2016 sa "My Little Wife" episode, kung saan itinapok ang love story ni Teddy Fernandez at ng asawang si Lorna, isang little person.

Malaki ang pasasalamat ni Jo sa MPK, “Very special po para sa akin ang guesting na ito kasi dito po ako na-discover.

"MPK po ang unang naniwala sa akin na kaya ko umarte.

"Kaya napakasaya ko po na na-invite ulit akong mag guest sa show na ito.”

Willing ba si Jo na ipalabas sa MPK ang kuwento ng kanyang makulay na buhay?

“Yes naman po, siguro pag tama na yung panahon at kaya ko na. He!he!he!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naging maganda ang personal na buhay ni Jo nitong 2021 dahil sa pagpanaw ng kanyang ama na si Perry Berry Sr., kapatid, at lolo dahil sa COVID-19.

Sabi ng Kapuso actress, “Hindi ko pa rin po masasabi na nalampasan ko na. Day by day po ay pina-process ko pa rin lahat ng nangyari.

"Pinipili ko lang po na magpatuloy sa buhay kasi alam ko na iyon din ang gusto nilang gawin ko.”

Ano ang mga naging realizations o aral na kanyang natutunan sa mga nangyari?

“Natutunan ko po na mabilis lang talaga ang buhay, na puwedeng mawala yung mga taong mahal mo sa isang iglap lang.

"Kaya dapat pahalagahan ang bawat segundo na meron tayo with them sa mundong ito, at dapat iparamdam natin yung pagmamahal natin sa kanila parati.”

grateful to gma-7

Naiibsan ang kanyang lungkot dahil abala siya at maganda ang takbo ng kanyang career. Kahit may pandemic ay tuluy-tuloy ang trabaho ni Jo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Nagpapasalamat po ako na meron akong trabaho dahil alam ko naman po na hindi lahat nabibigyan ng ganitong oportunidad, lalo na sa panahon ngayon.”

Lahat ng shows ni Jo ay mataas ang rating, tulad ng huli niyang GMA-7 series na Little Princess.

Ano ang reaksiyon niya sa mga nagsasabing isa siya sa mga prized possessions ng Kapuso network?

“Very grateful po ako sa tiwala at pagmamahal na walang sawang binibigay sa akin ng GMA.

"Kaya sa tuwing binibigyan po ako ng project ay binibigay ko po lahat ng kaya ko para maging maganda yung kalalabasan.

"Thankful din po ako na nagugustuhan ng mga tao lahat ng mga ginagawa ko.”

At dahil isa siya sa busiest stars ng GMA-7, masasabing little princess ang estado ni Jo maging sa network . Ano ang masasabi niya tungkol dito?

“Malapit po sa puso ko yung Little Princess, kinikilig po ako every time iyon ang tawag sa akin. Habang buhay na po na nasa puso ko yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, bukod kina Jo at Dagul ay mapapanood sa "Ang Dakila Kong Ama: The Dagul and Jkhriez Pastrana Story" sina Kim de Leon, Julius Miguel, Dentrix Ponce, at Lovely Rivero.

Ang episode ay sa pananaliksik ni Angel Launo, sa panulat ni Vienuel Ello at sa direksyon ni Mark dela Cruz. Mapapanood ito sa Sabado, June 18, 8:15 p.m.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jo Berry in an emotional scene for her GMA-7 series "Little Princess."
PHOTO/S: @thejoberry on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results