Watch Now

Ivana Alawi on celebrity crush Sam Milby: "Yes, nahalikan ko na si Sam!"

by Rachelle Siazon
Jun 27, 2022
Ivana Alawi, Sam Milby, A Family Affair
Ivana Alawi on A Family Affair leading man Sam Milby: "Si Sam naman, sobrang haba ng pasensiya at di marunong magalit at all. Malalaman niyo bakit. Kahit ano sabihin mo sa kanya, happy lang siya. He's very matulungin."
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment YouTube

Hindi nailang si Ivana Alawi na sabihin sa harap ni Sam Milby na celebrity crush niya ito.

Sa mediacon ng A Family Affair noong June 15, 2022, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ivana kung bakit tila halatang kinilig siya nang ilarawan niya ang koneksiyon ng characters nila ni Sam.

Love triangle kasi sina Ivana, Gerald Anderson, at Sam sa Family Affair, ang bagong prime-time series ng Kapamilya Channel.

Sabi ni Ivana, "Alam naman niya... Tsaka nasabi ko naman yun sa vlog ko na naging crush ko si Sam.

"Humahanga pa rin ako sa kanya, kasi he's a very, very great person."

Napapangiti lang si Sam na nasa tabi ni Ivana sa roundtable interview.

IVANA ON FIRST ONSCREEN KISS WITH SAM

Pero bago pa sa A Family Affair, naalala ni Sam na una silang nagkatrabaho ni Ivana sa Metro Manila Film Festival entry na 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon! noong 2019. Bida roon si Coco Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala, halikan lang yun! Walang line," saad ni Ivana.

Hindi pa man daw sila nagkakakilala ay sumabak na agad sila sa kissing scene

Balik-tanaw ni Ivana, "Kasi yung set-up, I wasn't there.

"Tapos pagdating ko, sabi sa akin, 'Hahalikan mo si Sam.' 'Ha?!'

"Siyempre pagpunta ko dun, 'Hi,' nag-iisang scene.

"Di pa kami nai-introduce, we didn't even get to talk, kiss agad.

"Tapos cut. Kiss ulit, kiss ulit. Sabi ko, 'Huh, andami naman.'

"Ta's after nun nakapagkuwentuhan na kami."

Biniro naman si Ivana ni Direk Jerome Pobocan "achieved" dahil nagka-moment sila ng celebrity crush niyang si Sam.

Kuwelang hirit ni Ivana, "Yes! Nahalikan ko na si Sam!"

SAM INVITES IVANA, OTHER CO-STARS TO GO HIKING

Ngayong nagkatrabaho sila sa A Family Affair, mas nagkakilanlan sina Ivana at Sam, gayundin ang iba pa nilang co-stars na sina Gerald, Jake Ejercito, at Jameson Blake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa solo mediacon ni Sam noong June 8, 2022, ikinuwento ni Sam na inimbita niya sina Ivana, Gerald, Jake, at Jameson na mag-hiking sa Masungi Georeserve, isang conservation area sa Rizal.

Isa sa mga paboritong lugar iyon ni Sam pagdating sa hiking.

Pero natuklasan daw ni Sam tungkol kay Ivana, "Don't make her do hiking."

Patuloy ni Sam, "It's nature. I thought everyone would enjoy. I was wrong.

"Si Ivana, di ko alam na ayaw niya kahit anong workout. So she was not... I think deep down inside, we all agree na she really enjoyed...

"Pero yung hitsura niya, 'Kuya, ilang percentage pa [before we reach the end of the hike]? 75 percent pa?!' Galit na galit siya."

Natatawa na lang si Sam dahil sa karanasan nilang iyon kasama si Ivana at iba pang co-stars.

"It's a simple three-hour hike. It's beautiful, but yeah, she was not happy.

"She was showing na she was not happy, pero feeling ko nag-enjoy siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala naman daw masasabi si Sam kay Ivana pagdating sa working relationship nila.

Ani Sam, "She's been so easy to work with. She's a lot of fun. Just be ready yung mga asar na mangyayari."

IVANA ON GERALD, SAM, JAKE, AND JAMESON

Balik sa mediacon noong June 15, 2022, inamin ni Ivana na ginawan niya ng prank ang A Family Affair male co-stars niya.

Dito raw niya natuklasan kung gaano kabait ang leading men niyang sina Sam at Gerald, gayundin sina Jake at Jameson.

Lahad ni Ivana, "Si Jake, he's very light pag kasama mo siya. Puwede mo siya biruin di siya napipikon, ang haba ng pasensiya.

"Si Gerald, pag nasa character siya, '5-4-3-2-1, action!' nandun siya. Pagka-cut, nagiging funny na siya.

"Ang galing. He's very professional, pero as soon as cut, ginagawa niya light na yung mood.

"Si Sam naman, sobrang haba ng pasensiya at di marunong magalit at all. Malalaman niyo bakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit ano sabihin mo sa kanya, happy lang siya. He's very matulungin.

"Si Jameson naman, baby boy talaga siya. Pag nagba-bondng kami, andami niya questions."

Ngayong Lunes, June 27, 2022, nagsimulang umere ang A Family Affair sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, at TV5.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ivana Alawi on A Family Affair leading man Sam Milby: "Si Sam naman, sobrang haba ng pasensiya at di marunong magalit at all. Malalaman niyo bakit. Kahit ano sabihin mo sa kanya, happy lang siya. He's very matulungin."
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results