Kean Cipriano thankful for being cast in Inday Bote: "Kasi kapag primetime, ibig sabihin, you feel relevant."

One thing about Alex Gonzaga that stands out in the mind of Kean Cipriano: "We talk a lot and ang kagandahan diyan, si Cath [Alex] ay napapatahimik niya ako, e."


Thankful daw si Kean Cipriano sa opportunity na ibinigay sa kanya ng Kapamilya network na mapabilang sa cast ng Inday Bote.

Si Alex Gonzaga ang leading lady nina Kean at Matteo Guidicelli sa teleserye na ito na magsisimulang mapanood sa Lunes, March 16.

Sabi ni Kean, “Oo naman, flattered ako.

"Kasi kapag primetime, ibig sabihin nito, you feel relevant.

"Alam mong maraming taong nanonood and they gonna see you.

“Kaya I just wanna thank them for giving me this opportunity [to] enhance and mold my acting…

"Ibang experience kasi ito, kasi teleserye ito, e, at iba siya sa pelikula.

“Nakausap ko nga yung direktor at ang dami kong natututunan talaga na iba pala talaga yung TV."


RESPECT FOR ALEX. Hinggil kay Alex, sinabi ni Kean na nandoon ang respeto niya sa younger sister ni Toni Gonzaga at enjoy raw siyang katrabaho ito.

“Sobra-sobra iyong respeto ko kay Alex. Malaki ang respeto ko kay Alex.

"Kasi bukod sa magaling siya sa ginagawa niya, maayos siyang tao, maayos siyang kausap, maayos siyang katrabaho, maayos siyang kaibigan.

“Iyong may respeto and I’m sure na may kasama na rin iyon na, ‘Oy, magkaibigan tayo, magkasama tayo dito!’

“Kasi kapag kasama ko siya, mayroon [kaming] dynamics at feeling ko, iyong rhythm naming dalawa ay nagdya-jive together.

“Iyon siguro ang nagpapasaya sa lahat, kasi pareho kaming makulit, e.

"We talk a lot and ang kagandahan diyan, si Cath [Alex] ay napapatahimik niya ako, e.

“She has her own way to make you turn around and listen to what she says.

"Iyong pakiramdaman mo na when she talks, everybody listens.

"Iyong sense of humor naming dalawa ay parehas, dahil magkapareho rin kami ng wavelength."

Nabanggit pa niyang espesyal si Alex sa lahat ng kanyang nakapareha.

“Ever since kasi, naging part ako ng journey niya.

"Nagkatrabaho kami as a loveteam at nasaksihan ko iyong pag-grow niya as a person and as an artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s kinda fulfilling pala na maging part ka ng success ng isang tao that means so much to you,” saad ni Kean.


DESERVING. Ano ang masasabi niya sa biggest break na ito ni Alex sa TV?

Saad ni Kean, “Deserving talaga siya rito.

"Kasi aside from the fact that she’s a very, very good actress, aside from the fact that she has her name on the line as well, magaling talaga si Alex.

“Matagal ko nang nakatrabaho iyong tao, aside for the fact that she’s doing a really, really great job, like TV and everything she does, deserve niya ang lahat ng ito.

“Bagay siya sa karakter ni Inday Bote and hindi lang iyon, kapag sinabi sa kanya na, ‘Alex, iiyak ka rito sa eksenang ito, drama ka rito…’

"Gagawin niya iyon at magugulat ka na lang sa galing niya."

Ang Inday Bote ay bahagi ng ‘magical summer campaign’ ng Dreamscape Entertainment Television. Ito’y sa direksyon nina Malu Sevilla at Jon Villarin.

Bukod kina Alex, Kean, at Matteo, ang iba pang bahagi ng cast ng Inday Bote ay sina Aiko Melendez, Alicia Alonzo, Smokey Manaloto, Nikki Valdez, Malou Crisologo, Jeffrey Santos, Nanding Josef, Alora Sasam, Biboy Ramirez, Izzy Canillo, at introducing dito ang anak ni Niño Muhlach na si Alonzo Muhlach.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN