Bing Loyzaga finally gets to work with Coco Martin; comes home to ABS-CBN

Bing Loyzaga on returning to ABS-CBN: "It's nice to be home. Ano lang naman 'yan, e, ang tao kasi, kailangan mong mag-break o magbakasyon for a while, pero babalik at babalik ka pa rin sa bahay mo."


Sobrang tuwa ni Bing Loyzaga na finally ay nakatrabaho na niya ang tinaguriang "King of Primetime Teleserye" na si Coco Martin.

Si Bing ang gaganap sa papel ni Elena, ang ina ni Julia Montes, sa Kapamilya fantaserye na Wansapanataym Presents: Yamisihita's Treasures na magsisimulang ipalabas sa March 22.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Bing sa grand presscon ng kinabibilangang programa last week, sinabi niyang masaya siyang nakatrabaho si Coco.

Lahad ng aktres, “Tuwing makikita ko si Coco, kasi pareho kami ng manager [Biboy Arboleda], lagi ko sa kanyang sinasabi na, ‘Hay naku, ako na lang ang hindi mo nakakasama sa barkada.’

“Si Agot [Isidro], si Mylene [Dizon], nakatrabaho na niya.

“Sasabihin naman niya, ‘Malapit na, malapit na.’

“Kaya whent this [project] came, ang unang banat niya sa akin ay 'Hayan na, hayan na.'

“Sabi ko, 'Oo nga.'

“Siyempre, sa umpisa, iniisip na, ‘Wow, I wonder how...’”


WORKING WITH COCO & JULIA. Kumusta naman si Coco bilang kasama sa trabaho? Pati na rin ang leading lady ng aktor na si Julia Montes?

Ani Bing, “Sa una, ang tingin ko, kengkoy siya 'pag off cam.

“Pero 'pag on cam na, he loves the craft.

“I never expect such young people to love their craft, as much as they do.

“Yung devotion nila, it's nice to work with people who take they job seriously.”

Patuloy niya, “Si Julia, it's the same as Coco. Koboy na koboy, e.

‘Sabi ko, ‘Ay, magkakasundo kami nito!’

“It's really fun, hindi lang sila ang natututo sa aming seniors, kami rin ay natututo rin sa kanila, which is nice.”

BACK TO ABS-CBN. Balik-ABS-CBN si Bing. Ano ang pakiramdam ng isang bumabalik sa dati niyang tahanan?

Bago ito ay tatlong taon siyang naging contract artist ng TV5.

Saad ni Bing, “It's nice to be home.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano lang naman 'yan, e, ang tao kasi, kailangan mong mag-break o magbakasyon for a while, pero babalik at babalik ka pa rin sa bahay mo.

“I just signed to another company for three years.

“Hindi naman talaga ako nawala dahil kahit guaranteed yun, wala lang akong gaanong projects na nagawa.

“I'm just happy to be back in ABS.”

Dagdag niya, “It's nice to be working with brilliant people and artists na hindi mo naman nakasama nang matagal, 'di ba?

“And at the same time, it's nice to have projects, it's nice to be active again.

“That's the excitement.”

SHARON CUNETA. Ano naman ang masasabi niya sa pagbabalik-Kapamilya network din ni Sharon Cuneta?

Ani Bing, “She deserves it, she deserves to be home.

“Alam niyo na kung bakit kami friends.

“I haven't seen her, the last time I saw her was at the wake of her mom [Elaine Cuneta].

“Iba kasi yung pakiramdam, ‘di ba?”

Saad pa niya, “Well, in all fairness, sa tagal din naman ng panahon na naiwan kami sa Dos noon, of course, halos karamihan ng mga kaibigan namin ay mga taga-Channel 2.

“Kaya [pagbalik], parang madali na lang sa amin.

“Pero dun sa kabila [TV5], pampered din naman kami, pero nangingilala ka ng ibang tao.

“Iba yung pagbalik mo, kilala ka na.

“Pero umalis ako sa TV5 na walang bad blood, ha? Okay kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN