Betong Sumaya is in four ongoing GMA shows

Seriously, Betong Sumaya is thankful for the projects as he is the breadwinner of his family, "Ako po kasi ang panganay, e.”


Tuwing Martes lamang walang taping ang komedyanteng si Betong Sumaya.

Apat kasi ang shows niya ngayon sa GMA Network: Once Upon A Kiss, Bubble Gang, Ang Pinaka, at ang latest na Sabado Badoo.

Mapapanood na ang Sabado Badoo ngayong Sabado, March 14, bago ang Pepito Manaloto.

Compilation ito ng mga sari-saring klase ng videos na sumikat at pinag-usapan o maaaring nakalimutan na ng tao kaya babalikan ng mga host na sina Betong at Sef Cadayona.

Orihinal na konsepto ng GMA ang Sabado Badoo at hindi franchise mula sa ibang bansa.

Paminsan-minsan ay nasa Sunday All Stars din si Betong as guest performer.

Bakit marami siyang shows?

Tumatawang sagot ni Betong, “Mura po kasi ako, e! Very affordable po.”

Dahil sa dami ng trabaho niya, natanong tuloy si Betong kung saan niya dinadala ang kanyang mga kinikita.

“Naku, madami po akong… ako po kasi ang panganay, e,” sagot ng Kapuso comedian.

May binabayaran pa rin daw siyang condo unit ngayon bukod sa mga sinusuportahan niya.

“Madami po, mga kamag-anak at mga kaibigan po.

“Yung family ko po kasi, siyempre ako po breadwinner, e.”

Panganay sa tatlong magkakapatid si Betong.

Marami ba siyang “bread”?

“Mga Gardenia po!” tawa niya.

Isa rin daw sa nais niyang gawin ay ang makabili ng sarili niyang kotse.

Ang milyon na napanalunan niya noon sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown bilang Sole Survivor ay ipinambayad daw niya ng mga utang.

“Opo, ang dami naming utang, hindi naman kami mayaman.”

Matapos niyang magbayad ng mga utang, ang natira ay ipinang-down niya sa condo na hinuhulugan niya hanggang ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN