Arnell Ignacio thankful for being part of TV5's Solved Na Solved

Arnell Ignacio on Solved Na Solved: "Napakabata ng show, e, 'etong third month ng season na ito, nararamdaman mo na we’re on the right track. Tumatanim na kami sa memories, sa habits ng mga manonood. I just hope that TV5 ay magkaroon ng mas malinaw na vision sa show na let it grow."


Isa sa birthday wish ni Arnell Ignacio ngayong kaarawan niya ay tumagal pa sa ere ang hinu-host niyang programa sa TV5, ang Solved Na Solved.

“If they want to extend the show, it would be a beautiful idea. I would love to do another season of Solved Na Solved.

"'Eto naman yung maise-share mo sa experience mo kapag matagal ka na sa showbiz, meron mga bagay-bagay dito na hindi nasusulat sa papel, e.

"Hindi nasusukat ng mathematics or science. 'Eto nasusukat sa pakiramdam, e.

“Napakabata ng show, e, 'etong third month ng season na ito, nararamdaman mo na we’re on the right track.

"Tumatanim na kami sa memories, sa habits ng mga manonood.

"I just hope that TV5 ay magkaroon ng mas malinaw na vision sa show na let it grow.

"Parang tanim lang iyan, e, katatanim mo lang, na ngayon ay nagbibinhi na, hindi mo naman puwedeng sabihin na mamunga ka na.

"Pagka iyan, e, nagkaroon na ng ugat at tumubo nang matibay, the show will be a formidable force in that timeslot.

“Of course, it’s always a gamble. You’ll never win kung hindi mo tatayaan.

"Nararamdaman namin iyan ni Gelli dahil noong nagsimula ang Solved Na Solved, ni walang magte-text sa iyo na batiin mo naman ako, wala talagang alam yung tao.

"Pero ngayon, ‘Uy, batiin mo naman kami.’ Pati sa Facebook napag-uusapan. Kumbaga, yung awareness nandoon na.

"Hopefully, the network will recognize the level at which we are in now. 'Eto ay papunta na sa tama.

"Sana tumagal pa talaga ang show, sana.”


STRONG BOND. Masayang-masaya raw si Arnell na napasama siya sa hosts ng show.

“Honestly, itong experience na ito… with the new group I’m working with, with the many shows I’ve gone through, masayang-masaya ako rito.

"Kasi dito, meron kaming active participation sa creative, and ang ganda ng respeto nila rito with their hosts, tinatanong ka nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ano yung plus and minus ng show, sine-share nila sa iyo para nauunawaan mo rin kung anong direksiyon ang gagawin ng show.

"Kumbaga, dito ko naramdaman na… madalas kasi sasabihin sa mga show na, ‘Isa na kaming malaking pamilya dito,’ pero actually hindi naman.

"Pero dito, naramdaman ko iyon dahil sine-share nila iyon, e, pati yung problema ng show.

"So, kung may ipapagawa sa iyo na medyo mahirap unawain, madali mong gagawin kasi naiintindihan mo yung sitwasyon.

"And tine-treasure ko ang relasyon na iyon with the production staff, creative staff of Solved Na Solved.

Pinapahalagahan din daw niya ang relasyon niya sa kanyang co-hosts na sina Gelli at Atty. Sta. Maria.

“Si Gelli naman kasi matagal ko nang kaibigan, so parang hindi na trabaho ang makipagtrabaho kay Gelli.

"Napaka-generous niyan na ka-partner, comfortable ka dahil sa confidence niya sa sarili niya.

“Si Attorney naman, ang dami mong natututunan every time he opens his mouth.

"At saka yung intelligence at information na ibinibigay niya, alam mo every taping is like a classroom, it’s always a learning experience."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN