Lance Raymundo stars in Singaporean TV series


That's Incredible! After his stint as a stage actor, Lance Raymundo was cast in Incredible Tales, a Singaporean TV series. "Overwhelmed ako sa bilis ng pangyayari. One minute I was just thinking about what's next after my stage play, and this thing suddenly fell on my lap. Talagang incredible!"


Katatapos lang gawin ng singer na si Lance Raymundo ang kauna-unahan niyang TV acting project kung saan bida siya sa isang episode ng sikat na drama series sa Singapore, ang Incredible Tales.

Ang Incredible Tales ay mala-Tales from the Dark Side type of TV show na based sa Singapore with MTV VJ Utt (Uttsada Panichkul) as host. It features horror stories na hindi lang sa Singapore gawa, kundi pati na rin sa neighboring countries like, Malaysia, Australia, and now, Philippines.


Nasa season break ngayon ang Incredible Tales. Sa pagbabalik sa ere, episode na ni Lance ang isasalang bilang simula ng fifth season.

THE AUDITION. Nagpa-audition noon ang Incredible Tales sa Pilipinas for actors for their Philippine episode. Suwerte namang pinag-audition pa rin si Lance ng office na connected sa Singaporean TV series kahit tapos na ang audition.


"Tumuloy pa rin ako without any expectations. I don't even have any idea what kind of show yun or kung para saan. Basta I just went to Makati, then, they gave me a script. Pinabasa nila sa akin. After that, umalis na ‘ko sa office," kwento ni Lance.


Then after a few days before the taping, nakatanggap ng tawag ang publicist-manager ni Lance para mag-report siya sa shooting.


"No'ng tinawagan na kami, all we said was ‘yes!' Oo lang kami nang oo. We don't even know what exactly my role is. We don't even know how much salary I will get. We didn't ask any contract. Para sa akin kasi it was big challenge, e."


Honest naman sa pag-amin si Lance na nagulat siya nang mapasama sa project, palibhasa'y sa singing siya naka-focus dati at sa teatro naman ang kanyang acting experience. But just the same, masaya siya dahil bihira lang ang nabibigyan ng pagkakataon na mapasama sa isang mainstream TV series at international pa ang audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Overwhelmed ako sa bilis ng pangyayari. One minute I was just thinking about what's next after my stage play, and this thing suddenly fell on my lap. Talagang incredible!"


DEMON'S WHIP. Kasama niya sa episode sina Juliana Palermo at Say Alonzo. Si Jun Lana ang nag-direk ng episode na pinamagatang "Demon's Whip." Sa Los Baños kinunan ang buong episode for almost four straight days. English ang dialogue nila all throughout dahil sa Singapore nga ito ipalalabas.


"Physically, very tiring talaga pero hindi naman ako nahirapang mag-adjust. I run every day at nagdyi-gym din ako. I also do boxing. But what's important is my acting and I'm glad I delivered naman."


Nakatulong nang malaki ang pag-arte ni Lance sa katatapos lang na stage play niya na Romeo & Juliet. Maging sa crying scene niya, take-one lang si Lance.


"Nagulat ako, e. I thought we were just rehearsing. ‘Tapos nu'ng nakita nila that I was crying, sabi ni Direk, ‘take na ‘yan.' Kaya take one," bida ni Lance.


LANCE AND JULIANA. Sa set ng Incredible Tales naging magkaibigan sina Lance at Julianna Palermo. Madalas ay tine-text na siya ni Julianna.


"We remain friends until now. She sends me text messages, magri-reply naman ako. Pero hindi gano'n kadalas."


Wala ba siyang planong ligawan si Julianna?


"Ah, I don't know. I have a constant date," diin ni Lance.


Right after ng shoot ng episode nila, agad ding dumiretso papuntang Thailand ang crew ng Incredible Tales. Ipalalabas sa Singapore ang episode ni Lance na "Demon's Whip" three months from now. Pero hindi pa man naipalalabas ang "Demon's Whip" sa Singapore, may mga offer na kay Lance na TV shows from both networks.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN